Kasalukuyan kaming nakaupo ni mushroom sa damuhan sa ilalim ng puno sa harap ng flower field habang kumakain ng indian mango. Ito yung kinuha ni mushroom sa punong inakyatan nya kanina. Habang kumakain kami ay hindi ko pa rin maalis sa utak ko kung paanong nalaman ni mushroom ang lugar na ito. Napaka-ganda dito at napaka-peaceful pa.
"Bilib na talaga ako sayo mushroom, akalain mong may alam kang lugar na ganito dito samantalang hindi ka naman talaga taga-rito." Sabi ko sabay kagat sa manggang hawak ko at pinagmamasdan ang mga bulaklak na may iba't-ibang kulay.
"Minsan kasi matuto ka ding magbasa sa internet, sa google map. Marami kang matutuklasang mga lugar dun na hindi mo aakalaing nag-e-exist pala." Sagot naman nya saka tumayo para ibato yung buto ng mangga. Muli syang umupo saka sumandal sa balikat ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Pasandal." Maiksing sabi nya. Kakaiba talaga 'to, nakasandal na sya e saka pa sya nagpaalam.
Hinayaan ko na lang syang i-sandal ang ulo nya sa balikat ko. Mag-kaibigan naman kami e.
Ano na lang kaya ang ginagawa ko ngayon kung hindi ko nakilala si mushroom? Siguro ay nasa loob lang ako ng kwarto ko palaging nagmumukmok at umiiyak dahil sa pag-iwan at panloloko sa akin ni Vin. Ang laki talaga ng pasasalamat ko dahil nakilala ko sya, isang stranger na makulit na weirdo na foreigner na hindi mo alam kung saan talaga nagmula.
Pero utang na loob ko sa kanya ang lahat-lahat dahil kung wala sya hindi ko alam kung ano ng nangyari sa akin. He's my savior. My angel in disguise.
Hindi ko maiwasang mapa-ngiti habang inaalala ko yung unang araw na nagkita kami. Bumaba sya mula sa isang puno habang ako e umiiyak. Hulog sya ng langit este ng puno. Naalala ko pa nung dinala nya ako sa isang ice cream parlor na wala naman akong ginawa kundi panuorin syang kumain ng ice cream na parang isang batang yagit. Bigla akong napatawa ng bahagya dahil sa naalala ko.
"Bakit ka tumatawa mag-isa? Baliw ka ba?" pabirong sabi ni mushroom. Ibinato ko muna sa damuhan yung buto ng manggang kinakain ko bago ako sumagot.
"May naalala lang ako.." matapos kong sumagot ay kinuha nya ang kamay ko saka iyon pinunasan ng panyo nya. Nakasandal pa rin ang ulo nya sa balikat ko.
Nagulat ako sa ginawa nya kaya naman binawi ko kaagad ang kamay ko. Pakiramdam ko ay namula ang mga pisngi ko dahil sa ginawa nya. Bakit bigla akong na-ilang ng gawin nya iyon? Matagal kaming natahimik, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi rin naman sya nagsa-salita e.
"Miss Broken.." biglang tawag nya ng hindi pa rin umaalis sa pagka-sandal sa akin
"Bakit?" tanong ko bilang tugon
"What are you feeling right now?" sandali akong napatingin sa kanya kahit hindi ko naman nakikita ang mukha nya tapos ay muli kong ibinalik ang tingin ko sa flower field.
"Hmm..Masaya ako ngayon kasi dinala mo ako sa lugar na 'to." Sagot ko
BINABASA MO ANG
Broken-Hearted Girl
Novela Juvenil"The best way to move on is to fall inlove again." - Faith