***Author's note: This is a one-shot story. Inspired from the prom season, the month of February, and from the movie 'A Cinderella Story', one of my all-time favorite films. And I got the name Darren from the film I was recently watching, Cirque Du Freak: The Vampire's Assistant.
This is for all the gals dreaming of a night to remember.
Enjoy. ;-)
"Mia, tingnan mo kung sino yung paparating! Papunta siya ng table natin!" Excited na bulong sa kanya ng bestfriend niyang si Loren. Nasa canteen sila ng school ngayon. Maaga silang dinismiss ng Values teacher nila kaya meron silang time tumambay sa canteen para makakain at mag-usap.
Lumingon siya sa tinutukoy ni Loren at hindi na siya nagulat kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng kaibigan niya.
It is Allen Magsaysay, Grade 12 tulad nila nga lang taga-ibang section, at member ng varsity team ng school nila. Tall, dark, and very handsome. One of the popular boys sa paaralan na yun. At tulad nga ng sabi ni Loren ay papunta ito sa table nila.
Ano naman kaya ang kailangan nito sa kanila? Hindi naman sila miyembro ng popular people sa school na yun, well Loren is quite popular, para lumapit ito sa kanila. Habang papalapit ito ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya.
The way he was walking towards them, the look on his eyes, brought her mind back to last Friday night's event...
Prom night, last Friday..
"Alam mo, kung hindi lang dahil sa'yo wala talaga akong balak umattend ng prom na yan eh. Paano tayo magkakakilala doon, eh naka-maskara tayo? Ano naman kasing ka-echosan yan at masquerade pa ang peg?" Naiinis na litanya niya kay Loren over the phone. Nasa sala siya ng bahay niya at hinihintay ang pagdating ni Lawrence, ang escort niya.
"That's exactly why my twin brother is your escort, para magkita tayo doon. Papunta na diyan si Kuya. Relax lang, friend. Masisira beauty mo, tama na yan. Last year na natin 'to sa highschool kaya i-enjoy na lang natin, okay? See you later, best!"
"Okay, best. Basta magkikita tayo, ha?"
"Yes, we will. It's gonna be fun. Chao!" Yun lang at nawala na sa linya si Loren.
Natigilan siya sandali at nag-isip. Parang kasi may ibig sabihin yung sinabi ni Loren na 'It's gonna be fun!'.
Agad niya yung inalis sa isip niya at sinipat ang suot niyang cocktail dress. Brownish gold na above the knee, bubble skirt style ang dulo at spaghetti strap. Pinarisan niya yun ng black 2-inch stillettos at itim din na shoulder bag, saka itim na may gold accent na waist belt. Brownish gold din ang kulay ng maskara niya, na maingat na nilagay ng nag-make up sa kaniya bago ayusan ang buhok niya.
Walang makakakilala na siya si Mia Gonzales, English geek ng section nila. Malayo siya sa nerdy image niya ngayong gabi.
Kahit maganda ang damit at ayos niya ay duda pa rin siya na magiging masaya ang prom night na 'to kumpara nung nakaraang taon.
Pero infairness, super-secret ang identity ng lahat ng dadalo sa prom ngayong gabi. They were given code names 2 days before the event. Ang sa kaniya ay Goldie Brown, kaya ganun na lamang na kulay ang pinili niyang suotin.
Tumunog ang doorbell kaya agad siyang tumayo at pinagbuksan ito. Lawrence looked like a British knight with his outfit.
"Nandiyan ka na pala, Rence. 'Lika na—"
"For tonight, my name is Larry Blue." Nakangiting putol nito sa kaniya. "You look beautiful, mi'lady."
"You don't look so bad yourself, Larry." She said which is true. Nasa mga 5'8" ang height nito at maganda ang pangangatawan, at guwapo din naman.
BINABASA MO ANG
I Remember You (One Shot Story)
Teen FictionIt's a one shot story about Mia Gonzales. She decided to go to her school's masquerade themed JS Prom as Goldie Brown and meets the gorgeous Darren Black. Will she ever get the chance to know the real person behind the mask? And once Darren finds ou...