The Best Star (One Shot)

34 2 2
                                    

[Tonight by Fm Static]

I remember the times we spent together, on those drives
We had a million questions, all about our lives
And when we got to New York, everything felt right
I wish you were here with me, Tonight

I remember the days we spent together, were not enough
And I used to feel like dreamin', except we always woke up
Never thought not having you here now, would hurt so much..
- - -

Nakatingin ako sa kanya habang tinutugtog ang aking gitara, at nakangiti ng matipid habang kinakanta ko ang mga lyrics na yan. Inaalayan sya ng kantang nagpapahiwatig kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Ikinukwento kung paano nagsimula ang lahat, at kung paano humantong ngayong mga oras na ito.

* * * * *
.
.
.
Sa park..

"Hi Bestfriend!" Sabi ni Heira.


Ang babaeng laging hyper, laging gutom, ang babaeng mahal ko, at higit sa lahat ang nag-iisang bestfriend ko. Si Heira Deniz Ocampo.

"Yow!" Bati ko naman.

"Yow yow ka dyan. Wala ka bang natatandaan ngayong araw na to?" Sabi nya.

"Wala. Ano bang meron." Pagkukunwari ko.

"Asus kunyari ka pa. Baka mamaya kapag nagtampo na ako ilabas mo agad yung regalo ko." Sabi nya.

"Regalo? Ano bang meron ngayon? Teka ano na bang date ngayon?" Sabi ko, sabay tingin sa phone ko.

"*shock* Birthday mo na pala?! Hayst! Sorry! Sorry!" Sabi ko. Oh diba best actor! XD

"Ano ba yan. Kala ko pa naman..." Malumbay nyang sabi ng pabulong.

"Ha? May sinasabi ka ba?" Sabi ko.

"Ah. Wala. Sabi ko okay lang. Libre mo na lang ako pangbawi. " Biglang sabi nya ng masigla.

Kahit may pagka childish yan, hindi yan yung tipo ng tao na showy. Ayaw nya rin yung pinapakita na malungkot sya, lalo na kapag naiiyak.

"Ahh,, sorry talaga ha?" Sabi ko sabay hawak sa batok.

"Psh. Aba dapat may pangbawi! Tara sa mall! Libre moko ha?" Sabi nya.

"Sus! Yun lang ba?! Tara!" Sabi ko naman.

Buti sya na ang nagsabi. Yan naman talaga dapat ang plano ko eh. Sumasang-ayon yata ang panahon sakin ah.

- - -

Sa mall..

Nag-arcade kami. Naglaro ng kung ano-ano na kahit ako yung manalo, sa kanya pa rin mapupunta yung tickets para makuha yung prize na gusto nya, which is yung teddy bear na kulay pink na di ganong kalakihan. Kahit gumastos ako ng kahit magkano, okay lang sakin, kasi nakikita ko naman na nag-eenjoy sya, at nakikita ko kung gano sya kasaya.

Pagkatapos naming mag-arcade ay nag-uli naman kami. Dumaan sa iba't ibang boutique, nagsukat ng kung ano-ano at bumili lamang ng konti. Bakit ganun yung mga babae no? Ang tagal pumili ng damit, tapos sa huli isa or konti lang yung bibilhin. Tss.

"Hayy.. Pagod na ko." Sabi nya.

"Talaga? Hindi halata ah." Pabirong sabi ko naman.

"Tara kain tayo." Sabi nya.

"San mo gusto?" Sabi ko.

"Gusto kong kumain sa lahat ng kainan dito." Sabi nya.

"Ha? Ganun ka ba kagutom?" Sabi ko.

The Best Star (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon