Under the Meteor Shower(One Shot)

34 3 2
                                    

Ba't ganito yung tadhana?? Yung iba dumating agad sa kanila yung dapat para sa kanila.. pero sakin, galit yata ang tadhana sakin,kasi di pa sya dumadating.......

Kath's POV

"Kath! Sabay tayo!" Napalingon ako. Si Ken pala.Bestfriend ko na......

"Huy!! Nakatulala ka dyan?" sabi nya...

"A-ah e-ehh... akala ko di tayo magsasabay ngayon eh!" palusot ko nalang..

"Ikaw talaga!Halika na nga!" sabi nya sabay gulo niya ng buhok ko.

Wait..??? ano sabi nya?? Pa halik nga??? Wahhhh!! Kath ano ba pumapasok dyan na berde sa utak mo! >...<

"Hey Kath! Dali late na tayo." sabi nya sabay hila sa kamay ko. As in sa KAMAY KO! Hindi sa braso! >\\<

***School***

Magkaklase nga pala kami ni Ken and seatmate ko rin sya..Wala eh, swerte ako eh.Hihihihi... Kalandian mode na naman ako. ❤

"Hey! Andyan na si Ma'am Cruz!" sabi ng isa kong classmate.

Si Ma'am Cruz ang teacher namin sa Science.And Science is my favorite subject :)

"Class,Good Morning"

"Good Morning Ma'am!"

"So class,our topic for to day is about Meteoroid,Meteors,Meteorite."

"WOW!!!!!"

"Wahhhh!! Meteors!! *o*"

"ASTIG!!"

Mga reaction ng mga classmates ko. Pero ako rin mismo,tuwang tuwa sa topic namin ngayon,pero di ko lang pinapahalata.... hehehe

"Kath,ba't ka ngumingiti mag-isa dyan?" tanong sakin ni Ken.

"A-ako?? ngumingiti??! di ah!" pagtanggi ko.

"Wews... nakita ko eh!" pang-aasar nya pa.

"Oo na,sige. Napangiti nga ako..kasi...... gusto ko yung topic natin ngayon..." sagot ko habang nakatungo sa kanya..Nahihiya ako eh.. >\\<

"Naniniwala ka din ba sa Shooting Star?" biglang tanong nya,kaya napaangat ako ng ulo ko..

"Oo." sagot ko habang may tango pang kasama.

"Ahhh kaya pala..." sabi nya lang..

"Bakit mo natanong?" tanong ko.

"Wala.Focus na muna tayo kay Ma'am." sabi nya kaya sumunod nalang ako....

Nagustuhan ko sa kanya yung pagiging maalalahanin nya,matalino,thoughtful,mabait,gentleman,at gwapo!

"I'll repeat.Mamayang gabi magkakaroon ng Meteor Shower" sabi ni Ma'am na may ngiti ang kanyang labi. Dalaga pa si Ma'am at alam kong naniniwala din sya sa Shooting Star.

"Psst." kalabit sakin ni Ken.Siguro alam nyang tuwang-tuwa ako...Sana yayain nya ko,pero siguro hindi rin mangyayari yon.

"Ano game?" biglang tanong nya sakin.

Huh??

"Anong game ka dyan?" tanong ko..Sorry slow po ako ha! hehehe.

"Nood tayo mamaya ng Meteor Shower." sabi nya nang sobrang lapad ang ngiti..
Like this oh----> ^__________^

"Totoo??! "takang sagot ko.

"Oo naman!" sagot nya.

"Wahhhhh!!!! Ken! I Lo-" yayakapin ko sana sya,pero hindi ko na natuloy..pesteng bibig to oh.

"Ano sabi mo?" tanong nya sakin.

"A-ah...Sabi ko Thank You dahil sasamahan mo ko,yun yun eh..Oo nga yun nga.hehehhe" palusot ko habang nakangiti sa kanya... Sana hindi nya nahalata yung dapat na sasabihin ko.. >...<

"Aahhh..Yun lang ba?You're always welcome :)" sagot nya sabay pisil ng pisngi ko.




***Rooftop***

Nandito kami ngayon ni Ken sa rooftop namin..Inaabangan yung Meteor Shower..

"Hayyy...Ang sarap sigurong manood ng Meteor Shower lalo na 'pag kasama mo yung mahal mo no?" sabi ni Ken.

Nalungkot naman ako dun ... Sino kaya yung sinasabi nyang mahal nya? Sana ako...Sana...

"Sino ba yung mahal mo?"tanong ko..

Wala... natanong ko na.Kailangan maging handa ako sa magiging sagot nya..

"Siya lang naman yung babaeng walang kaarte-arte sa katawan,mabait,jolly,palaging nandyan para sakin.Kahit na ginugulo ko yung buhok nya,'di sya umaangal.Kahit na kinukurot ko yung pisngi nya,di sya naiinis..at maganda sya.." sabi ni Ken.

Habang nagsasalita sya nun, walang tigil yung pagtulo ng luha ko.. :(

Pero after 5 seconds,nag sink-in sa utak ko yung mga sinabi nya.. AKO BA 'YON?? AKO BA YUNG MAHAL NYA?

"Tama ka sa naiisip mo Kath...Ikaw nga.. Ikaw yung mahal ko." sambit nya habang nakatitig sya sakin.

Di ako makapaniwala.Di ako makapagsalita.Di ako makagalaw. AKO??

"Matagal na 'tong nararamdaman ko para sayo Kath..Nagsimula lang tayo sa simpleng pagkakaibigan,pero habang tumatagal yung pagsasama natin, lalong lumalalim ang pagtingin ko para sayo.Pero naisip ko na 'wag sabihin sayo to dahil ayokong masira yung pagiging mag Bestfriend natin..Ayoko kasing masira yun ng dahil lang sa feelings ko para sayo eh" paliwanag nya habang tumutulo na rin yung mga luha nya..

"Ken." sambit ko.

"Kath,siguro hindi mo matatanggap tong feelings ko para sayo,pero handa ako."

"Ken..."tawag ko sakanya habang humihikbi..

"Paalam na Kath" sabi nya at akmang aalis na pero pinigilan ko sya. ...Hinawakan ko sya sa kamay nya .

"Wag Ken..." sabi ko.

"Wala na Kath.Sira na dahil sakin.Dahil sa feelings ko!" galit na sabi nya habang tinuturo nya yung dibdib nya.

"Hindi Ken.Walang masisira.Magpapatuloy pa 'to." sabi ko.

"Anong sinasabi mo Kath?" tanong nya. Lumapit pa ako sa kanya kaya magkaharap na kami.

"Ma-mahal din kita Ken.MAHAL NA MAHAL! " pagkasabi ko nito sa kanya ay sabay rin ang pagbagsak ng mga Shooting Star.

"Matagal na rin yan dito eh.." sabi ko sabay turo sa kaliwang dibdib ko..

Wala na akong inaksayang panahon.Tumingkayad ako sa kanya at hinalikan sa pisngi..

"Ayan ah! Sabay na kayo ng MAHAL MO na manood ng Meteor Shower!" sabi ko.

"Wish ko! Na tatagal tayo! " sabi nya sabay kiss sa pisngi ko.

"I wish it too.." sambit ko.

"I love you Kath."

"I love you too,Ken."

At sabay naming pinanood ang mga Shooting Stars.. ✨✨✨


















~Byuntae_Kpopper

Salamat po sa pagbasa nitong story ko. ^_^ Nakailang iyak ako dyan habang nagta type..huhu :(

Again Chingus!! Kamsah amnida! ^_^

ANNYEONG~~~

Under the Meteor Shower(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon