8:00 p.m
At G-ZYON .. . .
Third's Person's POV
Ang G-ZYON ay isang arena kung saan ginaganap ang labanan ng mga gangsters.Ito ay pinatayo ng kauna unahang gang sa bansa ang ZION.Pero sa paglitaw ng mga challenger gangs at dahil na rin sa pustahan nawala sa pamamahala ng Zion ang arena.
Dahil dun nabuo ang patakaran na kung sino ang gang na siyang nangunguna sa lahat ang may karapatan sa pamamahala nito.At sa paglipas nga ng taon ay iba't ibang gang na ang nakahawak dito.
Sa kasalukuyan ay nasa pamamahala ito ng iKON ang gang ni Ike na siya pa ring nangunguna sa ngayon.
Kier's POV
Nandito kami ngayon sa entertainment room ng GZ (g-zion) nanunuod habang naghihintay ng oras.Dito may kanya kanya kaming suite kaya pwede kaming tumira dito kung gustuhin namin.Pero madalas ang mga iKONics ang nagbabantay.
Sila yung mga gang na mas piniling paglingkuran kami kesa kalabanin.Hindi rin naman kase nila kami matatalo.
"Boss anjan na sila" pahayag ni Rigo ang presidente ng iKonics.Siya ang gumagawa ng lahat ng research tungkol sa mga gangs na nagbabalak patumbahin kami.
"Let's go then" sabi ni pinuno tapos naglakad na papasok sa elevator.
"Yeah men let's go" -panggagaya ni Ryan na pumalakpak pa.
Napailing na lang kami.Lakas talaga tama nitong si Yan buti nalang mejo okay na ang aura ni boss dahil kung hindi nabatukan na to.
Pagbaba namin sa Underground ay nandun na nga ang Psyke.Kasing panget nila ang pangalan nila.Dito talaga yung labanan bale sa taas ang itsura parang ordinaryong bar and restaurant lang pero sa underground mistulang malawak na arena.
Pinarenovate na kasi ni pinuno.Mas maganda nga ngayon kaysa dati kase hindi na halatang tahanan ng mga gangsters.Yung mga resto sa taas ang nagtitinda mga iKonics eh di wow diba?may kabuhayan pa sila.
"Ano pang ginagawa niyo?Umpisahan na natin." sabi nung kulot.
"Edi umpisahan." Ryan tsaka tinadyakan yung kulot.Yan kase.. haha mayabang vs. mayabang perfect match.
Sinuntok ko naman tong shokoy na nagbabalak dungisan ang mukha ko.San ba galing tong mga to,ampapayat.Tumba agad,tapos sinipa ko naman yung isa pang bangkay na akmang sisipain din si Drew sa likod.Halos tatlo lang kaming nakikipaglaban.Sisiw lang naman kasi.
"Thanks man" sabi ni Drew sabay chest bump kami.
Pagkatumba nung apat,hinanap ko yung lima pang kasamahan nila na ngayon ay nakaluhod na sa harap ni pinuno.
"Suko na po kami boss" sabi nung pinakalider nila.Nakatingin lang si pinuno sa kanila at nakakunot ang noo.
"What a waste of time" sabi pa niya nang hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha.
"Boss wag niyo po kaming patayin.Pagsisilbihan po namin kayo" pagmamakaawa pa nung isa.
"Pano yan eh di alalay na kayo?Wag muna simulan na lang natin ulit." Pang aasar ni Ryan na agad binatukan ni pinuno.
"I told you to stop being childish." panenermon ni pinuno tsaka sinenyasan si Rigo at nauna nang umalis.Hahaha napala mo alaskador kase.
"Okay lang yan tol.Minsan ka lang naman mapagalitan" Drew saka tinapik sa balikat si Ryan at sumunod na din kay lider kasama si Bobby.Napailing na lang ako at inakay na siya paalis.
Clark's POV
Kamusta kaya yung laban.Sayang hindi pa kase ako pinapayagan ni kuya na sumasama sa gang fights.Gusto ko rin sana kasi tinuruan na niya ako pero sabi niya pangself defense lang daw yun.
Kanina pa ako nakatayo dito sa tabi ng lamboghrini ni kuya.Inutusan niya kasi akong sunduin siya.Kinikilabutan na nga ako para kasing may nagmamasid sakin.Tumingin ako sa likod ko tapos pagharap ko nagulat pa ako nang makita ko siya.
"Why are you so shocked and what are you wandering there?" Tanong nito na nakakunot ang noo.
"Wa-wala kuya" sagot ko.Gulat talaga ako,ambilis naman kase.Nandito agad eh wala pa akong nakita sa malayo kanina.
"Let's go." Sabi niya tsaka sumakay na sa driver's seat.Sumakay na din ako at pinasibad na niya ang sasakyan.