Kabanata Labing Apat
Yung totoo? Malapit na namin marating ang subdivision namin pero ni isa wala pa ring nagsasalita sa amin. Tinanong niya lang kanina yung address ko. Pagkatapos nun wala na siyang sinabi. Akala ko ba gusto niya akong makausap? Eh, bakit ang tahikmik niya?
"Wala kang sasabihin?" tanong ko nang hindi na nakatiis.
Nilingon niya ako. Siguro mga limang segundo lang iyon tapos binalik na niya uli ang tingin sa daan.
Ngumuso ako, humalukipkip at tumingin nalang sa katabi kong bintana. Gusto daw niya kong makausap. Tss. Ang sabihin niya, gusto niya lang ako makasama. Kidding!
"Iba ang ibig kong sabihin nung sinabi kong hindi ka nababagay sa ganoong klase ng party."
Napatingin ako sa kanya nung sa wakas ay nagsalita na siya. Umayos ako ng upo at naghintay ng kasunod na sasabihin niya.
"Masyado kang Maria Clara para magpunta ng bar. Masyado ka pang inosente pagdating sa mga ganung bagay."
Kumurap-kurap ako. Panlalait na ba ang sinabi niya? Papuri? O wala lang? Yung pangatlo ata.
Tumigil sa pag-andar ang sasakyan kasabay ng pagpaling niya ng ulo sa direksyon ko. "Hindi ka nababagay doon. Alam mo kung saan?" Ngumuso siya sa gilid ko.
Lumingon ako sa bintana at natanaw ang playground.
"Tingin mo sa'kin, bata?"
Narinig ko ang tunay at mahinang tawa niya. Natulala ako dahil sa ganda nito sa pandinig.
Seryoso ako sa tanong ko pero hindi niya ito pinansin. Tumatawa pa rin siya ng mahina habang bumababa ng sasakyan.
Sinundan ko siya ng tingin.
Aba! Gentleman ang mokong! Di manlang ako pinagbuksan ng kotse! Bumubulong bulong ako habang binubuksan ang pinto hanggang sa makalabas.
"Hoy baka gusto mo kong hintayin? Dinala dala mo ko dito tapos iiwan mo ko?" sigaw ko. Malalaking hakbang na ang ginawa ko para masundan siya.
Hindi siya lumingon. Pinasok niya lang ang mga kamay niya sa bulsa ng pants niya at cool na naglakad.
"Bingi ka ba ha?" sigaw ko uli. Tumakbo na ako at hinabol siya. Ang bilis maglakad. Sya na may mahabang legs!
No choice ako kundi ang sundan siya. Anong oras na kasi. Wala na akong makitang dumadaang sasakyan dito. Hindi ko naman matawagan ang driver ko o kaya ang parents ko para sunduin ako kasi yung gamit ko naiwan ko sa kotse ko. Hindi ko alam kung saan pinapunta ni Danica yung driver ko. Kaya wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang sumama kay Thadeus. Takot kasi akong mag-isa sa daan dahil sa mga napapanood ko sa balita na krimen. Kaya nga kahit malapit na ito sa subdivision namin, kahit pwede ng lakarin ay hindi ko gagawin. Natatakot ako.
"Kainis ka talaga!" gigil na sabi ko nang nasasabayan ko na siyang maglakad.
Tiningnan niya ako sabay tinawanan.
"Ang panget mo talaga," medyo tumatawa pa rin siya ng sinabi niya yan. Ginulo niya ang buhok ko na ikinainis ko.
"I hate you!" hasik ko.
Tumawa na naman siya. Baliw talaga!
Hinawakan niya ako sa wrist. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa'kin habang nagpapadala sa pangangaladkad niya. Bakit ganito? Bakit gusto ko yung pakiramdam? Bakit di ako makapagreklamo at itaboy ang kamay? Bakit?! Tell me, please!
Sa kabila nun ay may napansin ako. HALOS MADAPA NA AKO HABANG NAGLALAKAD! Talagang kinakaladkad ako ni Thadues huh.
"Baka gusto mo bagalan ang paglalakad? Pag ako nadapa..."
"Lalo kang papanget?" Pagtatapos niya sa sinabi ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. At dahil dun, tumawa siya ng malakas.
"Sige lang pagtawanan mo pa ko. Ganyan naman kayo, eh! Ginagawa akong katatawanan," hugot ko.
"Drama mo."
Saka ko lang napansin na nasa loob na pala kami ng playground at nasa tapat na kami ng swing. Kung san san napadpad ang isip ko kanina kaya naging oblivious ako.
Giniya niya ako paupo sa swing.
"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya pagkaupo ko. Nakalingon ako sa kanya habang nakatingala dahil nasa likuran ko siya .
Hindi siya sumagot. Kinuha niya lang ang mga kamay ko at inihawak sa handle ng swing.
Napakagat labi ako. Kailangan talaga hahawakan pa ko sa kamay? Kahit sandali lang yun naramdaman ko kung gaano kalambot at kainit ang mga ito. Darn you, Thadeus! I hate myself for wishing you'd hold my hand a little bit longer cause I liked the feeling of it. At first time lang mangyari sa'kin ito. Ugh! What is happening to me?
Patuloy ako sa pag-iisip hanggang sa maramdaman kong dinuduyan na ako ni Thadeus sa katamtamang bilis. Kung bakit niya ginagawa ito ay hindi ko alam.
"I like you."
Napalingon agad ako kay Thadeus. Ha? Siya ba yung nagsalita? At tama ba ang pagkakarinig ko?
"I like you, HyoRin."