Vian's POV
"Ma'am ako na po magbibitbit ng mga yan" sabi ni manong Rowel ang tagalinis sa simbahan.
Nilalabas ko kasi yung mga pinamili kong pasalubong ng mga bata.Bago ako pumunta kanina dito ay dumaan muna ako sa SM at napadami yung nabili ko.
"Sige po manong salamat" sagot ko tapos nauna na akong naglakad.
Pagkapasok ko ay agad ako sinalubong ng mga bata.They formed their line gaya ng tinuro ko sa kanila.Tapos isa isa nila akong hinalikan sa pisnge.Pero parang may kulang yata.
"Where is my baby Janea" tanong ko sa kanila.
Nilibot ko ang mga mata ko at ayun nakita ko siyang tumatakbo palapit kasunod nila sister Rina at sister Kristel.Ang kulit talaga ni bunso.Kaya instead na hintayin ko ay sinalubong ko nalang ko siya.
Binuhat ko siya and she started telling me a story about sa mga bagay na ginawa niya kanina.Siya ang pinakabata sa kanilang pito.Dati twelve sila pero naadopt na yung iba.
"Mie I brath (brush) my tit (teeth) yayt (like) tis (this) " sabi niya with demonstration pa.
Three years old palang kase siya kaya mejo bulol pa.But I'm always teaching her how to speak correctly.Actually sila lahat.
"Ate ako nagturo sa kanya" binalingan ko naman si Pia na nagsalita.
"What did you say to ate Pia then after teaching you?" Tanong ko sa batang karga ko.
"Tenchu (thankyou)" sagot niya saka kumindat ng tatlong beses.
She is really adorable.I pinched her nose and tickle her neck.She then giggled loudly. I wish ate was here too para sana mas masaya.
"Andami mo namang pinamili anak" singit ni sister Kristel.
"Hayaan niyo na po sister baka hindi po kasi ako makadalaw sa mga susunod na araw."
Kailangan kase ako sa farm since hindi naman maasikaso ni dad kase nga mayor na siya.We own the BELANDRES FARM which is known as the best dealer of fruits in the country.Lumalakas daw ang demand ngayon ng mga prutas kaya ako na muna ang mamamahala dito.
"Ganun ba anak?Kumain ka na ba"
"Opo sister tuturuan ko na po sana sila."
"Sige anak.O mga bata makinig mabuti kay ate Vian ha?"
"Opo" sabay sabay na sagot ng mga bulilit.
Hindi naman sila mahirap turuan.At hindi ako mapapagod kase mahal ko sila.Ewan ko ba pero anlambot ng puso ko sa mga bata.Sila na ang pangalawang pamilya ko.
Pumasok na kami sa munting silid aralan namin.Kumpleto naman ang mga gamit dito.Actually regalo ni dad to nung debut ko.Alam niya kase kung gaano ko kagusto ang magturo.
Vani's POV
Pinagmamasdan ko ang mga pictures ni Vian nung bata pa siya.Matalino talaga ang kapatid ko.Andaming niyang awards na nakadisplay.Unlike me walang pake sa mga awards ni hindi ko nga alam kung anong course talaga ang gusto ko kaya sila papa nalang ang nagdecide.
"Anak natawagan mo na ba ang kapatid mo?Remind her to go home early" si dad yan.
"Yes dad"
Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot.Buti nga naiwan ko yung phone sa kotse ko nung nilinisan ko kanina kaya may makokontak ako.Pano ba naman kase eh naiwan din niya ang cp niya dito sa bahay.
Bumaba ako ng hagdan at patuloy lang ako sa pagmamasid ng mga larawan nang magsalita ulit si dad.
"Your tita Lorraine is here.Siya yung long lost sister ng mom mo."
"Hi everyone.Oh hello iha you look good with your new hairstyle" bati nung Lorraine saka nakipagbeso sakin.Napagkamalan akong si Vian.
"Yes cuz I prefer that kind of hairstyle for you too" sabi naman nung anak niya tapos nakipagbeso din.
"Let's have our dinner first" anyaya ni papa.
"Sure" sagot nung Lorraine tapos naglakad na papuntang kusina.
Sumunod na din kami nitong pinsan ko daw.I don't know but I am not comfortable with them.Or should I say I don't like them instead.
Pagkatapos namin magdinner ay nagpaaalam na ang mag ina. Wala pa si Vian kaya napagpasyahan kong umakyat muna at magpahinga.