Hey! Hello CraziiMe. Eto pambawi ko sa'yo :) salamat nga pala sa pag dedicate ng isang chapter ng story mo :) Good luck sa atin :)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 1:
6:45 A.M. na, maaga pa pero nakabihis na ako at handa ng pumasok sa eskwela.Simula na naman ng pasukan.
Di pa pala ako nakakapag pakilala. Ako nga pala si Adrienne del Castillo, third year student, 16 years old, 5’5” in height. Snob daw, sabi nila. Walang masyadong interesante sa buhay ko kaya wala na akong masasabi pa.
Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko ang papa ko sa kusina na nag-aalmusal. Nakatali ang pula at mahaba niyang buhok.
Oo tama ka ng nababasa. Long haired po ang tatay ko. At pula ang buhok niya. Bakit? Eh, kasi may kinalaman ‘yon sa trabaho niya.
“’Morning ‘Pa. Pasok na po ako.” Pagpapaalam ko sa Papa ko.
“Anak, aga mo ah? Di ka man lang ba kakain? Excited ka pumasok?” si Papa sabay tingin sa akin. Mula ulo hanggang paa. Daig ka pang specimen ung suriin ni Papa.
Ano na naman kayang iniisip nito ? -_-“
“Saka bakit ganyan ang suot mo? Jeans, rubber shoes, at t-shirt. Yang buhok mo pa gulo-gulo. Magsuklay ka nga. Mukha kang lalaki.” Mas concerned pa kesa sa akin. Ako nga walang pakialam sa itsura ko ee.
Kung nawiwirdohan na kayo sa Papa ko,mas lalo na ko. Pero kahit ganyan yan, love na love ko yan. J
“Wala naman po masama kung ganito ang suot ko. Wala pa din naman po ‘yong uniform ko sa bago kong school di ba? So, ‘eto muna. Sige po, alis na ko.”
Kita niyo na? Masyadong conscious ang papa ko sa image ko. Ako, okay lang ako sa ganito. Dito ako comfortable. Eh ano naman kung mukhang lalaki? Wala naman masama do’n. Dahil bas a suot ko, dahil hindi ako kikay? Kasalanan ko ba ‘yon? O dahil bas a maikli kong buhok na parang sa lalaki kaya nasabi ng tatay ko na mukha akong lalaki?
Bakit ganito kaikli ang buho ko? Ganito kasi yan..
**FLASHBACK**
Last week, pauwi ako galing sa supermarket.
Lakad. Lakad. Lakad.
“Ay! Ano ba ‘yon?” nagulat ako kasi biglang may bumunggong something sa likod ko. Tiningnan ko kung ano. Pagtinggin ko…
“Oy bata, okay ka lang ?” tanong ko sa bata na nakasalampak sa sahig at punong bubble gum ang mukha.
Tumango naman siya at tumayo na.
“Sorry po.” Sabi nung bata sa akin.
“Okay lang. Ingat ka sa susunod ha?” sabi ko do’n sa bata. Pinat po ‘yong ulo niya ang cute kasi ee. Tapos umalis na siya.
Ako naman naglakad na. Tapos hinangin naman bigla ang buhok ko. As in hinangin talaga. Napunta lahat sa mukha ko ee =_=
“Ay! Nako naman o! Teka----” Parang may something na malagkit akong nahawakan sa buhok ko.
“Ano ba ‘to?” Sabit sabit na ang buhok ko na super haba. Dahil may nakadikit na bubble gum. Tapos hinangin pa. Lalong nagkadikit dikit. -_-“
Malamang ‘yong bubble gum galing dun sa batang nakabunggo sa akin kanina.
“Hala! Pa’no na ‘to?”
Mukha akong baliw dahil sa buho ko.
May nakita akong parlor.
Pagupit ko kaya? Kaya lang.. siguradong magagalit si Papa kapag nakita niya. Pa’no na?
“Bahala na nga si Spongebob !”
Lumakad ako papunta d’on sa parlor.
Pinagupit ko na ang buhok ko dahil wala na daw pag-asang maayos pa. Wala na akong choice, sobrang sabit sabit na talaga at ang lagkit lagkit din.
**After some minutes**
“ Sister, sayang naman hair mo. Ang haba at ang ganda pa naman sana.” Sabi nung baklang naggupit ng buhok ko.
Di sana ginawan mo ng solusyon para di ka nanghihinayang. Asar ka ! Pinapaalala mo pa ee. >.<
Wala na, naggupit na eh. ‘Yong dating hanggang baywang kong buhok ngayon maikli na. Sobrang ikli na, parang katulad na ng mga buhok ng mga Korean guys. Ganun na ikli ngayon ang buhok ko.
Sobrang nagkabuhol buholna kasi dahil sa bubble gum at wala ng ibang solusyon kung hindiang putulin. Ang grabe kasi ng naging buhol ee.
But look on the bright side! Mabuti na din ‘to. Wala ng istorbo. Di na mainit at di na ko maiirita dahil sa buhok ko. Si Papa lang naman ang gustong magpahaba ako ng buhok ee. Alam ninyo naman mas image conscious pa sa akin ‘yon.
*END OF FLASHBACK**
Pag-uwi ko sa bahay nung araw na ‘yon, gulat na gulat si Papa. Di nga niya ako agad nakilala eh. Kasi naman from long hair tapos bigla pag-uwi ko sobrang ikli na ng buhok ko.
Halata nga na nanghinayang si Papa ee. Pa’no ba naman ang tagal niya inalagaan ang buhok ko tapos bigla na lang naging ganito.
Agad ko naman pinaliwanag kay Papa ang nangyari, tapos ayon naintindihan naman niya ako.
Ngayon, alam niyo na kung bakit ganito ang buhok ko. Mukha akong lalaki. Who cares?
Mabalik tayo sa kasalukuyan.
‘Eto na nga, naglalakad ako papunta sa bagong eskwelahan na papasukan ko. Medyo malapit lang naman siya sa bahay namin so, ayan nilakad ko na lang.
After 123456789 years..
JOKE ! :D
After ten minutes nandito na ako sa bago kong eskwelahan.
Ang Black Knights Academy.
BINABASA MO ANG
He's a She?! ( O N - H O L D)
Roman pour AdolescentsA story about a girl who was mistaken for a boy. Will she keep on pretending until the end? She has to choose what matters most. Copyright © 2013 by iAmMissNerdy