#19'Masahista'
Sa tagal naming masahista si Berto ay naging kaibigan na namin siya ng aking asawang si Dencio Sa katunayan, naging inaanak pa ng asawa ko ang anak ni Berto. Sa kahit anong oras, kahit kailan basta't pinatawag namin siya, agad siyang pumupunta. Magaling talaga siyang masahista at mabait pa. Madalas, Siya ang naging sandalan ko magmula nang naging madalas ang away namin ni Dencio na nagsimula mag-iisang taon na ang nakakaraan.
At ngayon, Mag-aanim na buwan na akong may relasyon kay Berto. Pero nakokonsensya na ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang piliin si Dencio kahit na nagsasama na lang kami para sa anak namin o ang piliin si Berto kahit pa ito ang ikasira ng pamilya ko at ng pagkakaibigan nila.
Hanggang sa isang araw, maaga akong umuwi dahil masama ang pakiramdam ko. Nang isang pag-uusap ang narinig ko mula sa loob ng aking kwarto.
"Faster... Harder... Deeper..." narinig kong sabi ni Dencio na tila hingal na hingal. "Bakit bigla kang huminto?"
"Sandali lang, baka marinig tayo ng kasambahay nyo. Baka isumbong pa niya tayo sa asawa mo." narinig kong sabi ni Berto.
"Hindi yan! Halos isang taon na nating ginagawa 'to kaya di tayo nila tayo maririnig sa labas. Ituloy na natin 'to." wika ni Dencio. Nangilid ang mga luha sa aking mga mata habang ako ay nanginginig na hindi makakilos. At narinig kong muli ang ulol nila.
BINABASA MO ANG
Panandaliang Aliw [Koleksyon ng mga kwentong dagli]
Short StoryNasilip mo na ba? Tara! Pasok na! buklatin mo na! Sige na! pumayag ka na! dahil narito na ang kikiliti, hahaplos, at maghahagod sa iyong isipan. Halika na at Namnamin ang... 'Panandaliang Aliw' [Koleksyon ng mga kwentong Dagli] All right reserved ©...