A Short Story About Best Friend

4.2K 172 50
                                    

Sabi nila: Masarap magkaroon ng bestfriend. may taong proprotekta sa'yo. may taong magpapasaya sa'yo. pero handa mo bang itaya ang pagkakaibigan? para sa hinahangad mong pagmamahalan?

Ako si Jane. grade three pa lang ako. palagi ko nang kaklase si Mark. pati sa highschool , hanggang ngayong college.

magkaibigan kasi mga magulang namin. kaya kung nasaan ako, nandun din siya.

Isang araw…

“bakit sumali ka ng fraternity?” —Jane

“wala lang gusto ko lang.” —Mark

“alam mo bang delikado yan?”
—Jane
“alam ko tong pinapasok ko.” —Mark

matapos ang araw na yun, hindi ko na siya nakikita sa school. hindi na rin siya nagtetext. kamusta na kaya siya?

pinuntahan ko siya sa bahay nila, pero hindi ko siya naabutan. namimiss ko na yong bestfriend ko. namimiss ko na si Mark.

ang lalaking lihim kong minamahal..

lumipas ang mga araw. madalang na siyang pumapasok. minsan kinausap ko siya,

pero parang iniiwasan niya ako.

“ano na bang nangyayari sayo Mark?” —Jane

“wala” —Mark

“meron kang hindi sinasabi sa akin” —Jane

“wala akong dapat sabihin” —Mark

“anong wala? bakit palagi kang absent? bakit palagi kang umiiwas? bakit hindi ka nagrereply sa text ko?” –Jane

bigla siyang umalis palayo sa akin. hinabol ko siya.

“Mark, ano ba talaga nangyari sayo? —Jane

humarap siya sa akin at nagsalita:

“bakit mo ba ako pinapakealaman? ano ba kita?” —Mark

natahimik ako sa sinabi niya. ano ba niya ako? isa lamang akong hamak na bestfriend. hanggang dun nalang yun.

umalis siya at hindi na nagpakita. hindi narin ako nagtext. hindi narin ako pumupunta sa kanila.

makalipas ang dalawang linggo…

may natanggap akong balita. nasa ospital daw si Mark. malubha ang lagay.

agad akong sumugod sa ospital. pero pagdating ko. wala na siya.

namatay si Mark sa hazing…

halos namatay narin ang puso ko. parang ayaw ko na ring mabuhay.. T_T

iba tong nararamdaman ko eh…T_T

MAHAL ko siya pero huli na…

MAHAL ko siya pero wala na…

niyakap ako ng mama niya at iniabot sakin ang cellphone ni Mark.

“Jane, iha. basahin mo”..

–“Pare. huwag niyong galawin ang bestfriend ko, ginawa ko naman ang sinabi niyo di ba? nilayuan ko na siya. basta huwag niyong lang gagalawin si Jane.. MAHAL KO YUN EH!”–

end.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Short Sad Story About Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon