Audrey's POV
Hindi ako kumikibo habang sakay ako ni Noah sa passenger seat ng kotse nito. Ganon din ito, tahimik at malalim ang iniisip. Hindi ako magpapadala sa mga sinasabi nito. Maaaring dahil sa nakainom ito, nasasabi niya ang mga bagay na alam kong hindi galing sa puso nito. Mga bagay na walang katotohanan.
Nakarating kami ng bahay nila na medyo late na ng gabi. Nakita ko na nakabukas ang ikaw sa living room. I find it unusual dahil past 12 midnight na. "Noah, thank you. Dito na ako dadaan papunta ng maid's quarter." Sabi ko pa sa kanya at nag umpisang tumalikod dito para sana hindi na ako dadaan sa loob ng bahay. Mayroong daaanan kasi sa gilid ng bahay.
"No, I want you to go this way. Inside the house." Pautos pa nitong sabi sa akin.
Tumingin ito sa akin at nagtama ang aming mga mata habang binubuksan nito ang pintuan. Nagtitinginan kaming dalawa na parang ayaw humiwalay ng nangungusap naming mata. "Bakit ginabi kayong dalawa ng uwi? At saan kayo galing?" Tanong ni Mrs. Tansinco na medyo galit na ang boses.
Nagulat ako na nandoon pala siya sa sala. "Good evening po." Bati ko pa sa kanya na nandito lang nagtatago sa likod ni Noah.
Binalewala ni Noah ang galit ng Mommy niya. "Sa condo po Mommy magkakasama kami nila Mae at iba pang kabarkada nito." Sagot naman ni Noah na hindi natitinag sa galit ng Mommy niya.
Tiningnan ako ni Mrs. Tansinco. "Kanina pa si Mae nandito. Bakit na kasama mo si Audrey? She's too young for you Noah." Sabi nitong pinasadahan ako ng tingin. "Just to let you know na nandito kanina si Margie. Ayaw ko pa ngang kausapin ito sa umpisa. Noah, she told me everything kung bakit siya lumayo sayo. Her reason is valid kung pakinggan mo lang. Bumalik ka sa kanya at malaki ang maitutulong nito at ng pamilya niya sa kumpanya natin." Alam kong gusto din ni Mrs. Tansinco na marinig ko ang pinag uusapan nila ni Noah. Pero hindi ko kayang makinig. I am torn into pieces.
Kailangan kong umalis at ng mabigyan ng privacy ang mag ina. "Excuse me po. I need to go." Paalam ko pa sa kanila. Ayoko ng makarinig ng masasakit na salita. I do get it. Noah and I are not meant for each other. Guilty din ako dahil kahit papano may katotohanan ang mga iniisip ni Mrs. Tansinco.
Pero pinigilan ako ni Noah at hinawakan sa braso. "No! You stay here!" Mas lalong nagalit si Mrs. Tansinco habang tinitingnan ang kamay kong hawak hawak ni Noah.
My emotions are running high. "Hindi ako kailangan dito. We are together today dahil kailangan niyo ng katulong sa condo niyo." Sabi ko pa para marinig ni Mrs. Tansinco ang lahat. "Bitawan mo nga ang kamay ko!" Utos ko din sa kanya sabay hila dito. "Pasok na po ako Mam sa maid's quarter." Paalam ko pa dito.
Dire diretso ako sa maid's quarter. Ang kanina ko pang pinipigilang luha ay naibuhos ko lahat dito sa apat na sulok ng room ko. I don't think so that I can still stay longer here. Not like this when Mrs. Tansinco sees me as a threat sa anak niya. Hiyang hiya ako sa kanya, kay Noah at sa sarili ko na umaasa na sana mahalin din ako ni Noah. Hindi ako dapat nangangarap ng ganito. Nakakahiya at wala na akong mukhang may maihaharap pa kay Noah at sa pamilya Tansinco. Kailangan ko na talagang umalis dito. May naipon naman na akong pera kahit papano. Pwede na rin siguro akong maghanap ng bed space at maghanap ng trabaho. Kailangan kong kausapin si Mae at siya naman ang nagpasok sa akin dito. Gising pa si Mae at sinabi nitong bababa siya at mag usap kaming dalawa.
"It's not safe for you to go anywhere. Mag debut pa ako this Saturday. Please don't go." Pakiusap pa nito sa akin.
"Buo na ang isip ko Mae. Ikaw ang una kong sinabihan at ikaw naman ang nagpasok sa akin dito. Attend naman ako ng debut mo. Hindi ko yun nakalimutan." Sabi ko pa sa kanya.
Walang may nagawa si Mae kundi tanggapin ang naging desisyon ko. Kinabukasan dahil hired pa naman ako ng mga Tansinco. The same routine as usual. Nandito ako sa kitchen na tumutulong at bawal nga akong makita ni Noah dati di ba? Kaya si Aling Ana ang nag aasikaso at nag serve sa kanila ng breakfast. Gayunpaman, kahit hindi ko sila nakikita. Naririnig ko pa rin ang pinag uusapan nila.
Una kong narinig si Mae na nagsalita. "Hindi pa sinasabi ni Audrey sa inyo pero aalis na po ito sa atin." Panimula ni Mae. "Gusto ko lang malaman niyong lahat. Magpapaalam naman siya mamaya sa inyo Dad, Mom. Sinasabi ko lang at ako din po ang nagdala sa kanya rito." Sabi ko pa ni Mae sa kanila.
Si Aling Ana dinig kong gulat na gulat din. "Yung bata na yan. Bakit hindi sinasabi sa akin? Bakit kailangang mag desisyon ng padalos dalos?" Sabad naman ni Aling Ana.
"Ana, pakitawag nga ho si Audrey dito at gusto kong kausapin ito." Utos naman ni Mrs. Tansinco.
Oh my God! Bigla akong nag panic at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi din ako pwedeng magtago. Ano ba yan? Kaya sumama na lang din ako kay Aling Ana ng pinatawag ako ni Mrs. Tansinco.
Nandoon silang lahat sa hapag kainan. Ramdam ko ang masasakit na tinging itinapon ni Noah sa akin. Narinig ko ang padabog na pagbagsak ng kubyertos sa pinggan nito. Naunang nagsalita si Mrs. Tansinco. "Audrey, sabi ni Mae aalis ka na daw sa amin today. Meron ka na bang matitirhan at pabigla bigla ang naging desisyon mo." Tanong nito sa akin. Wala na ang galit ng mukha nito na nakikita ko kagabi.
I need to be honest with them. "Opo aalis na po ako. Magpapaalam naman po talaga ako sa inyo mamaya. Wala pa po akong may matitirhan. Bed space lang naman po ang kaya kong bayaran kaya madali lang pong maghanap." Sabi ko naman.
Minsan lang nagsasalita si Sir Michael. "No Mom. Don't let her leave. Parang kaedad lang yan ni Mae at may itsura pa. She won't be able to handle those jerks outside." Dagdag pa ni Sir Michael.
Samantalang nakita ko na lang na nag ti tiimbagang lang si Noah. Si Mr. Tansinco ay nagsalita din. "Habang wala ka pang may makitang lugar na safe na malilipatan. Huwag ka munang umalis dito sa bahay." Sabi pa nitong puno ng concern ang boses.
BINABASA MO ANG
Langit Ka Sa Akin (Completed)
De TodoTinulungan si Audrey Fernando ng kaibigan niyang mayaman na si Mae Tansinco para makapasok ng trabaho sa bahay nila bilang katulong. Dahil biglang namatay ang kaisa isang Tita ni Audrey sa America na sumusuporta sa kanya. Tadhana ang nagdala upang m...