You Belong With Me [Chapter 42: Here We Go Again]

1.3K 17 5
                                    

One month has passed after nung play namin. Balik na ulit kami sa mga dati naming ginagawa. Kain, tulog, aral. Wala ng mga linyang kailangan kabisaduhin, mga props na kailangan gawin at mga kantang kailangan kantahin. Wala naman masyadong nagbago sa buhay ko. Inaasar na nga lang akong Maria Clara nung iba kong mga batchmates. Hindi na nga Sabine ang pangalan ko ngayon eh. Maria na. Kumusta naman di ba? Manang na manang.

K. Fine. Manang naman talaga.

Pero sa one month na ito may mga kaunting pagbabago sa paligid ko.

"Hi Sabine!"

Katulad na lang niyan. Dumaan kasi si Nadine sa classroom namin. Binati niya ako. Hindi ko alam kung kailan yun nag-umpisa basta lagi niya na akong binabati at kinukumusta kapag nagkakasalubong na kami.

Katulad na lang nung isang linggo. Naglalagay ako ng gamit sa locker nung bigla ko na lang nabitawan yung Physics book ko nung nag-hi siya sa akin. At hindi pa siya nakuntento dahil kinausap niya ako.

"Sab, ilan kayong magkakapatid?"

"Uuhhhmm...tatlo. Bakit?"

"Wala naman. Solo child kasi ako."

"Aaaahhh.."

Kelan ba siya aalis? Natatakot na talaga ako sa mga kinikilos niya!

"Mabait siguro Kuya mo noh?"

"Sobra! Ang bait nun! Matalino pa! Hindi mo ba siya kilala? Sikat yun dito  dati. Nagka-chance kasi siya mag-aral sa ibang bansa kaya ni-grab niya na. Pati na rin si Ate..."

Di ko na naman napigilan ang bibig ko.

"Sabi nga nila..."

Nagtanong na siya?

"Bakit mo natanong?"

"Wala naman. Gusto ko din kasi ng Kuya."

"Okay."

"Sige, bye sis!"

Bbbbbrrrrrr.

Bigla akong kinilabutan.

Paano ba naman eh bigla ba naman napatawa na parang kinikilig! Nahihiya na ewan!

Bbbbbbrrrrr.

Tumataas na talaga ang balahibo ko.

Sis?

SIS?

Over my dead body!

Gusto pa atang gawing kuya niya ang kuya ko! Maghanap siya ng sarili niyang kuya! May mga anak naman sa labas halos lahat ng mayayaman. Okay siguro yung iba. Malay niya ba di ba? May kuya pala siya!

Nakakatakot talaga yung pangyayaring yun.

Malapit na ba siyang mamatay kaya nagpapakabait na siya?

Hindi naman siguro.

"Ano kayang nakain nun?" Tanong ni Jasmine.

"Hindi ko nga din alam eh. Baka nabagok or something kaya naalog ang utak."

Nagkibit-balikat lang si Jas.

May mga balita rin na nag-move on na daw si Nadine sa break-up nila ni Cyrus. Ang bilis naman makapag-move on nun. Sabagay hindi naman talaga si Cyrus ang loves niya kundi si Henry.

Buti pa siya nakapag-move on na.

Ang bilis ngang kumalat nung balita na break na si Nadine at Cyrus. At ako daw ang dahilan? Joke. Ang kumalat na balita eh nagkasawaan na sila. Walang nakaalam na namangka sa dalawang ilog si Nadine. Iba talaga kapag ikaw ang Queen Bee. Wala ding nag-iisip ng masama. Or should I say na walang nagbabalak na magsalita ng masama.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon