MONNAH's POV:
Papauwi na ako galing sa school nang makasalubong ko si Lorenz. Kapwa kami natigilan sa isa't-isa. Nagmamadali akong maglakad hanggang sa malagpasan ko na sya. Ayokong makipagharap sa kanya. Sa tuwing makikita ko sya, lalong sumikip ang dibdib ko.
"Monnah, wait!"
I bite my lower lip. Tinawag nya ako?
"Monnah..."
Hindi ko sya nilingon. Binilisan ko ang paglalakad ko. Ayokong makita ang pagmumukha nya. Hindi pa ako handa. Saka na kapag nakap-move on na ako sa feelings ko sa kanya.
"Monnah, please." pagsusumao nya habang hawak ang kanang braso ko.
"Ano na naman ba, Lorenz?" tanong ko habang kumawala mula sa pagkakahawak nya. Hindi ko parin sya tiningnan.
"Tungkol ito sa CD na napanuod ko. I know ikaw ang may gawa nito. Monnah, please lang. Tigilan mo na kami ni Diseree."
Napatigil ako sa mga sinasabi nya. Agad ko syang hinarap.
"Monnah, hindi ba pwedeng bumalik nalang tayo sa dati? Bakit nagkaganyan ka?"
Bakit nagkaganito ako? Parang gustong tumulo ang luha ko. Inis na nilingon ko sya.
"Huwag mo na akong alalahanin pa, Lorenz. Kalimutan nalang natin ang isa't-isa." pinigil ko ang sarili kong huwag umiyak.
"Ganun nalang ba? Monnah, bakit kailangan tayong umabot sa ganito? May galit ka ba sa'kin?"
God! Ganito ba sya ka-manhid?
"Hindi ako galit sayo, Lorenz. Talagang ginising lang kita sa katotohanang niloloko ka lang ng babaeng mahal mo."
Nakita ko ang galit sa mukha nya.
"Monnah, I told you tigilan mo na kami ni Diseree."
"Lorenz, alam kong naging bulag ka dahil sa pagmamahal mo kay Diseree pero sana matauhan kana. At kapag mangyari man 'yon, sana hindi pa huli ang lahat." pagkasabi ko'y agad ko syang tinalikuran.
Sobrang pagmamahal ang ibinigay ni Lorenz kay Diseree. Kahit sarili nya binulag nya dahil lang sa babaeng 'yon.
"Monnah!" habol nya. Hinawakan nya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.
"I'm sorry, Lorenz. Wala akong panahon ngayon sa pakikipag-usap."
"Monnah, kung ayaw mo sa kanya sana-"
"Shut up, Lorenz! "
"Monnah, balewala lang ba talaga ako sayo? Mahalaga ba talaga ako sayo?"
BINABASA MO ANG
Show Me the Way to Your Heart (Completed)
Teen FictionLove or friendship? Ano ang mas matimbang? Ano ang mas importante? Handa ka bang talikuran ang love dahil sa friendship o handa ka bang iwan ang friendship dahil sa love? What if you choose... Love? Paano naman si friendship na syang kasa-kasama...