-ANNE-
Pag gising ko, nasa kwarto na ako ng bahay ko. Wala ako masyadong maalala sa nangyari kagabi. Chineck ko cellphone ko at may nakita ako sa sent messages.
'Uy Jas, inuwi ko na si Anne sa bahay nila kasi may nangmamanyak sakanya at isa lasing na. Wag kana masyadong magtagal jan. sge ingat pauwi. -Kev'
Hala. Ano kayang ginawa ko kagabi?! Wala talaga akong maalala eh..
10:47 naaaaaa!!!!!! Late nako!! Teka bat di ata ako sinundo ng Kevin na yun?! Hmm...
Pagkarating ko sa school at pagpasok sa room, yessss! Tulog yung prof namin. Tulog din si Kev at yung iba may kanya-kanyang mundo.
Kahit na di ako nahuli, bat nga ba talaga ako di dinaan ni Kev sa bahay? Wala ding kahit isang missed call. Ah basta! Galit ako sakanya.
Vacant na namin. Iirapan ko sana kaso kanina ko pa siya hindi napapansin.. Baka may ibang pinuntahan.
"Anne, tara sa tambayan?" Niyaya ako ni Jas.
"Sige ba"
Magdamag kaming nagkwentuhan dun at kahit anino ni Kev hindi nagpakita. Kaso may natanaw ako. Si Kev ba yun? Tama ba ang nakikita ko na may ka HHWW siya?! (Holding Hands While Walking) at papunta malapit saamin. Mukang ipapakilala niya.
"Hi Jas at Annetot"
"Hello! Sino siya?" Tanong ni Jas. di ko pinapansin si Kev at tinititigan ko nalang yung kamay nila. Oo, kinikilig ako sakanila. Sa sobrang kilig ko, kumulo dugo ko.
"Siya pala si Cheska. Nililigawan ko" sabay ngiti saamin.
"Hi Cheska! Nice to meet you." Sabi ni Jas. Nakatingin padin ako sa kamay nalang kulang nalang eh langgamin.
"Hi din!" Sabi ni Cheska.
"Hoy suplada. Baka may gusto kang sabihin dyan?" Sabi ni Kev.
Suplada?! Kapaaaaaal.
"Meron. Sana alagaan mo tong kaibigan ko at sana naman magtagal kayo ng sobra kung sakaling maging kayo. Una nako ha. Di maganda pakiramdam ko eh. Bye."
"Hayaan mo na yun Ches. Ganun talaga siya."
Habang pauwi na ako, andaming tumatakbo sa isipan ko. Bakit kaya never niyang namention si Cheska at nililigawan na pala. Nung una akala ko nainis ako dahil sa pagpapakilala nanaman niyang 'Annetot' sakin eh. Pero hindi yon.
Tama ba to? Itong nararamdaman ko? Hindi.. Hindi ako pwedeng magselos. Una, bestfriend ko lang siya at yun din tingin niya saakin. Pangalawa, walang chance na magkagusto siya sakin. At pangatlo, tigilan ko na to. Kasi hindi tama eh. Hanggang bestfriends lang kami at dapat tanggapin ko yun. Hayyy.....
-KEVIN-
Bat kaya nagka ganun yon? Anong problema nun? Ah sh*t. Nakakimutan ko mag sorry kasi di ko siya nasundo. May dahilan naman pero ako eh. Late nadin ako kaya nabilisan ko yung andar ng kotse. Nung pagbaba ko, sakto naalala ko siya eh late nadin ako kaya tinext ko. At sakto din wala pa akong load! Sana mapatawad niya ako. Antanga ko.
Naalala ko yung nangyari kahapon sa tambayan.... Bakit ganun nalang kaya bigla yung reaksyon niya? Bakit parang nagse... Se.. Nagseselos ang bestfriend ko?!
Ay hindi yan.. Nag iilusyon lang ako. Di yun. Isa pa di naman ako gusto nun eh. Siya lang naman ang pinaka gusto ko kaso ayokong sirain tong friendship namin. Baka mawala siya pag nasaktan ko siya. Ayoko namang mangyari yun. Ayaw ko na makita siyang umiiyak o nasasaktan.
Kaya hindi. Manliligaw nalang ako kay Cheska at baka sakaling mawala ang nararamdaman ko kay Anne..
BINABASA MO ANG
Paano Na Kaya?
FanfictionAnong pipiliin mo? Maging isang hamak na bestfriend nalang na maasahan niya lagi pero lagi kang nasasaktan at umaasa ng hindi niya alam. O maging kanyang girlfriend para lang makuha yung hinahangad mong pagmamahalan pero pag dumating sa punto na mat...