Ang Kasalukuyan

38 2 0
                                    

"Mabilis na tumatakbo ang oras. Hindi ito kayang pahintoin nino man, hindi ito kayang habulin ng mga tao. Dahil sa panahon ngayon, kailangan mong makipagsabayan sa oras.Dahil kung hindi mahuhuli ka at maghihintay ka nalang sa muling pagbabalik nito."

9pm na ng gabi at hindi pa ako natutulog. Gusto kong tapusin itong librong nasimulan kong basahin kanina lang. Tungkol ito sa pag-ibig, nakasaad dito kung gaano ka importante ang oras sa mundo. Lalo na kung ikaw ay nasa isang relasyon. Hindi ko naman masyadong naiintindihan ang storyang ito sapagkat ito'y tungkol sa pag-ibig na hanggang ngayon hindi ko pa nararanasan at patuloy ko pang hinahanap dito sa lupa. Gusto kong maramdaman ang mga sinasabi nilang kilig at saya na dulot ng pag-ibig. Gusto kong maranasan na may Mat'text sa akin ng Good morning and Good night messages, yung taong magsasabi sayo ng I love you at mag ingat ka sa pag-uwi. Sigurado pag ganon, mabagal ang ating paglalakad para maiwasan na tayo'y madapa sa unahan.

Subalit sa panahon ngayon, mahirap na hanapin ang taong makakagawa niyan sa'iyo. Sa panahon ngayon, hindi na siniseryoso ng ibang tao ang pagiging kabiyak niya sa isang relasyon. Dahil kung maghihiwalay man daw, meron namang maraming babae o lalake ang maipapalit. Dahil gaano man daw kalaki o kaliit ang away, isang sorry lang okay na ang lahat. Hindi na sila gumagawa ng paraan para mapanatili ang kanilang napundar na relasyon, marami namang makikita na magaganda o gwapo na pwedeng ipalit at meron ding mga tanga na kahit isang sorry lang, okay na kahit sobra na silang nasasaktan.

Kaya ako, imbis na sa tao ko hanapin ang pagmamahal na gusto kong maramdaman. Sa libro ko nalang ibinabaling ang lahat, kasi ang libro wala siyang ginagawa para masaktan ka. Pinapasaya ka nito dahil sa buhay kapag ika'y nag iisa siya ang nandiyan para maging kasama mo. At ang libro hindi ito manloloko ng nadarama,hindi ito manggagamit at itong libro ang nagpupuno sa iyong pangungulila sa ano mang bagay na nandito sa mundo.

"Uy! Kael, nagd'date na naman kayo ng mga libro mo Hahaha" kantyaw saakin ng roomate kong si Jeff.

"Wag mo nalang istorbohin pare, sinisira mo ang moment nila ng Oh-so-wannabe-girlfriend niya eh Hahaha" dagdag pa ng isa na si Allim.

"Magsitulog nalang kayo ano, mga walang magawa sa buhay. " saad ko naman sa kanilang dalawa.

"Ikaw kasi kael, para hindi kana ini'istorbo nitong dalawa. Humanap ka na kase ng Girlfriend yung totoong tao ha? College na tayo pare, tapos hindi ka pa nakakaranas ng pagmamahal galing sa taong nagmamahal sayo." pangaral naman saakin ng tumatayong kuya namin dito, si Arcus.

"Hahanap din ako arc, hindi lang ngayon. Hindi pa kasi ito ang tamang panahon, dadating din yung babae na para saakin. Hindi naman kasi minamadali yan,kaya sa ngayon maghihinatay lang ako" sabi ko naman habang nakatingin na sa kanilang tatlo.

"Ganyan ba ang epekto ng pagbabasa mo pare ? Grabe, alam mo naman bagong henerasyon na tayo kael kung maghihintay kang dadating sayo yung babaeng para sayo. Mamumuti na'yang buhok mo kasi habang papunta na siya sayo baka nadukot na iyon ng iba na gumagawa ng aksyon para mahanap ang babaeng para sa kanila" tugon naman ni Jeff saakin.

"Oo! Tama si jeff,kael.hintay ka ng hintay nadukot na pala ng iba o sa ibang sitwasyon, na ikaw naghihintay na dumating siya. Habang siya naman naghihintay rin na dumating ka sa buhay niya. Ano yun? maghihintayan nalang kayong dalawa ? " dagdag pa ni Allim sa sinabi ni Jeff.

"Kaya ikaw, kael. Humanap ka na hoy! Mag break na kayo ng Girlfriend mong libro, humanap ka ng tao. Baka kase, mahuli ka na. Hindi mo na maibabalik ang oras na masasabi mo sa sarili mo na , sana sinunod ko nalang ang sinabi nila. Sana naghanap nalang ako." pahabol pa nitong si Jeff.

"At, tama na yan. Wag niyo ng pagtulongan si Kael, hahanap din yan. Kaya sa ngayon, matulog na tayo dahil may klase tayo bukas. At ikaw Kael, bitawan mo nayang libro mo." sabi naman ni Arcus.

Sinunod namin ang sinabi ni Arcus, baka ano pang gawin niya pag hindi kami tumigil at hindi kami susunod sa kanya. Pero bumabagabag sa akin ang sinabi ni Jeff na hindi na maibabalik ang oras para baguhin ang lahat ng desisyon mo sa nakaraan. Ang hirap naman kasing humanap ng babaeng para talaga sayo,na hindi ka sasaktan at iiwan. At mas mahirap pa ang humanap ng babaeng seryoso at nasa dugo parin ang pagiging Maria Clara.


Counter ClockwiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon