“Selena, pwede bang maupo ka muna? Nahihilo kasi ako sa’yo eh. Kanina ka pa palakad-lakad dyan.” Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Jason na kanina pa ako tinitignan. “Ano ba kasing problema?” tanong niya.
Ikaw. Ikaw ang problema.
Sa halip na pakinggan siya ay nagpatuloy ako sa paglakad. Kanina pa ko nag-iisip pero tila blanko ang utak ko. Dahil ba ito ang unang beses ko? Siguro yun nga yon. Wala naman talaga akong alam sa mga ganitong bagay. Kaya nga hindi ko ito sinubukan ulit sa loob ng mahabang panahon. Ayoko kasing…
Natigil ako sa pag-iisip pati sa paglalakad ng makaramdam ako ng mabigat na nakapatong sa dalawang balikat ko.
Tumingin ako sa likuran at nakita ko si Jason na nakangiti at nakatayo sa likod ko. Mga kamay pala niya ang nakapatong sa balikat ko. Kung ibang lalaki ito ay baka nabalian ko na siya, pero si Jason ito. Safe ako sa kanya. Sabi ng isip ko.
“Sorry ‘di ko na kasi talaga matiis. Nakakahilo talaga eh.” Bahagya niya akong tinulak at pinaupo sa kinauupuan niya kanina. Umupo siya sa tapat ko at tumingin sa akin. “Now what’s the problem? Kanina lang excited ka na magsimula na tayo pero bigla kang nagkaganito.”
I can’t tell you. Nakakahiya!
He sighed and stood up. As if reading my mind, he said “Mukhang ayaw mong sabihin. Fine. Let’s just call this a day. Call me for the next appointment. Good night.” He went out of my office and gently closed the door. Pagkasara niya ng pinto doon lang ako nakahinga.
Teka nga bakit at kalian ko pa pinigil ang paghinga ko? Ugh. This is too stressful. Akala ko simple lang itong gagawin ko pero hindi pala. I need to think of something. Tama! Hindi pwedeng laging ganito. Ahh!
Calling Max…
(Hello. Oh, Selena?)
“I need your help.” Walang kagatol-gatol kong sabi.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
“Eto na ‘yon?” I asked Max for the nth time. Isang pirasong papel lang ang solusyon niya sa problema ko na pakiramdam ko ang laki.
“Yes. I’m sure that will do.” Max just nodded at me.
Tinitigan ko ang papel at binasa muli ang nakasulat dito…
1. Change his wardrobe.
2. Improve his physique.
3. Boost his confidence.
4. Teach him INTIMATE and ROMANTIC things.
5.Make him an eligible bachelor TO DIE FOR!
I groaned and look at him again. “I’m not sure with this.”
“But I am,” nginitian lang ako ni Max. Ugh. That smile. I know he has something in his mind. “I swear. Yan ang solusyon sa problema mo.” He tapped my shoulder and went out of my office.
I sighed. Wala talaga akong clue sa mga ganito at hindi ko masyadong gets ang mga nakasulat. Isa pa halata mong bading ang nagsulat at kulang na lang lagyan niya pa ng heart signs yung buong papel. Lalo na yung #5 na emphasized ang phrase na ‘TO DIE FOR’.
Kung may choice lang talaga ako hindi ko ‘to tatanggapin. Kaso lang nangako ako sa kanya na tutulungan ko siya. At may isang salita ako. Kaya gagawin ko ang lahat.
Nastress ako buong araw dahil lang dito. I had a handful of clients at kahit sabay-sabay pa sila ay never pa ‘kong nagkaganito. Tss. Sakit talaga sa ulo ang mga lalaki kahit kailan. I massaged my temples.
Tumingin ako sa wall clock. 6:30PM, Wow! Tapos na pala ang office hours? Bakit hindi ko namalayan? Siguro dahil sa kakaisip sa bago kong client at kung paano ko siya matutulungan.
Sleep. Yes, that’s what I need. Para na rin maliwanagan ang isip ko. I gathered my things and went straight home.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
COMMENT ♥.
VOTE ♥.
LIKE ♥.
FOLLOW ♥. (kung trip niyo lang xD)
Here’s chapter 10! Tingin niyo papasang maging ‘eligible bachelor TO DIE FOR’ si Jason? Hahaha! Mag-succeed kaya si Selena? ABANGAN! LOL
Crappy update noh? Ang igsi pa. Pagod at puyat kasi ako this week. =.= Bear with me~ xD
Anyway, SUPER THANKS SA MGA NAGVOTE! 90 din yun! Hahaha! May 90 na taong natutuwa sa story na to! Yehey! Dahil dyan natutuwa ako ng bongga! xDDDDDD
BINABASA MO ANG
The Sex Teacher
HumorSELENA'S POV Ilang taon na ang nakalipas pero di ko parin maiwasang maging bitter. Paano kasi di pa ko nakakaganti sa ginawa ng hayup na lalaking un! Sinira niya lang naman ang teenage life ko noh! Oh well, mali siya ng binangga! Kung dati di ako gu...