Chapter 3 ( The Wrath Of Aldrin's Fans club )

416 27 3
                                    

CHAPTER THREE

*Audrey's Point of view*

KRINGGGG....KRINGGG...KRINGG......

Tofung alarm clock!

Napabalikwas ako ng bangon. Alas sais na ng umaga...* hikab*  

Kailangan ko na namang bumagon mula sa pagkakahimlay...ammpff.. May pasok pa kasi ako sa Theather Arts at kung hindi ako kikilos ay pihadong mali-late na naman ako at kakainin ng professor kong dragon.

Kinusot kusot ko ang mga mata ko at naghikab pagkatapos. Maya maya ay naisipan kong mag stretching. Baka nga naman tumangkad pa ako diba?

DUGOGSH......DUGOGSSHHH....

( Sound effect yan ng paa ko..Sensya na low quality eh. Wala kasi akong budget )

Lumabas na ako ng kuwarto ko at bumaba ng hagdan.

" GOOODDDD MOOORNINGGGGG EVERYONNNNNEEEEE!!!"

"ARRF!!  ARRRFFF!!"

Hyper ako ngayon. Sumalubong sa akin ang kaisa isang kasama ko dito sa bahay at kaisa isang alaga kong si Warlock.Dinamba niya akong bigla...

Talaga naman..aMpppf.. =________=

Hindi pa sya nakuntento run. Bigla nalang niya akong pinaliguan ng laway sa mukha. Kaderder talaga.

" Warlock naman eh!! Bad breath ka!!" reklamo ko.

" Arrf???" sabi ni Warlock. Inamoy amoy niya  ang hininga ko sabay  " ACHUUU!!!"  Bumahing siya.

Pesteng aso. Lakas makaasar ah!  >______________<

Kinotongan ko siya at tinakbuhan. Hinabol naman niya ako. Ahehehe XD

Matapos ang pakikipag wrestling sa aso ko ay pumasok na ako sa kusina para magluto.

Ganito talaga ang buhay ng nagiisa. Nasa probinsya kasi ang mga parents ko. Ang totoo  nyan kasi ay mahirap lang naman ako. Sinwerte lang makakuha ng scholarship at makapag aral sa isang prestihiyosong unibersidad na puro may mga pera lang ang nakakapasok.

Dahil hindi naman ako kayang tustusan ng mga magulang ko ay nagsikap akaong makapagtrabaho sa isang publishing company. Gumagawa ako ng nobela at binabayaran ako ng 8000 bawat isang novel. Pumapasok din ako bilang isang call  center agent sa gabi.

Sa awa ng Diyos ay nakakaya ko namang pagsabayin ang work at studies ko. Dahil nga sa mga hirap na pinagdaanan ko ay natututo akong maging palaban. Hindi ako pumapayag mag paapi sa kung sino lang kasi naniniwala ako na pantay pantay lang tayo rito sa mundo...ewan ko lang pagdating sa height kung bakit ganito ako.

Napabuntong hininga ako...pati ang aso ko. Lalo  ko tuloy namiss sina mama at papa.

Hay....*sighs*

My Enemy/BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon