Sealed with Love

19 0 2
                                    

Two days after the party, eto nasa bahay pa din ako. Sabi kasi nila kuya, magpahinga daw muna ako ng kahit isang buwan then hanap na daw ako ng trabaho. Tutulungan naman daw nila ako sa paghahanap. Pero I told them about sa plano namin nila Lacey na magkaron ng sarili naming business.

Pero di daw yun madali hanggat wala pa kaming experience. Sige na nga. Take it from the experienced people. Pero honestly marami na ang tumatawag sa akin for hiring, kaso nga diba pinagpapahinga pa nila ako. Baka daw kasi magkasakit ako. So ayun, enjoy ko naman yung pagpapahinga ko!

Sa katunayan, lagi kaming kumakain sa labas, shopping, nagpapa spa, nuod ng movie at more kain pa! Pero isa sa mga pinagkakaabalahan ko ay ang pagttype sa laptop ko ng mga saloobin ko.

About saan? San pa nga ba? Edi sa unrequited love ko kay Lloyd. Mga tula lang naman yon, parang ganito,

I have never known before that day,
That I will love someone like you until today,
You are here in my heart but
The paranoia is still in my mind,
That one day you will leave me behind,
And then suddenly my fears turned into reality,
That my love was gone but one thing's for sure, I will wait until eternity.

Hahaha ang korni ko no? Pero masisisi niyo ba ako kung eto yung nararamdaman ko? Isinalampak ko yung mukha ko sa may study table ko. I sighed, then sinave ko na yung tinype ko. Mejo madami na din to no! Tapos parang may narinig ako na tumatawa sa likod ko. Napatalon ako sa gulat. Si Kuya. Nanlaki yung mata ko nung nakita kong binabasa niya yung gawa ko.

"Waaaaaah! Kkkuuuyyaaaa! Alis, alis!" Ang sabi ko sa kaniya.

Hinawakan niya ang tiyan niya sa kakatawa at humiga sa kama ko. "Hahahaha! I will wait until e-heheh-eternity? hahahah! Pusa! Ano yan Lie?" Di pa din siya tumitigil sa kakatawa.

Pinalo ko siya sa hita niya. "Kuya naman eee! Di ka ba marunong kumatok?" Nakapamewang kong tanong sa kaniya.

"Eh bakit pa ako kakatok kung nakabukas naman yung pintuan mo? Hahaha bwisit sakit sa tiyan! Ano ba kasi yan?" Muli niyang tanong sa akin at nagpupunas ng luha. Tears of super joy. Baliw talaga tong kuya ko.

"Ayoko! Aasarin mo lang ako! Di ko sasabihin sayo! Manigas ka jan!" At pagkasabi ko non, nag act siya na naninigas, tapos tumawa na naman.

"Ang korni mo! Kaya nakipag break si ate Raian sayo eh!" (a/n ang pronounciation po ng Raian ay Reyan) Tumigil siya sa pagtawa at napaubo. "Bakit, di ka ba nagsulat ng ganito nung nag break kayo ni Ate Raian?"

"Tsss. Di no, bakit ako gagawa niyan. Siya pwede pa, pero ako? Tsss screw it! I would never do it," he said with an accent. Taray edi ikaw na ang may New York accent. Habang sinasabi niya yon ay paalis na siya ng kwarto ko. Nainis ata sa tanong ko. Kaya nga lang, "T-teka?" Bumalik siya.

"Bakit kuya?"

"Don't tell me, nagka boyfriend ka ng di mo man lang sinasabi sa akin?" Namula naman ako sa tanong ni kuya. "Ho-hoy! Bat ka namumula huh?" Tapos ikinulong na naman yung ulo ko sa braso niya.

Inalis ko yon, di ako makahinga eh! "Aray ko naman! Hindi no! Kung meron at nagkaron man dapat alam niyo! Kaso, wala eh," I said in a dead voice.

Umupo ulit sa kama ko si kuya. "So ano nga yan? Trip trip lang?"

Kaya ayun, para matigil siya sa kakatanong at kakakulit sa akin, sinabi ko na. Kinuwento ko yung nangyari at tungkol kay Lloyd at yung nararamdaman ko para sa kaniya. Si kuya naman mejo nainis pa kay Lloyd. Tanga daw yung lalaki tsaka duwag daw. Tapos ako naman, tanga din daw kasi wala man lang akong ginawa. Iba na daw ang mundo ngayon, pantay na lang ang mga babae at lalaki kaya pwede nang mag da-moves yung mga babae. Siyempre dalagang Pilipina ako no!

"Pero Lie, alam mo, baka hindi lang talaga kayo para sa isa't isa, or di pa panahon para sa inyo. Malay mo bumalik siya?" Ang sabi ni kuya at humiga sa kama ko. Kaya naman humiga na din ako tabi niya.

"Sa tingin mo kuya?"

"Siguro? Malay ba natin, di naman natin hawak ang oras at panahon," sabi niya at inunan ang mga kamay niya at nakatingin lang sa kisame. Tama si kuya, di namin hawak ang oras at panahon.

"Ganyan din ba ang sinabi mo noon nung nag break kayo?" Tanong ko sa kaniya. Ang tagal niya bago sumagot, akala ko di na niya sasagutin yung tanong ko. Sila kasi ni Ate Raian, eight years din silang mag gf-bf. Akala nga naman may poreber sa kanila.

"Oo. Nasabi ko din yan. Sinabi ko sa sarili ko na babalik siya. Pinaniwala ko ang sarili ko. Pero ang tagal niya eh. Three years na nga eh, wala pa rin siya," ang sabi ni kuya.

"Pero kuya, ayaw mo bang maghanap ng ibang babae, huh?"

"Hmmm. Di ko alam. Ang pag-ibig naman kusang dumarating yan. At kung totoong pag-ibig, darating yan sa tamang panahon. Pero hindi pa rin maalis sakin ang umasa na meron pa ring chance para sa amin." Tinignan ko siya at ang seryoso ng mukha niya.

"Magkapatid nga siguro talaga tayo! Ang hilig nating umasa!" Ang sabi ko sa kaniya and he chuckled. "Kuya na miss ko to!" Ang sabi ko sa kaniya.

"Tsss. Ka kornihan mo nahahawa ako sayo!" Bumangon siya at dinaganan ako ng unan sa mukha. Tinanggal ko iyon at bumangon din.

"Araaay ko naman!" Pero nagulat ako nung nakita kong may luha sa mata ni kuya. "U-umiiyak ka kuya?"

"Hindi no! Letse baho kasi ng unan mo! Amoy panis na laway!" Tapos binato niya sa akin yun. Tsss sabihin mo, umiiyak ka kasi namimiss mo si ate Raian tsaka namiss mo din yung bonding natin na ganito. Kaya ayun nag pillow fight kami.

*kraaaaaak

Nagkatinginan kami ni kuya nang biglang nasira yung unan tapos lumabas yung mga cotton cotton sa unan. Paktay. Pero imbis na matakot, tawa kami ng tawa at nagpatuloy sa hamapasan. Ng biglang dumating si Momsie.

"Alie! Caleb! Sus marya! Anong gi---" tapos binato ni kuya si Momsie. Hala parang galit si Momsie. Sapol ba naman sa mukha. Kaya hinampas ko si kuya sa braso. Umalis si Momsie.

"Ikaw kasi eh! Lagot!" Sabi ko kay kuya.

"Anong ako? Ik---" tapos may tumamang unan na blue sa ulo niya. Pagtingin ko si Momsie may dalang mga unan. Unan nila sa kwarto nila. Maya maya pa'y ako naman ang binato ni Momsie.

"Ah ganon ah?" Ang sabi ko tapos nagbatuhan kami sumali na din si Momsie! Haha ang saya nito.

"Ano yan ha?" Si Popsie. Nako, nakakatakot ang boses niya at parang galit. Pumasok siya sa kwarto. "Anong ginagawa niyo at bakit di niyo ako sin---"

*booogsh

Sapol si Popsie sa mukha, si Momsie lang naman ang bumato. "Oh ayan kasali ka na!" Sabi ni Momsie, kaya ayun, kaming apat, nagpi-pillow fight sa hapon.

Ang saya! Ang saya magkaron ng kalog na pamilya. Makakalimutan mo yung problema, yung sakit na nararamdaman mo. Kahit ano pa man yan basta anjan ang pamilya.

-------
A/N

Habang nagkakasiyahan ang Pamilyang Cristobal, may nag e-mail kay Alie. At ang e-mail na yun ang makakapagpabago ng buhay niya!

Hey Mister, It's a Love Letter!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon