When a Gangster Have a Baby Unexpectedly (One Shot)

3.7K 37 2
                                    

sa offline readers sana magkatime po kayong magleave ng comments pagkatapos sa wall kopo sa wattpad

do not copy, do not redistribute, do not plagiarize, do not print and sell, cause this is a private property of the author Shiningstarinheaven

Enjoy reading guys <3

When a Gangster have a baby Unexpectedly

PROLOGUE.

Paano pag ang isang Gangster na walang modo

walang pakielam sa paligid o sa mundo

walang Alam kundi manakit o mang asar

Isa ding Cassanova

Umasa nalang sa iba at sa magulang

Mahilig sa away o gulo

May hikaw at mahaba ng konti ang buhok

May mga Bisyo at gustong mag isa

AY mag karoon ng isang malaking Responsibilidad

MABABAGO kaya nito ang buhay ng isang gangster?

O

Magiging SALOT lang dahil mas LALALA lang ang UGALI ng GANGSTER na ito.

---

Si John David Aris o mas tinatawag na JD ay isang 4th year highschool student sa isang kilalang paaralan, oo gwapo siya mayaman, may dating, ma apeal, at ma charm lahat yan katangian niya ngunit isa lang ang kinaaayawan sa kanya ang pagiging isang GANGSTER.

Kahit ganun sha isang babae ang baliw na baliw sa kanya sha si Andy Portales isang Scholar sa magandang paaralan na to, Nag sikap siyang makapasok sa magandang paaralan nato hindi dahil maganda at mga kilalang tao lamang ang pumapasok kundi dahil lamang kay JD

Sabihin ng Desperada na tong babaeng to, ngunit wala na tayong magagawa dahil si JD lang ang tinitibok ng puso ni Andy mula nang unang makita niya si JD sa kanyang paboritong Bar na saktong pinag tatrabahuhan niya bilang isang waitress, nahumaling na talaga sha sa kagwapuhan at kisig ng pangngatawan nito

Na kahit alam niyang isang gangster ang kanyang napupusuan hindi niya iniisip at wala shang pake doon

At kahit alam nitong Imposibleng magkagusto ang isang tulad ni JD sa kanya, nakatatak na sa isip nito na wala namang mawawala kung susubok

TAMA nga naman pero para sa iba KABALIWAN na ang ginagawa ni Andy

Wala na ang magulang nito kaya naman wala ng gumagabay sa kanya, isa lang ang taong gumagabay dito si Sky russle Saavedra

Si Sky russle Saavedra ang kanyang bestfriend simula ng mawala ang mga magulang ni Andy mayaman sila Sky

Pero kahit na mayaman pa sila mas pinili nitong maksama ang bestfriend nito sa isang apartment na malaki kahitv dadalawa lang sila doon ay pinayagan siya ng magulang niya dahil kilala naman nila si Andy

Mabait na bata ito at lalong lalo na maaasahan at mapag kakatiwalaan sa murang edad niya ay kayang kaya na niyang mag trabaho

PAANO KUNG MAGKATAGPO NA ANG MGA MUNDO NILA ANO KAYANG MANGYAYARI :) basahin at alamin.

---

Chapter 1

Pababa na si JD ng hagdan " Hey Mom Gonna Go" pasupladong sabi niya sa kanyang ina, Nasanay na ang ina niya sa ganung attitude ng kanyang anak

Susuutin na ni JD ang helmet niya ng " Psst anak , please naman wag ka ng sumakay jan sa motor mo mag Car ka nlng madaming nadidisgrasya jan eh reckless Driver ka pa nmn napaka bilis mong mag patakbo" sabi ng kanyang ina

When a Gangster Have a Baby Unexpectedly (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon