Mahal mo ako, mahal mo siya.
------------------------------------------------------------------------------
Sabi ng mga kaibigan ko, ako na daw ang pinaka 'Selfish' na tao na nakilala nila. Lahat kasi ng bagay dapat akin lang..
Pero bakit ganun? Kapag ikaw na ang pinag-uusapan..
Hindi ko magawang magdamot.
Paano ko naman gagawin yun, kung alam kong mismo sa sarili kong..
Hindi ka sa akin..
Na nakikihati lang ako.
Sabi nga ng bestfrtiend ko."Ang tanga mo Thea! may-girlfriend si Marc. Bakit sa lahat siya pa?"
Bakit nga ba ikaw pa?
Ayaw ko ng sagutin yang tanong na 'yan. Kahit naman kasi anong gawin kong pag-iisip sa sagot diyan, sa huli ang naiisip ko lang..
Mahal kita. Sobra.
Pero maniwala ka, pinigilan ko lahat ng 'to, dahil alam ko sa huli ako parin yung talo.
Kaso wala ee, isang text mo lang ng..
"Miss na kita.."
Wala akong ibang choice kasi kusang gumagalaw ang mga kamay ko para mag-type ng..
"I miss you too.."
Kahit anong iwas ko wag kalang makita, kapag alam kong nasasaktan ako, wala parin akong magawa kapag sinabi mo ng..
"Thea, punta ka sa likod ng classroom niyo kita tayo.." Kasi kusa ng gumagalaw ang mga paa ko mapuntahan kalang.
At kahit anong pigil ko, wag lang maniwala sa mga..
"Hihiwalayan ko siya para sayo.."
"Mas mahal kita kesa sakanya..."
"Ikaw talaga ang mahal ko.."
"Maghintay kalang darating din yung panahon na, IKAW NALANG."
Naniniwala padin ako..
Ganun kita kamahal na kahit lahat ng kaibigan ko tutol sa ginagawa ko at kahit lahat sila talikuran na ako basta alam kong nasa akin ka, okay lang ako.
Ang tanong..
Nasa akin ka ba talaga?
Yun yung mahirap ee, kaya hindi ko din masagot ang mga tanong nilang..
"Okay kalang ba talaga?"
Kaya lang dumating yung panahon na sobra-sobrang pagmamahal nanga yung binibigay ko sayo, nakuha mo pang patulan pati kaibigan ko. 'Yun yung masakit dun ee, ako nga nakikihati na ee. Bakit naman dadating pa sa punto na pati isa sa pinakamatalik kong kaibigan makikihati nadin sayo? Hindi pa ba ako sapat? Teka, mali pala. Hindi paba kami sapat ng girlfriend mo at pati kaibigan ko gusto mo nading bahagian ng pagmamahal na sinasabi mo?
Pero kahit ganun...
Mahal parin kita.
Wala akong pakialam kung tatlo, apat, lima o sampu pa kaming naghahati diyan sa puso mo. Kaya kong talikuran ang pag-kakaibigan namin. Ako naman ang naunang nakihati ee. Kaya kong magpakatanga ng paulit-ulit. Kaya kong maniwala ng paulit-ulit kasi ayokong bumitaw, kahit alam kong maraming rason para gawin 'yun.
Lumipas ang mga oras, araw at buwan na patuloy lang akong nasasaktan.
Parati lang akong..
Second choice, minsan nga third pa ee.
Pero dumating din naman yung araw na, naging masaya ako dahil sa wakas..
Alam kong. AKIN KA NA.
AKIN KA LANG.
Kaso kung gaano ko katagal hinintay at inasam na maging tayo lang, ganun din kabilis nawala at naglaho ng parang bula ang lahat.
Nawala ka nalang bigla.
Walang closure.
Madaming tanong ang nabuo sa isip ko.
Mga tanong na kahit kailan alam kong hindi na masasagot..
Ako nga pala si Thea, ang babaeng nagmahal ng sobra na ang nakuha lang isukli sa akin ay..
Wasak na pag-kakaibigan..
Wasak na pangako..
Wasak na puso...
-------------------------------------------
WALANG KWENTA. PUCHA! -.-
Dedicated to noworriesjustlove
All rights reserved.
J. Paula C.
BINABASA MO ANG
Broken (Teaser)
Short StoryMahal mo ako. Mahal mo siya. Ay mali. Nanggago kalang pala.