Here we go again

24 0 0
                                    

"Sino ka ?!! Ahh at -  - - at anong gi - - ginagawa mu ha ?! bakit ka nasa kwarto ko ?"

Yun lang ang tanging nasambit ni Deborra sa loob ng kwarto niya habang nakahiga siya.

 Isang gwapong lalake ang nakadagan sa kanya , mapupungay ang mga mata nito at ang tangos ng ilong.

 Hindi niya malaman kung natatakot ba siya dahil baka may masama itong balak sa kanya oh sadyang kinakabahan siya dahil sobrang lapit ng mukha nito sa kanya.

 Kung hindi nga lang siya nagtataka kung bakit biglang sumulpot ang lalakeng yun baka nadala na siya sa naghalo-halong emosyon.

"Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko na lapitan ka , sadyang nadadala na ako sa mga bagay na sana ay di ko pa nararamdaman ngayon." yun lang ang sinabi ng lalake at bigla na itong nawala ng parang bula sa paningin niya.Napapikit nalang siya.

"arghh ! ano ba ??!! ang ingay niyo naman !" halos pasigaw na bulalas ni Deborra sa mga barkada niya.

 Eh kasi naman maaga pa ay nagpatugtug na ng rock music at nandito na sa kwarto niya nakatambay ang mga barkada niya.

"Ayan kasi ! lakas mung uminom yan tuloy nagkakahang-over ka."sumbat ni Jun.

Ang pinakabestfriend niyang lalaki. Sa lahat na siguro ng naging kaibigan niya , si Jun ang pinaka pinagkakatiwalaan niya.

"Eh ikaw ba naman ang maging broken hearted , eh halos tunggain niya lahat ng beer dun sa bar haha !"tugon naman ni nick , ang napakadaldal na kaibigan niya.

"Ano ba ? kaibigan ko ba kayo?", sambit ni chae habang kunot ang noo nito.

"Ehh ! ikaw kasi bestfriend wag kanang uminom ng hindi mo kami sinasabihan" sabay tapik sa balikat niya.

 "alam mo naman na nag-alala kami sayo kagabi , bigla nalang tumawag si tita na nawawala ka yun pala naglasing ka lang tsk!"sumbat ulit ni Jun.

 "Eh di sana nadamayan ka namin kagabi , eh nakalibre pa sana kami sayo! haha " si Vins , ang pinakapilosopo pero subrang sweet niyang kaibigan.

 Si Deborra ang type ng babae na hindi masyadong nakikipagkaibigan sa mga babae dahil sa tingin niya madaling mainsecure ang mga babae sa kapwa babae , kaya mas ginusto niyang puro lalaki ang maging kaibigan niya. At dun na nga niya natagpuan ang tatlong lalaki na naging bestfriends niya halos anim na taon na.

 Sa katunayan graduating na sila ngayon ng highschool at sa susunod na pasukan , mag co-college na sila. Sa kanilang magkakaibigan , pare-reho sila ng mga estado sa buhay. Anak mayaman at nakakaangat sa buhay. But they're not the type of highschool kids na mga spoiled ,bratty type oh bullies. Pero ni minsan wala pa namang nagkakamaling bumangga sa kanila oh nakipag-away dahil nga sa pagiging popular nila bilang membro ng pinakasikat na banda sa school nila sa St. Christian Academy na "S-O-L-E" means unique.Simply lang sila pero kakaiba, simply manamit maliban nga lang sa branded pero hindi sila maarte. Kahit sa pagkain hindi sila namimili , sila yung halimbawa ng "Trasher type" yun ang tawag sa mga kabataang mahilig maglaro ng skateboard at walang kaarte-arte.

 Mahilig talaga silang tumugtog , paminsan-minsan sa bahay nila Deborra sila nagsesession pag meron silang liesure time. Kaya nga maaga pa ay nandito na sila sa bahay ni Deborra para magpraktis sana kung di lang nila nadatnan na may hangover pala ito.

Chazyrockz's The Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon