Who is that guy ??

19 1 0
                                    

"Oh , anong gusto niyong kainin ? magpapahanda ako kay manang fe" , yan ang palaging inaalok ni  Deborra pag maagang pumupunta ang mga kaibigan niya sa bahay.

"Ahh gusto ko ng sandwich at fresh orange juice!"si Nick agad ang sumagot , maliban sa ito ang pinakamadaldal , ito din minsan ang pasaway.

"Sa akin kahit ano lang , pwede na basta mabubusog ako sa luto ni manang fe"sambit ni Vins.

Kung sa bagay sila lang ang palaging nandoon pag umaga dahil nasa opisina ang mga parents ni Deborra , minsan out of town ang mga ito oh di kaya business trip. Nag-iisang anak lang siya kaya nagagawa niya halos lahat ng gusto niya tulad ng libre siyang magdala ng mga kaibigan sa bahay nila oh di kaya ay minsan umuuwi siya ng madaling araw sa kaka-gig nilang mga barkada , tumutugtog kasi ang banda nila sa bar na pagmamay-ari ng parents ni Nick, minsan nga ito pa ang nagmamanage pag wala din ang parents nito. Bata pa sila kung titingnan pero kung kumilos parang mga college students na or mas higit pa dahil sa mga openminded sila at madiskarte sa buhay.

"Matanong ko lang , diba lasing ka kagabi ? sino ang naghatid sayo dito Deb?"nagtatakang tanong ni Jun sa kaibigan.

"AHH ! oo nga , kahit ako di ko matandaan kung sino at paano ako nakarating dito sa kwarto"ani ni Deborra na merong halong pagtataka ,

Bigla siyang natulala , naisip niya kagabi. Ang lalaki , ang gwapong lalaki na nakadagan sa kanya kagabi. "Paniginip ba yun?" nasa isip niya, walang talaga siyang maalala sa mga nangyari kagabi ,

"HOy! ayan kana naman sa pagiging tulala girl mo. haha " sabat na naman ni Nick, "Siguro may nameet kang lalaki kagabi kaya ka natulala ng ganyan"

"Shut-up dude ! what do you think of me?bigla nalang sasama sa lalaki na di ko kilala"

"Napakadefensive mo naman best , easy ka lang! im just kiddin' okay ? so what now? baba na tayo gutom na talaga ako eh" nakasimangot na tugon no nick.

Nagpaiwan sandali si Deborra para makapagbihis at dun niya naalala ang mga ilang pangyayari kagabi.

"2 shots of tequilla pa nga please!"tugon ni Deborra sa waiter habang nakangiti ito sa kanya,

"Ahh ehh miss' kaya niyo pa bang uminom? nakakailang baso na po kayo? baka di na kana makauwi niyan."

"Kaya ko pa , wag kang mag-alala"

"Okay ! here's youre drink maam!"

Patungo na si Deborra sa kotse niya ng di kalayuan , nakita niya ang ex-boyfriend niya. May kasama itong sexy na babae at sobrang dikit ng katawan nila habang naglalakad patungo sa parking lot ng bar. Kapwa lasing na din ang mga ito at parang sinasadya talaga ng panahon na magka eye to eye contact sila.

"LOOK! who's here , youre ex girlfriend Norby ."tugon ng sexy na babae , di nga lang maganda pero hot chick ang dating nito.

"Ahh Ikaw pala Deborra! kumust - - -"

Di na natapos ng lalaki ang sasabihin niya dahil sapol ito sa mukha , sino pa ba ang sumuntok nito eh di si Deborra , sa sobrang kalasingan niya di niya napigilan ang kanyang emosyon at sinapak niya agad si Norby.

"Ang kapal talaga ng mukha mo ! You stupid , lame !"bulalas na sabi ni Deborra. "Pagkatapos ng ginawa mu sakin at ito ka naglalasing at may kasamang ibang babae , tapos kukumustahin mu ako na parang walang nangyari?

Susugurin sana siya ng babae na kasama ni Norby para gumanti dahil sa ginawa ni Deborra sa ex boyfriend niya pero agad may isang lalaking pumagitna sa kanila at bigla siyang hinatak palayo dito. Wala na siyang magawa at di na siya pumalag pa dahil siguro sa tinamaan na siya ng alak , unti-unti ng umiikot ang paningin niya at parang nilalamon na siya ng mahika ng alak.

Sinakay siya nga lalaki sa kotse nito.

"Ang kotse ko , pano yun?"

"Wag kang mag alala , pag nahatid na kita ihahatid ko sa inyo ang kotse mo."

Di niya namalayan , nakasandal na siya sa balikat ng lalaki habang nagmamaneho ito , ang bango-bango nito at kahit lasing siya di niya maiwasang maisip iyon.Hanggang sa nakauwi na siya at di niya namalayan na nakarating na siya sa kwarto niya. Dahil sa minsan nga lang umuuwi ang parents ni Deborra , si Manang Fe ang nagpabukas ng ilaw at hindi man lang ito nag dalawang isip na patuluyin agad ang lalaki karga karga si Deborra na lasing.Naisip siguro nito na isa ito sa mga kaibigan ni Deborra kaya di man lang ito nagduda sa lalaki.

At yun na nga , naalala niya nung dahan-dahan siyang binaba nga lalaki at bigla naman itong nadulas kaya hindi sinadyang madaganan siya nito.

"Ano ba Deb! bumaba kana para pagtapos nito makapagpraktis na tayo" sigaw ni nicks sa baba.

"Oo andyan na!" tanging nasabi nalang niya.

Chazyrockz's The Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon