Chapter 1 part 2
<--- vote po :)
=== Outcast of the Society ===
(hahahaha ito muna ang iupdate ko. Wala pa ko maisip sa the babysitter at sleepless nights. Lol.)
*****
School.
Ang atensyon ng mga estudyante ay nakatuon papunta sa aking direksyon. Sa direksyon ng mga kuya ko na naglalakad sa aking harapan. Nasa likod ako. Syempre. Tagadala ng mga bag ng mga MABABAIT kong mga kapatid.
Pero okay lang.
Okay lang ulit para sakin iyon. Wala naman akong reklamo dahil mga bobo naman tong mga kuya ko kaya ang gagaan ng mga bag. Walang laman kundi puro hangin tulad ng mga utak nila.
Mga bird brain ika nga.
Maliit ang utak.
Tulad ng mga bird nila.
Maliliit din.
Tsss.. Pagbigyan nyo na kong laitin sila. Sa isip ko lang sila nagagantihan ng ganito. Sa isip ko lang nasasabi ang totoong saloobin ko. Sa isip ko, sila ang naaapi. Ako ang nangaapi. Hindi ko naman kayang gawin at sabihin sa kanila talaga ang mga naiisip ko. Ewan ko. Kahit na aping api na ako hindi ko pa rin naisipang lumaban kahit minsan. Hindi dahil sa naduduwag ako.
Siguro dahil..
Dahil..
Dahil..
Dahil..
Natatakot ako??
Tsss. Oo na. Naduduwag na ako. -______-
Alam ko namang pag pinatulan ko tong mga to. Ako ang talo. Wala akong laban. Isa lang ako. Dalawa sila. Isama mo pa ang lahat ng mga babae sa school na nagkakandarapa sa kanila. Tss. Ano bang nakita ng mga babae dito sa mga kuya ko?? Oo. Mga gwapo nga sila pero mga bobo naman at mga walang silbi.. Ang sasama pa ng ugali. Katulad ng mga magulang ko.
Haaaay. Anong magagawa ko? Ganyan talaga ang buhay. Pag gwapo ka. Sikat ka. Maraming tumatawa at ngumingiti ng dahil sayo. Maraming nagmamahal sayo.
Pag pangit ka naman. Sikat ka din. Maraming ding tumatawa ng dahil sayo. Ang kaso nga lang, walang nagmamahal sayo. Kahit sarili mo ay ayaw mo ay ayaw din sayo.
Ganyan naman
talaga eh. Kahit na yung mga sumagot na babae na pipiliin ang panget na mabait kaysa sa gwapo na masama ang ugali.. Sinasabi lang nila yun! Pero pag nakakita naman sila ng gwapo. Hala.. Ayun, patay na patay kahit na ang sama sama ng ugali nung lalaki.
Yung mga panget na tulad ko, sinasamantala naman ang kabaitan. Pag nakuha na ang kailan. Kinakalimutan na.
Nagtataka na siguro kayo kung bakit ganto ang tingin ko sa mga bagay bagay.
Marami na akong naranasan sa buhay. Marami na akong mga naranasan na dumurog sa puso ko ng sobra. Siguro wala na kong puso ngayon. Durog na durog na. Napunta na sa intestines ko at sumama na paglabas kaninang umaga nung nasa banyo ako. O kaya nadistribute na ang mga bahagi ng puso ko sa iba't ibang parte ng katawan ko.
Masyado na akong naapi.
Masyado na akong naalipusta.
Masyado na akong nasaktan.
Pakiramdam ko minsan parang sasabog na ako sa sobrang sama ng loob na nararamdaman ko. Gusto kong magsisigaw. Gusto kong manakit ng kapwa. Gusto kong gumanti.
Ng dahil sa kapangitan ko, naging miserable ang buong buhay ko.
Napagkamalang waiter sa isang restaurant na kinainan ko.
Napagkamalang janitor sa school na pinapasukan ko nung minsan na may hawak akong dust pan dahil cleaner ako nung araw na yon. Napagkamalan ding pulubi nung minsang naupo ako sa labas ng simbahan pagkatapos kong magdasal na sana ay matapos na tong pangaaping natatamo ko.
Sabi naman ng iba, may nakakahawang sakit daw ako kahit wala naman. Nilalayuan tuloy ako ng mga tao.
Lagi din akong napagbibintangan ng buong klase na magnanakaw sa tuwing may nawawalan ng pera sa classroom.
Sa mga naranasan kong to. Isa lang ang masasabi ko.
NAPAKAUNFAIR TALAGA NG BUHAY para sa mga panget na tulad ko.
Napakababa ng tingin ng tao samin.
Outcast of the society.
Halos pandirihan na ang mga tulad ko.
Hanggang kailan..
Siguro hanggang sa mamamatay na ako.
Buong buhay ko tong mararanasan dahil sinumpa ako.
Sinumpa ang isang panget na tulad ko.
****
awwww.. Grabe. Ayan. Wala na namang masyadong nangyare sa chap na to. Masyado ata akong nadala sa emosyon ko. Humaba tuloy ng kung ano ano lang ang sinasabi. Hahaha. LOL.
Vote and Comment po. :)
BINABASA MO ANG
Im A Poser (searching for the word ''LOVE'' online) -ON HOLD
RomanceNilalait. Inaasar. Inaapi. Oo na. Panget na ako. Pero sa mundo ng internet, ako ang gwapo. Ako ang sikat. Nararamdaman ko na may nagmamahal at umaalala sakin, na kahit kailan ay hindi ko pa nararamdaman sa totoong mundo. (read the prologue)