Chapter 13: Forgiven
Nakatanga pa rin ako na nakaupo sa couch sa sala namin. Actually, nakabihis na ako ng pang alis. Balak ko na kasing bumalik sa bahay nila Alex. Nangako pa naman ako na babalik agad para kay Aki. Pero hindi ko magawang kumilos agad. Nagdadalawang isip kasi ako. Naisip kong baka si Alex naman ang galit sa akin ngayon.
'Nakakatakot pa naman siyang magalit.'
"Sumire-chan. Anong tinutunganga mo dyan?" Untag ni Kuya Travis ng mapadaan ito.
"Nani? (What?)" Wala sa loob na tanong ko pabalik.
Umiling iling ito. "Nagmamadali ako. Hindi na kita maihahatid. Si Youichi kanina pa nakaalis. Walang maghahatid sayo."
Tiningnan ko siya saka tinanguan. "Okay lang Kuya. Kaya ko namang magcommute."
Nang makaalis na si kuya ay naiwan na naman akong mag isa. Nasa taas pa kasi sina Mommy't Daddy at tulog pa.
Hindi ko namalayan kung gaano na ako katagal na nakatunganga doon ng may marinig akong busina sa labas ng paparating na kotse.
Agad akong napatayo at kinabahan.
'Oh my God! Sino yun? Si Alex kaya? Sinusundo ako?'
Hindi naman siguro si Kuya yun. Pero napaisip ako, imposible din namang si Alex yun. Alam niya ba ang bahay namin? Pero magkaibigan sila ni Kuya, alam niya naman siguro?
'Hoy Sumire wag kang assuming dyan. Feeling mo naman susunduin ka ni Alex? Bakit sino ka ba?'
Napapikit ako ng mariin at umiling. At bago pa ako mabuang sa kakausap sa sarili ko ay nilapitan ako ng kasambahay namin.
"Ma'am may bisita po kayo." Imporma nito.
Tiningnan ko siya. "Sino daw?" Kinakabahan ko pang tanong.
"Si Sir Natsume po. Papapasukin ko na po ba?"
"Ah sige papasukin mo na."
Umalis na ito doon. Napaisip na naman ako kung ano ang ginagawa dito ni Natsume. Naupo nalang ako ulit habang hinihintay na makarating si Natsume.
"Eheem.."
Napalingon ako ng may tumikhim. Hindi ko na naman maiwasan na mapatulala sa kanya. Hindi ako sanay na ganito na siya kagwapo ngayon. I mean, gwapo naman na talaga siya noon pa, kita naman yun even behind his nerdy looks pero iba na kasi ngayon na ang gwapo na ng porma niya. Wala na yung malaking glasses nito at ang buhok na napabayaan yata dahil sa haba nun.
Napakurap ako ng may pumitik sa may mukha ko.
"Hey, nagwapuhan ka sakin noh?" Nakangiting sabi nito.
Tinikom ko ang bibig ko na hindi ko namalayan na napaawang. Tumayo na din ako at tumikhim bago magsalita.
"Natsume. Uhm. Bakit ka naparito?" I asked him.
He chuckled. "Can we sit down first?"
"Oo nga pala. Upo ka muna. What do you want? Coffee, tea, juice o tubig nalang?" Alok ko sa kanya.
Ngumisi ito. "Pwede bang ikaw nalang?"
Napatulala na naman ako. Ngeeks.. Nakakapanibago talaga ang isang to.
"Ha?"
He chuckled again before sitting down. "Grabe ka ha. Ilang taon lang naman tayong hindi nagkita, hindi naman siguro dekada para maging ganyan ka sakin." Tudyo pa nito.
Pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko dahil ramdam ko ang pag iinit nito. "H-hindi ah. N-nakakapanibago ka lang kasi."
"Sus, anyway, wag ka ng mag abala pa. Maupo ka na lang." Anito at hinawakan pa ang kamay ko at hinila ako paupo.
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romance"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven