-;-;-;-;-;-;-
Love Game
-;-;-;-;-;-;-
"I'll be your crying shoulder,
I'll be love's suicide
I'll be better when I'm older,
I'll be the greatest fan of your life."
[Daniel]
Naiinis ako.
Naiinis ako.
Naiinis ako.
"Wow! Sosyal talaga ang mga estudyante mo, noh? Ang engrande lang ng 17th birthday! Parang debut na eh!"
Nilingon ko si Neil Coleta, ang self-proclaimed best friend ko. Hindi kasi makakarating si Ate Maja dahil may date daw sila ng Nata De Coco niya. Grabe silang dalawa. Hindi na ata nagkakasawaan ng mukha.
Si Neil naman, unfortunately, ay nandoon ng mga oras na sinabi ko iyon kay Ate Maja. Kaya ayan, nagpumilit na isama ko. Ano pa nga ba? Kesa naman wala akong kasama, isinama ko na.
Pero buhat ng makarating kami dito, hindi na tumigil sa kakadaldal.
"Hala ka! Si Papa P oh!" sigaw ni Neil, habang tinuturo si Piolo Pascual sa mga bisita.
Tiningnan ko siya ng masama. "Bakla ka ba?"
"Hindi noh! Sorry. Nadala lang ng bugso ng damdamin. Grabe kasi ang party na ito. Dinaluhan talaga ng mga pulitiko, mga artista at mga businessman," tugon niya.
"Sir!" sigaw ng isang pamilyar na tinig. Humarap ako sa direksyon kung saan ko narinig ang pamilyar na boses. Bigla namang sumalubong sa akin ang nakangiting si Julia kasama si Jerome.
"Oh, Julia..." bati ko sa kanya. "Imbitado rin pala kayo."
"Oo naman. Kami pa," sambit ni Julia.
"Oo nga pala, Julia, Jerome. Ito ang kaibigan kong si Neil Coleta. Neil, ito ang mga estudyante ko. Si Julia Montes at Jerome Ponce," pagpapakilala ko sa kanila.
"Nice to meet you guys! Ako pala ang matalik na kaibigan nitong sir niyo. Nakalimutan niya kasi banggitin iyon," singhal ni Neil. Diniinan niya talaga ang pagkakabanggit sa 'matalik'.
"Self-proclaimed," pahabol ko naman.
Sinamaan ako ng tingin ng loko. Pakialam ko sa kanya.
Maya-maya pa may nagsalita na. Tapos tinawag na yung isa pa sa sakit ng ulo ko na si Ms. Bernardo. Speaking of her, nairita ako sa kanya nung nagkita kami sa boutique kanina. Sagutin ba naman ako ng pabalang sa harap ng kaibigan ko.
Tumatae. Bwisit lang.
Napapahiya talaga ako nang dahil sa kanya.
Lumipas ang ilang minuto at nagpakita rin si Ms. Bernardo sa mga bisita niya.
Nasa tuktok siya ng staircase kung saan makikita siya ng lahat. Naka-dilaw na damit siya at dahan-dahang bumaba ng hagdan. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Bigla na lang kasi bumilis ang kabog ng dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Love Game (Song #1)
RomanceWhen delinquent student, Kathryn Bernardo found solace in her English teacher's arms, a dangerous love game begins.This is a story of two broken people living caged in their past with two mysteries to solve and a love that would save them both. For...