[Trinity Lovely Cruz's POV]
Mahirap maging cute,
Maraming magkakagusto sa iyo.
Mahirap maging patay gutom,
Mauubos ang budget mo kakakain.
Mahirap maging matalino,
Maraming mangongopya sa iyo (pero okay lang naman yun para sa akin).
*Based on my recent survey lang yan.*
*May maisama lang sa prologue, pandagdag ba.*
Mahirap magkamali,
Jackpot kasi yun sa mga taong gusto kang ibaba.
Mahirap magkacrush,
Ang hirap pigilan ng kilig mo kapag nakikita mo siya,
Kapag sinabi mo naman ito sa mga kaibigan mo,
Maya-maya lamang ay alam na ng crush mo na crush mo siya.
Mahirap magkaroon ng kaaway,
Walang peace of mind,
Tumataas lang ang blood pressure mo sa tuwing makikita mo siya.
Mahirap magmahal,
Sa ayaw mo man o sa gusto,
Laging may masasaktan,
Laging may kailangang isakripisyo,
Pero ganun talaga,
Kailangan mo na lang maniwala na may pag-asa...
Malay mo?
Maging happily ever after ang ending ng storyang 'to.
Kahit na dahil sa mga katotohanan ng nakaraan,
Mababago ang lahat...
Maraming puso ang malilito,
Maraming puso ang labis na masasaktan...
Do you believe in the magic of falling in love?
Do you believe that love can really last forever?
Para sa akin?
Secret...
BINABASA MO ANG
Love Rush
RomanceIsang storya tungkol sa apat na taong ginulo at sinaktan ng mga katotohanan ng nakaraan... Isang babaeng simple lang ang pangarap sa buhay, yun ay ang magkaroon ng masayang pamilya at (makakain ng marami araw-araw)... Isang lalaking ang pangarap lam...