Chapter 19
[Marjorie's POV]
Umuwi ako ng may malaking question mark sa ulo ko. At bukod sa question mark eh may pagkadami-dami ding exclamation point. Loko yung gumawa nun. B*tch ah, mas b*tch sya >___<"
Pero hindi ko talaga maisip kung sino ang gumawa nun. Wala naman akong kaaway eh.
Lumabas na ako ng gate at nakasabay ko pa si Bryan. Naku po, lalong madadagdagan ang exclamation point ko nito.
"Ganda!" tawag nya at alam kong ako yun dahil wala ng ibang tao dito. Alangan tawagin nyang 'ganda' si manong guard? =_=
Pero hindi ko sya nilingon at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Oy ganda. Ganda ganda ganda!"
Naku naman, hindi ba to titigil? Ayokong manapak ng kaibigan.
Tsaka ganda? Ganda tawag nya sakin? Bakla talaga to!
Mas binilisan ko ang paglakad pero naririnig ko pa din sya.
"Gandaaaaaaa! Ah ayaw mo ng ganda? Sexy na lang. Sexyyyy..."
Ewww, ang perv nitong taong to >.<
"Ay ayaw talaga lumingon ah. Ganda! Mas okay yung ganda, di ka naman sexy eh. Wuhahahaha."
Loko to ah! Argggh >___< konting tiis Marj. Inhale exhale....
"Hoy! Ganda! Ayaw mo talaga ah... Panget! Panget panget panget! Pangeeeeee---"
"Ano bang problema mo??!!" sigaw ko sa kanya at hinarap ko sya. Nakakainis na eh.
"Ay high blood? Tsk tsk. Ikaw ano problema mo? Ang panget mo pag galit ka eh."
"Kung ayaw mong pumasok ng may black eye bukas, tantanan mo ko. PLEASE." at tinalikuran ko sya tsaka naglakad na ulit.
"Okay seryoso na. Hindi na ko mang-aasar. Ano ba nangyari sayo?" sabi nya at sinabayan nya akong maglakad.
"Tss, eto oh." sabi ko at inabot ko sa kanya yung lukot lukot ng sticky note na nakalagay sa locker ko.
"Eh? Hindi ako b*tch ah. Errr." at binalik nya sakin yung sticky note. Nahawa na yata kay Megan to.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]
Teen FictionMay pag-asa bang magkagusto sayo ang taong matagal mo ng gusto? O isa lang ito sa mga pantasya ng mga kababaihang lubos na nagkagusto sa isang tao? "Bakit hindi ako crush ng crush ko?". Yan ang kaisa-isang tanong na gustong masagot ni Marjorie. Masa...