Kabanata Labing Anim
Seryoso? Kaya ba feeling ko ang babait ng mga tao sa'kin ngayon dahil winarningan sila ni Thadeus? Sa paanong paraan naman? Bakit niya naman ginawa yun? AT BAKIT NANDITO AKO SA TAPAT NG LOCKER KO, HA? ANONG GAGAWIN KO DITO?
"Loka loka ka na!" Tinuktukan ko ang sariling ulo.
Natigilan lang ako nang mapansin ang kakaiba sa locker ko. May nakadikit kasing chocolate bar sa pinto nito at isang pirasong pulang rosas.
"Shunga naman ng naglagay nito." Kinuha ko ang mga iyon at nilipat ng dikit sa locker na katabi ng akin, ang kay Thadeus.
Paglabas ko sa locker area napatili agad ako. Kasi naman nakakagulat. Bigla bigla nalang may bumabagsak na braso sa balikat ko.
"Ikaw na naman?" medyo naiiritang sabi ko.
Si Thadeus na naman!
"Tama, ako na naman."
Inirapan ko siya at marahas na inalis ang braso niyang nakaakbay sa'kin.
"Pabebe," bulong niya malapit sa tenga ko.
"Pasimpleng manyak!" ganti ko naman sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya tila ngayon lang may nakapagsabi sakanya nun.
Tinalikuran ko na siya para umalis. Baka kasi ma-late pa ako sa klase ko.
"Bawiin mo yung sinabi mo!" malakas na utos niya.
Hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa paglalakad. Saktong pagliko ko, hinablot niya ang aking siko at inikot ako paharap sa kanya.
"Hindi ako pasimpleng manyak! Sweet ako."
Okay, pinigil ko ang tawa ko. And so what? Anong pinaglalaban niya?
"Oh, tapos?" Nagkibit-balikat ako at tiningnan siya. Naka-bored look ako pero deep inside na-e-entertain ako sa mokong na ito. May ganitong side din pala si Thadeus "The Mayabang".
"Tapos gusto kita."
Okay, pinigil ko ang kilig ko. I bit my lowerlip to keep my bored look. Pero deep inside, nagpaparty-party ang mga paru-paro sa tiyan ko. Although malaking part sa utak ko ang nagsasabing hindi seryoso si Thadeus, grabe pa rin kung apetukhan ang sistema ko.
"Tapos gusto kitang maging girlfriend."
"H-ha?"
Salitan kong tinititigan ang mga mata niya. Naghahanap ako ng katibayan na nang-gu-good time siya sa likod ng pagiging seryoso niya. Hanggang sa naningkit ang mga mata niya at narinig ko ang malakas niyang tawa.
"Tapang tapangan ka pa ha," aniya sa pagitan ng halakhak.
Umangat ang mga kamay ko. Automatic yatang masasabunutan ko ang sariling buhok sa pagkainis, pero mabuti nalang nakontrol ko agad.
"Pang-asar ka talaga!" bulyaw ko. Gigil na gigil.
Lalong lumakas ang tawa niya.
Lalo akong nanggigil.
"Lalo kang namumula," puna niya nang medyo nahimasmasan. "Kanina namumula ka dahil sa kilig, pero mas namumula ka ngayon dahil sa inis." At pinagtawanan na naman niya ako.
"Dyan ka na nga!" Matapos ko siyang titigan ng masama, inirapan ko siya at tumalikod na.
Nakakailang hakbang na ako subalit hindi ko na naramdaman ang presensya niya. It's not that hinahanap ko siya o hinihintay ah.
Habang naglalakad ako sa hallway, kakaiba ang tingin ng mga estudyante sa'kin. Hindi naman in a nang-iinsulto way. Parang tulala ganun. Di ko nalang pinansin. Yumuko ako hanggang sa marating ko ang classroom ko. Sumilip ako sa salamin at nakitang nagtuturo na ang prof ko.
Hahawak na ako sa doorknob nang maunahan ako ng ibang kamay.
"For you, milady." Thadeus grinned. Binuksan niya ng bahagya ang pinto.
Kaya naman pala kakaiba kung tumingin sa'kin ang mga tao kanina kasi nasa likuran ko pala siya.
Naningkit ang mga mata ko. May imaginary lazer beam ng lumalabas sa mga mata ko na nakatutok kay Thadeus. "Ano. Bang. Trip. Mo?" I said between my gritted teeth.
"Wala," sagot niya. At pinakita niya sa'kin ang isang nakakairitang ngiti. Tinulak niya ng mahina ang pinto. Tapos maya-maya, may naramdaman ako sa likod ko─palad niya. Giniya niya ako papasok ng classroom.
Right there, I blushed.
Tahimik ang silid. Wala ni isang nagsasalita pero ang mga mata nila'y nagtatanong.
"Hi, Sir!" bati ni Thadeus sa professor kong tulala rin. "Hinatid ko lang itong nililigawan ko."
"Ha?" Napatingin ako kay Thadeus. Pakiulit nga.
Kinindatan lang niya ako tapos lumapit sa'kin at may binulong, "See you later."
Take note: Nakadikit pa rin sa likod ko ang palad niya.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Napansin ata yun ni Thadeus kasi ngumisi siya.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng classroom.
"Nice, Miss Ambrix," nakangiting wika ng prof pagkaupo ko.
Nag-bow nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
Nagbalik na sa pagdi-discuss ang guro samantalang hindi pa ata bumabalik sa earth ang mga kaklase ko. Kakaiba kasi ang pagiging tahimik nila.
Until may hindi nakatiis. Tumayo ang isa sa mga babae kong kaklase ko at ginulo gulo ang buhok niya. "I HATE YOU TO THE MOON AND BACK!" sigaw niya sa'kin. Sabay walk out niya at padarag na sinara ang pinto.
Echosera. Di na ginalang yung guro namin.