S2: Second

13.4K 441 15
                                    

REN POV

" Hubby ayaw ko! " pigil ko sa paghatak nya.

" No babe. Pumasok ka na " hatak nya uli sa akin papasok sa loob pero humawak ako sa pinto. Wala akong pake kung pinagtitinginan ako ng mga tao pero ayaw ko talagang magpagupit!

" Isa kapag di ka dyan bumitaw, sinasabi ko sa'yo mamayang gabi gagahasain kita sa pag--- " tinakpan ko ang bibig nya dahil kung ano-ano ang sinasabi nya. Nakakahiya sa mga nakakarinig.

Bigla naman nya akong hinitak papaupo pero tumayo ako ng hawakan nya ako sa balikat at pinaupo uli. Tiningnan ko sya sa salamin para mangusap na wag nyang ituloy.

" Bakit ba gusto mo akong magpagupit? Ayaw mo bang magmukha akong babae. Papanget ako kapag nagpagupit ako ng panglalaki " nangingiyak kong sabi.

Lumapit naman sya sa tenga ko at bumulong. " Para sa akin ikaw ang pinakamagandang lalaki sa buong mundo na mahal na mahal ko " sabay halik nya sa ulo ko.

Sumimangot na lang ako. Kinausap nya na ang maggugupit sa akin. Hindi man lang ba ako tatanungin kung anong style ng buhok ko? Ang sama nila wahhh!



~

" Woah! Ang gwapo naman nilang dalawa "

" May girlfriend na kaya sila? "

" Shemay artistahin ang mukha "

Ilan lang 'yan sa bulungan na maririnig ko dito sa loob ng cafeteria. Ayaw ko ng ganon. Gusto ko sinasabi nila na 'uy bagay silang dalawa ng lalaki' , ' ang ganda naman ng kasamahan nya '. Gusto ko yung mga ganon!

" Wag ka ng sumimangot dyan. Maganda ka pa rin naman " sabi ni Cyrax sa akin.

" Ewan ko sa'yo! " galit kong sabi saka sya nilayasan.

Naiinis na ako sa mga inaasta nya this past few weeks. Pakiramdam ko may mali sa kanya.

Tulad ngayon, hindi ko alam kung kinakahiya nya na ba ako. Halimbawa na lamang ng may pinuntahan kaming party. Tinanong kung ano ang relasyon namin, abay hindi nya sinagot yung tanong. Saka hindi nya na ako pinapapunta sa office nya. Nang pumunta ako doon ng walang paalam ay sinigawan nya ako. Ano ba dapat ang isipin ko sa inaasta nya sa akin? Kung dati-dati proud na proud syang boyfriend nya ako na kulang na lang halikan ako sa maraming tao para ipaalam sa kanila na pagmamay-ari ako pero ngayon, iba na.

" Ren, wait lang " hawak nya sa kamay ko. " Wag ka munang mag-isip bata sa panahon ngayon. Sana maintindihan mo ang ginagawa ko " sabi nya sa akin.

Naiintindihan ko naman sya pero ayaw naman nya sabihin sa akin ang dahilan. Puro na lang intindihin ang sinasabi nya. Pero eto ako, hindi ko maitanong kung bakit kasi natatakot ako na baka hindi nya na ako mahal. Diba walang forever. Joke!

" Sorry rin. Napapagod na kasi ako ngayong araw. Uwi na tayo " nakangiti ko ng sabi.

" Halika na " ngiti rin nya at nauna ng maglakad. Hinintay kong hahawakan nya ang kamay ko pero wala kaya sumunod na ako sa kanya.


~

Patungo na ako sa room ng pinagtitinginan ako ng mga nadadaanan ko. Mabuti na lamang nakasalamin ako kaya hindi nila napapansin na iniirapan ko sila. Nakakadiri kaya ang sinasabi ng mga babae. Yuck! Wala akong balak nasahan sila kahit maghubad sila sa harap ko, susukahan ko lang sila.

Pumasok na ako sa loob ng room ng nakatingin silang lahat sa akin. Umupo na lang ako sa upuan ko.

" Ah eh may nakaupo na dyan " napatingin ako kay Lane. Tinanggal ko na ang salamin ko.

" Natural meron kung hindi ako " sabi ko sa kanya.

" REN?! AS IN LORENCE VANS DIEZMO? " sabay nilang sabi ni Thea.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon