6 ♥ Palma Family Tree

8K 185 21
                                    


Chloe's POV


Binuksan ko yung closet ko.


Napakat ako ng labi. "Ano kayang isusuot ko?" Gusto ko yung comfortable lang pero medyo formal pa din.


Kinuha ko yung black kong jumpsuit at white na doll shoes.


Nagulat ako pag tingin ko sa may pinto nakasilip yung ulo ni ate Cassie! "Creepy mo!!"


Tumalon sya paupo sa kama ko. "May date ka no!"


Date nga ba yon? Family gathering daw eh. Shemay! May bigla akong na-imagine..


"Papa, Mama.. This is Allana Chloe." Pinakita ni Kyle sa parents nito yung suot kong diamond ring. "We're getting married."


Holy Jesus! I'm only 15!! I'm too young to get married!!


I shook that thought off!


"May party sa bahay nina Kyle. Ipapakilala nya daw ako sa family nya."


"Oh my gee!" Pinisil ni ate Cassie yung mga kamay ko saka nagtatalon. "Oh my gee! Oh my gee!"


Yung totoo? Mas excited pa sakin yung kapatid ko?! Lalo tuloy akong kinabahan. Pressure much!!


Winave ni ate Cassie na parang magic wand yung curler. Alam ko na kung anong iniisip nya. "Ayoko!"


"Dali na kasi Chloe, yung dulo lang!" pamimilit pa rin nya. Iniupo ako ni ate Cassie sa harap nung salamin. Hindi ko na sya naawat nung lagyan nya na rin ako ng make-up. "Fresh look lang 'to, promise!"


Hays. Ayoko talaga ng ganito nanlalagkit at kinakati ako!!


Pamulat ko ng mga mata ko, napangiti naman ako. Iba talaga ang magic touch ni ate Cassie. ;">




Kyle's POV


Bumaba ako ng motor at nag doorbell sa bahay nina Chloe.


"Hi!!" Si Cassie yung nagbukas sakin. Niyakap pa nya ko, ang sweet naman nya. "Kyle, right?" nakangiti nyang tanong sakin.


Napatango na lang ako. "Opo."


"Grabe naman yung 'po'! 18 years old lang kaya ko!!"


Napatawa tuloy ako. Nag peace sign ako sa kanya. "Sorry na!"


Pinisil nya yung braso ko, niyuyugyog nya ko! Napatingin ako dun sa tinitingnan nya.


Napatulala ako kay Chloe.

My Sister's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon