Chapter 21 Audrey Leaving

15.7K 395 7
                                    

Noah's POV

I am so furious right now, right here in front of my family. Gusto ko mang magalit kay Audrey, sa mga desisyon nito ay hindi ko magawa. She's young and beautiful. Hindi pwede sa kanya na kung saan saan lang titira. Speaking about bed space, marami siyang makakasama na iba't ibang tao sa isang bahay. Parang I want to shake her off right now. So she can see the danger. The danger of making such decisions.

Narinig kong nagsalita si Mommy. "Audrey, I'm so sorry because of what I said last night. Hindi dapat yun ang magiging rason sa mga decisons mo." Pakiusap pa ni Mommy. "Walang may nagpapaalis sayo dito." Sabi pa ni Mommy sa kanya.

Pinipigilan ko lang ang magalit ng tuluyan. My stares are now fixed with Audrey. I am full of rage! Nagsalita si Mae. "I don't understand what's going on. May nangyayari ba dito na hindi ko alam?" Nagtatakang tanong ni Mae.

I can't control my rage right now. "You are not leaving this house Audrey! We are making decisions for you." Sabi ko pang nanlilisik na ang mga mata sa kanya.

"I'm so sorry kung pinag dudahan kong may relasyon kayo ni Noah dahil magkasama kayo kagabi. I am right though. You are too young for him." Sabi ni Mrs. Tansinco.

"Mom, that is not true. Magkasama kami ni Audrey. Si Kuya naman ay nag bar. Nagkataon lang na doon siya sumakay kay Kuya. Hanggang ngayon bitter pa rin yang si Kuya kay Margie. Kaya ayaw ko ring maging girlfriend niyan si Audrey. Maraming nanliligaw kay Audrey Mom. Mayayaman din sila." Sabi ni Mae na mas lalong nagpagalit sa akin.

Nahihiyang pinutol ni Audrey sa pagsasalita si Mae. "Mae, ano ba?" Pagpatigil ni Audrey sa kanya. Nakatingin ako dito na nanlilisik ang mga mata.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong magsalita. "So kaya ganyan. Matapang ng umalis yan dahil may mayamang sasagot sa gastusin niya." Diin ko pa sa kanila.

"Don't act like a jealous boyfriend Kuya. Hanggang ngayon hindi nga nila alam ang phone no. ni Audrey. But if I were on her shoes. I would give one of them a chance. Either si Conrad o si Blake, pareho silang mababait." Sabi ni Mae na ipinagtatanggol si Audrey.

Nagpupuyos na ako sa galit. "You can't leave this house! Wala pa kaming may mahanap na pang palit sayo." Sabi ko pang galit na galit.

Nagsalita si Mae. "Kuya just calm down. Maski ako ayokong umalis yan dito sa bahay. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sa labas. Teka muna... Kuya bakit parang napaka possessive mo kay Audrey? Naku mag move on ka muna kay Margie Kuya. Audrey deserve the best man. Yung walang hang up sa buhay." Sabi pa nito sa akin. Alam kong may katotohanan ang mga sinasabi ni Mae. Wala na akong feelings kay Margie. Bakit hindi ko pa kasi bigyan ng closure ang relationship namin. Tuldukan kung ano man ang nakaraan. So that I can move on and she can move on with her life.

Sumulyap ako kay Audrey sandali. "Pwede na rin siyang pagtiyagaan." Sabay halakhak ko pa. "Pero ang totoo, kailangan lang namin ang serbisyo mo dito sa bahay kaya ayaw ka naming paalisin. You can't leave this house until we want you to do so!" Sabay smirk ko kay Audrey.

I heard Daddy talking. "Son, tayo ang may kailangan sa kanya. Kaya we should ask her nicely. We need a favor from her. Okay lang ba sayo Audrey na nandito ka lang muna hanggat makakita kami ng ipang palit sayo?" He was looking at me and Audrey at the same time.

Tumikhim si Audrey at saka tumingin sa akin. "Sige po. Hanggang makakita po kayo ng ipang palit sa akin." Sabi nitong mahinahon.

Nagsalita naman si Mommy. "Salamat Audrey. Wala namang problema kung dito ka titira. Welcome ka dito sa bahay." Sincere na sabi pa ni Mommy dito.

Nagsalita si Michael. "Mom, Dad I need a clerk in my department. I can hire Audrey there. Pwede ka pa ring dito tumira kaysa kung saan saan ka titira. It's for your own safety." Sabad naman ni Michael. Sa iisang building lang kami nagtatrabaho. Since na matanda na rin si Mommy at Daddy, kami ni Michael ang namamahala sa negosyo. Ako ang may pinakamataas na position at si Michael ang assistant ko.

I heard Mom talking. "Ganon ba Michael. That's good to know. Baka pwede mo pang isingit ang pag aaral mo Audrey. Paalis ka na rin ng bahay Michael pag natapos na ang bahay niyong pinapagawa ni Janine. Pwede ng sa guestroom matulog si Audrey." Giit naman ni Mommy.

Nagsalita si Audrey. "Ok lang po ako sa maid's quarter Mrs. Tansinco. Pasalamat na nga po ako na may matitirhan pa ako. Salamat po sa inyong lahat." Sabay salikop sa dalawang palad nito.

Si Mae ang nagsalita. "Naku yun ang gustong gusto ni Audrey ang makapag aral pang muli. Kuya Michael salamat sa pagtulong sa kaibigan ko." Sabi pa ni Mae na maluha luha na. "Kayang kaya niyang gawin ang trabaho ng clerk Kuya Michael. Matalino si Audrey. Sayang nga lang namatay ng maaga ang Tita niya. Beauty and brains pa yan. Naging Miss High School namin. Eh, kinukuha ngang model noon. Kaso lang ayaw pumayag ng Tita niya." Sabi pa ni Mae na nagpapula sa mukha ni Audrey. Mas lalong tumingkad ang beauty nito ng mag blush.

Tumawa si Michael. "Paano pala yan. Baka putaktihin yan ng mga kalalakihan sa opisina. Anyway, nandiyan naman kami ni Noah na magbabantay sa kanya. Pati na sila Mommy at Daddy na minsan ding bumibisita sa building." Halakhak pa ni Michael.

Si Mae tumawa din. "Ganon na nga siguro ang mangyayari Kuya. Andaming may gusto sa kanya. Yun nga lang wala pa naman sa isip nito ang makipag boyfriend. Teka nga pala this Saturday na ang birthday ko. I'm so excited!" Masayang paalala ni Mae.

"Eveyone's excited for your 18th birthday Mae." Dagdag pa ni Daddy.

Hindi na ako pumasok pa sa opisina dahil sa wala akong ganang pumasok. Kailangan kong magpahinga at the same time kaya nandito lang ako sa bedroom ko.

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon