Shino- Mga taong may angkin kapangyarihan na makagawa ng isang malakas na orasyon.May Haka-hakang tinapos na ni Cifer ang angkan ng mga shino ngunit may isa ang nakaligtas.Si tandang cemerio.
Maaring mawala ang shino na gumawa ng orasyon ngunit ang malakas nitong orasyon ay hindi basta mawawala.
*Narrator
Tahimik na naglakbay ang tatlo patungo sa bayan ng Onen.
Tanging tunog lang ng pagtakbo ng mga kabayo ni Vanir at jenma ang maririnig.
Samantalang mas pinili ni erda na sumakay kay ker dahil kung tutuusin kasing bilis ng kabayo ang bilis ng isang moren.Ito ang unang misyon nila,ang makuha ang sisidlan ng abo ni jehona.Si Jehona ay isang babaeng may kapangyarihan katulad sa mga Daemon.Nabuhay ito ilang Daang dekada na ang nakakalipas.Namatay ito sa kamay ng Pinakaunang henerasyon ng itinakdang tagapuksa.
Hindi ito magawang makuha ni cifer noon dahil sa malakas na orasyon na iniwan ng mga sinaunang Shino at ngayon,gumawa na naman sila ng hakbang para makuha ito."Malapit na tayo."sambit ni erda sa dalawang kasama.Tumango naman ang mga ito bilang tugon at mas lalong pinabilis ang pagpapatakbo sa mga kabayo nila.
Nang makarating sila sa kagubatan ng onen ay agad nilang iniwan doon ang mga kabayo.
Tahimik.
'Yan ang una nilang nadatnan sa bayan ng onen.
Tahimik ang paligid.
Malayo sa inaasahan nilang maingay at may mga pagtangis.
May mga sirang bahay.Gumuhong gusali.
Nagkalat ang tipak nito sa paligid.
Apoy na nagkalat sa mga bahay.Ngunit bakit ang tahimik?
"Nahuli na ba tayo?" Nag-aalalang sambit ni Vanir.
Nagtagis ang bagang ni jenma habang si erda ay blanko lang ang mukhang nakatingin sa paligid.Nagmamasid.
"Magkita tayo sa taas ng tore.Doon--" Hindi na natuloy ang sasabihin ni erda nang biglang isang mabilis na hangin ang biglang dumaan sa kanya.
si jenma na sumugod bigla sa kung saan.
"Matigas talaga ang ulo." Umiiling ngunit mahinahon na sambit ni erda.
Tumingin ito kay vanir. "Simulan na." Tumango si vanir at tumakbo sa ibang direksyon.
* Jenma
"Papatayin ko kayo."
Unting-unting umilaw ang kanan kong kamay at lumitaw doon ang aking Onju.
Walang emosyon kong pinatamaan ang mga daemon na papalapit sa akin.
Isa.Dalawa.Tatlo.apat.lima.Ang sunod-sunod kong pinakawalan.
Tumingin ako sa taas ng mga gusali.Sa kanan at pinatamaan ang geranai doon.Sa kaliwa naman.Dalawa.
Tumalon ako pataas para iwasan ang pagbulusok ng apoy galing sa likod ko. Shaitan.
Bumuwelo ako habang nasa ere at bumuo ng tatlong palaso para sa isang tira.Itinunutok ko ito sa shaitan at agad pinakawala.
Nagkapira-piraso ang shaitan.
Pagkabagsak ko sa lupa ay tumakbo ulit ako.
Lumiko ako sa ibang daan.
May nakita akong punyal na nakatusok sa lupa.Kinuha ko ito gamit ang kaliwa kong kamay at agad hinirang sa mukha.
Isang Domon.
Kitang-kita ko ang nakakakilabiot nitong mukha.
Nakangisi itong nakatingin sa akin.Kita ang malalaking ngipin habang nakatunghay ang mga mata nitong madilim na nakakapagbigay ng kilabot sa kung sino man ang tignan niya.
YOU ARE READING
E R D A ( CURRENTLY EDITING )
FantasyWag muna basahin,baka maguluhan pa kayo. (•﹏•) Saglit lang 'to. ♥