Chapter 18 - STICKY NOTE

9.7K 154 13
                                    

Chapter 18

[Jade's POV]

Pauwi na kami galing practice at humiwalay ako sa kanila. Nakakainis naman kasi, hindi ko na nakakausap si Brandon. Oh well, never ko naman sya nakausap. Ako lang naman tong salita ng salita. Ang masama pa eh ang huling nasabi nya sakin eh "get lost". Ang saklap diba. T__T

Bago umuwi eh dumaan muna ako sa park. Drama mode ako ngayon.

Umupo ako dun sa ilalim ng puno kung san ko nakitang natutulog si Brandon. Haay, bakit ba ako nalulungkot. Kainis naman.

Kinuha ko yung phone at earphones ko at nakinig na lang ako ng music. Anong music ang trip ko? Kahit ako basta slow music. Kahit kpop o kahit anong language nyan, basta mabagal na music, nagugustuhan ko. Bakit ba, pake nyo?

Sinandal ko yung ulo ko sa puno at napapikit na ako dahil na din siguro sa pagod. Pero kahit nakapikit ako eh gising pa din ako.

Ilang kanta ang napakinggan ko at bigla na lang ako nakaramdam ng gutom. Err, maka-uwi na nga.

Inayos ko na yung phone at earphones ko at nung ilalagay ko na sa bag eh may nakita akong sticky note na nakadikit sa bag ko.

Sorry...

Sorry? Sino naman kaya ang nagdikit nito dito? At bakit sorry??

Tumingin tingin ako sa paligid ko at sa di kalayuan eh may nakita akong lalaking naglalakad palayo. Teka, sya kaya naglagay nito?

At si...

Si Brandon ba yun???

Napatayo ako sa kinauupuan ko at tumakbo papunta dun sa guy. At habang papalapit ako eh nakikilala ko na sya. Si Brandon nga.

"E-ey..." sabi ko sa kanya. Err, bakit ako kinakabahan pero natutuwa din at the same time.

Tumigil naman sya pero hindi sya lumingon.

"S-sayo galing to?" sabi ko at pumunta ko sa harap nya para ipakita yung sticky note.

"..." ano ba, pipi yata to eh? Pero nagsasalita sya minsan. Nasigawan pa nga ako eh. Baka yan lang talaga trip nya.

"Eyyy, kung ayaw mong magsalita, just nod or shake your head na lang."

Pero tinaasan nya lang ako ng kilay at umiwas sya ng tingin.

"So sayo galing to?"

Nagbuntong hininga lang sya at tumingin sakin ulit.

"..."

"Ano?? Sayo galing o hindi?" tinaas ko ulit yung sticky note at nilapit ko sa mukha nya.

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon