6/10/07
Nagkaroon ka na ba ng Kaibigan? ...... Malamang Oo ang sagot mo, ang saya di ba? lalo na kung marami kayo at magkakasundo ang mga trip nyo, yung tipong gala dito gala dyan, tambay dito tambay dyan, at tawanang tila walang katapusan.
Ngunit naranasan mo na rin bang magkaroon ng mga kaibigan na nandyan lang kapag masaya ngunit unti-unting nawawala kapag malungkot na ang usapan?.... Yung mga kaibigan na andyan lang kapag may kailangan at may pabor na hinihingi o hihingin sayo? eh yung mga kaibigan na halos ipaglaban mo hanggang sa huli pero ano iniwan at pinawalang bahala ka rin nila. ..... Saklap no?.
S'ya nga pala ako si Prince, isa akong mag-aaral sa Maynila, masayahin akong tao, pala-ngiti at pala-tawa kaya kung minsan ako ang napagtritripan pero ayos lang yun sanayan lang yan. Masasabi ko na marami na rin akong mga naging karanasan pagdating sa mga kaibigan kung kaya't naisipan kong isulat ito. Sa una sobrang sarap sa pakiramdam ang magkaroon ng kaibigan lalo na pagtiwala ka sa kanila, yung kulang nalang gawin nyo ng pare-parehas yung mga apelyido nyo at tumira kayo sa iisang bahay, yung talo nyo pa yung magkakapatid sa turingan. Masasabi ko na isa yon sa mga pinakamasayang bagay na mararanasan mo habang nabubuhay ka pa. Pero sa kabila nito masaklap ang katotohanan na isa-isa silang mawawala, magkakaroon ng mga sari-sariling panibagong grupo, yung iba mayroon palang kinikimkim na hinanakit at sama ng loob sayo nang hindi mo namamalayan at dahil dun magkakaroon kayo ng mga alitan at tampuhan na kadalasan ay nauuwi sa matinding awayan at ang mas malala ay kalimutan yun bang wala ng pansinan, masakit man isipin pero yan ang katotohanan na dapat nating tanggapin, na ang iba sa ating mga kaibigan ay hindi parating nandyan para samahan tayo kapag may problema tayo.
Kung kaya't dapat tayong matuto na humanap ng kaibigan na aagapay sa atin hanggang sa huli yung ipaglalaban ka din gaya ng ginagawa mo para sa kanya, yung kahit magkalayo kayo ng lugar na tinitirahan ay alam nyo sa isa't-isa na may kaibigan kayong matatakbuhan sa oras ng problema o pangangailangan yun bang parang "Sanggang-dikit" at "Partners in Crime" Ang sarap pakinggan at isipin no?
masarap man isipin pero mahirap mangyari kasi lahat ng tao may pagkakaiba, pero kung makakahanap ka ng ganyan!! huwag mo na syang pakawalan minsan lang dumating sa buhay ng tao ang ganyang klase ng kaibigan, maraming dadating pero mangilan-ngilan lang ang magtatagal kagaya na lamang ng kasabihan na "Bantayan mo kung ano ang pupulutin mo dahil baka hindi mo namamalayan itinatapon mo na ang mga ginto kapalit ng mga batong pinupulot mo" :)) oh pano may exam pa pala ko bukas at hindi pa ko nagrereview :( Os'ya hanggang dito nalang muna sa susunod nalang ulit.
MARAMING SALAMAT SA MGA MAGBABASA NITO :)))