Through THICK and THIN ♥

69 0 1
                                    

(a/n: Hindi nga po pala 'to about sa magsyota. Napagpasyahan kong gumawa ng story about sa friendship. Well based na rin 'to sa buhay naming magkakaibigan. Sana po magustuhan niyo. Napansin ko na po kasing lagi nalang romance ang meron. Bakit di tayo gumawa ng story about friendship diba? Para maiba naman.) :)

Magandang magkaroon ng commitment.

Yung feeling na laging merong nandiyan para sa'yo.

Yung alam mong matatakbuhan mo lagi.

Yung alam mong laging nandiyan lang sa tabi mo.

Yung pwede mong iyakan sa oras na nalulungkot ka.

Pwede mong makasama sa hirap at saya.

Pero ang pinaka maganda sa lahat ng commitment ay FRIENDSHIP. 

Dito tayo natututo ng mga bagay sa mundong ito na hindi napapag-aralan sa paaralan. Maski sa sariling bahay. 

Ano nga ba ang ibig sabihin ng FRIENDSHIP?

Well, siguro naman alam nating lahat ang difference ng FRIENDS sa TRUE FRIENDS diba?

Ang friends: 

Sila yung kumakatok sa bahay mo bago pumasok.

Sila yung magpapaalam muna bago humingi ng pagkain mo.

Sila yung hindi ka kayang batukan, murahin, sipain in short, BUGBUGIN.

Sila yung mga taong kailangang ipaalam muna sa'yo bago kumilos.

Pero ang true friends ganito:

Sila yung tipong magugulat ka nalang na nasa kwarto mo na.

Feel na feel na bahay nila.

Tapos sabay sabing "I'M HOME".

Tapos feeling nila, magulang na nila yung magulang mo.

Yung walang hiyaan.

Walang taguan ng nararamdaman.

Yung talagang nakakakita ng tunay na nararamdaman mo.

Kasi di naman natin maipagkakaila na minsan sa buhay,

kailangan nating ngumiti kahit sa totoo lang nasasaktan na tayo. :)

AT HIGIT SA LAHAT,

Nandiyan para batukan ka,

bugbugin ka,

murahin ka,

tapos mararamdaman mo nalang na sa dinamidami ng mga kaibigan mo,

sa oras ng pighati,

sila lang ang matitira na nandiyan sa tabi mo.

Ganun naman talaga e.

Na sa mismong UTOT palang nila kilala mo na kung sino. :D *grin*

Through THICK and THIN ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon