Trisha's POV
"Trisha,come here. Daddy will teach you a new song"
"Kiss the rain?!! Yehey!!"
Lumapit na ako kay daddy habang nakaupo siya sa harap ng grand piano namin. Tuturuan niya ako ng bagong piyesa, isa si Daddy sa pinakamagaling na Pianist na kilala ko, eh siya lang naman kasi kilala ko eh. Kaya nga idol na idol ko siya eh, gusto ko maging katulad niya.
"Anobayan, ang pangit mo tumugtug trish! tigilan mo na yan" sinigaw ni kuya Dan
Paiyak nako, eh kasi naman ganyan siya lagi..
"Oh, oh trish. Joke lang yun no. Alam mo naman ako yung number 1 fan mo db?" niyakap ako ni kuya. Ganyan talaga siya, pero alam kong mahal na mahal ako niyan at alam ko na siya ang unang unang magpprotekta sakin.
"Oh kayo lang ba? Nakakainggit naman pahug din si daddy! Wag kayo madamot"
"Guys, let's go! I'm done packing our things. It's outing time!! " sigaw ni mommy na tuwang tuwa sa tapat ng pintuan namin. Birthday ko kasi bukas tapos sa susunod na araw birthday ni kuya. I'm turning 11 yrs old si kuya namn 12 yrs old. Kaya double celebration kami
"YEHEEEY!!!"
"wait Trisha stop! Make a wish!" sinabi ni Mommy habang hawak hawak yung dalawa kong balikat
Make a wish, pag may nahulog na pilikmata sa mukha mo na hindi sinasadya. Kukunin yun tapos hahawakan mo gamit yung thumb and pointy finger, then hihiling ka tapos huhulaan mo kung sa thumb or sa pointy finger mo didikit. Kung tama hula mo. Magkakatotoo wish mo. Si mommy nagturo samin nun. Lagi niya daw ginagawa yun kay daddy.
"uuhhhm.. okay na!! Sa thumb po!"
"ohh too bad. Sorry baby, better luck next time" kiniss ako ni mommy
Nalulungkot talaga ako pag di ko nahuhulaan yun, isang beses plng ako nakakatama dun eh. Big deal talaga para sakin yun
"Mama!! lika na!!" sigaw ni kuya
"Kuya! Always say "po" and "opo" sumilip ako binelatan ko siya tapos binatukan pa siya ni daddy. Hahahha
Si Mommy sumakay sa shotgun seat tapos kami ni kuya sa likod..
After 45 mins
*BLAAAAAG*
Naririnig ko yung busina ng kotse namin, ayaw tumigil. Ang init, aray. May apoy.. ang dilim ng paningin ko. Ang dili......
"Dan! Anak! Kuya! Gumisng ka! Dan! Ilabas mo si Trisha! Bilisan mo!!!!!!" si mommy dugua............