Jacket (One Shot)
All Rights Reserved © 2013
_____________________________________________________________________________________
“Uy! Trinity!” Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Hyacinth. “Bakit ka nandyan, wala ka bang payong?”
“Malamang, Kaya nga ako nakikisilong dito eh!” Sagot ko naman sa kanya. Ang ganda kasi ng tanong niya eh. Kaya ginandahan ko rin ang sagot.
“Ay, Ay! Ganyanan! Bahala ka diyan!” Sabi niya saka iniwan ako. Aba. Iniwan ako ng babaeng yun. Aishh, Paano na ako makakapasok niyan sa school. Kainis naman kasi eh, Kung kailan hindi ko kailangan yung payong ko, Doon naman uulan.
Tinignan ko na lang ang kalangitan. Mukhang matagal pa titila yung ulan.
“Trinity?” Pumikit muna ako sandali. Buti na lang talaga binalikan ako ng bruha na to.
“Hoy! Hyacin--.. Zelo?” Eh? Si Zelo pala.
“Oh bakit parang nagulat ka ata?” Tanong niya.
“Ahh, Ano kasi, Akala ko ikaw si Hyacinth eh? Hehe. Akala ko lang naman.” Pagkasabi ko nun, Lumapit siya sakin.
“Sabay na tayo pumasok. Mukhang wala kang dalang payong eh.” Sabi niya tapos pinayungan ako. Maglalakad na sana kami ng bigla ulit siyang magsalita. “Sandali lang.”
Bumalik ulit siya sa waiting shed na pinagsisilungan ko kanina at nakita kong may nilabas siya sa bag niya. Isang jacket. Sinenyasan naman niya ako na lumapit.
“Suotin mo to.” Sabi niya tumayo siya at sinuot niya sakin yung jacket. “Wag mong tatanggalin yan hangga’t hindi natatapos ang araw na to.” Tumango na lang ako. Total, Malamig rin naman kaya gusto kong magsuot ng Jacket. Tinignan ko naman siya. Nakajacket rin siya ka kulay lang nung akin. Plain Black. Simpleng jacket lang.
“Tara na!” Sabi niya saka ako pinayungan at sabay na kaming naglakad papunta sa School. Nang makarating kami sa School. Nakaramdam ako ng kakaiba. Bakit parang nakatingin silang lahat samin? As in, Yung parang ‘Ayiiee’ look? Dahil ba sa sabay lang kaming pumasok kaya nakatingin sila samin ng ganyan. Hindi lang ba pumasok sa isip nila na wala akong payong at nakisabay lang ako.
Pagdating namin sa Hallway. Naglakad na agad ako palayo. Iniwan ko na si Zelo. Baka kasi hanggang dito, Tignan kami ng ganun. Habang naglalakad ako. Nakasalubong ko si Hansel.
“Uy! Ate Trinity!” Pero nilagpasan ko lang siya. Nakarinig ako ng mga mabibilis na yabag papunta sakin at bigla na lang akong hinarangan ni Hansel.
“Bakit ba?” Tanong ko kay Hansel. Tss, Mangaasar na naman ata tong pinsan ko.
“Ang cool ng nasa likod mo ah!” Sabi niya, Napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko si Zelo.
“Yow! Hansel!” Sabi ni Zelo at lumapit samin.
“Ang cool mo ata ngayon!” Sabi ni Hansel. Tsj, Nababakla na ata siya. Nagusap lang sila ng kung ano-ano na hindi ko naman maintindihan. Kaya naglakad na ako papalayo sa kanila.
“Trinity! Sabay tayong maglunch mamaya ha!” Sigaw ni Zelo bago ako makapasok sa classroom.
***

BINABASA MO ANG
Jacket (One Shot)
KurzgeschichtenAno bang meron sa likod ko, nagsuot lang ako nito naging ganon na.