Christian's POV
"Flight number LA0316 now arriving at LAX Los Angeles International Airport"
Haaayyy! Finally nakarating na din ako after 1234567816 hours I've reached my final destination. Ang ganda naman dito nakakaaliw, napakagara ng ng kagamitan napakahi-tech hindi kagaya sa pilipinas napakalimitado lang ng kagamitan. Marami sa atin mga asyano ang pumupunta sa ibang bansa para mag-enjoy pero ako pumunta ako dito para makatulong sa aking pamilya sa pilipinas para makapagtapos ang aking mga kapatid sa kolehiyo at para din bisitahin ang aking girlfriend.[Sa Apartment]
Hay! Napakalamig naman dito. Di tulad sa pilipinas napakainit "Summer all time" Ang mga damit na ginagamit namin don ay karaniwan lamang di tulad dito balot na balot ka ng makakapal na damit. Haaayyyy...! Ang hirap rin palang malayo sa pamilya mo.
(Knock! Knock! Knock!)
Wala naman akong kakilalang tao dito ha? Sino kaya yon? "Sino yan?" Aisst, I mean "Who's there?"
"Good evening, how may I help you?"
"Good evening too. Nakita kita kaninang paakyat kaya sinundan kita dito kasi nahulog mo yung wallet mo."
"Nagtatagalog ka? Pilipino ka rin? Maraming salamat ha..
"Oo pilipino dib ako, walang anuman.
Salamat sa diyos at may kapitbahay akong pilipino.
"Ako pala si Jason, ikaw?"
" Christian nga pala, anong unit ang room mo?"
"Katabi lang ng unit mo. Bago ka ba dito Christian?"
"Oh, kakarating ko nga lang dito"
"Ah, so ano palang ginagawa mo dito sa L.A?
"Nandito ako upang magtrabaho at bisitahin yung kasintahan ko, alam mo naman tayong mga filipino, nakagawian parin natin ang mga kultura ng ating mga ninuno. Haranahin muna natin ang mga magulang bago ang anak"
"Ah, so ang isang rason mo dito ay para bisitahin ang pamilya ng kasintahan mo?"
" Oo, pasok ka muna at magkape para narin makapagkwentuhan tayo"
"Maraming salamat. May gagawin ka ba bukas?"
"Wala naman, bakit?"
"Gusto ko sanang ayain, may gaganapin kasing Flower Festival sa City bukas."
"Ganun ba? Tiyak na mag-eenjoy ako diyan. Iyan ba yung parang feista sa atin?"
"Oo ang pagkakaiba lang ay sa pilipinas kapag may feista ito ay konektado sa mga santo na pinaniniwalaan ng bawat lugar katulad ng Sto. Niño Festival ng Cebu, Dito kasi hindi lahat ng tao na namumuhay ay naniniwala sa Panginoon kaya yung Festival nila dito ay hindi nagpapahayag kung ano ang pinaniniwalaan ng mga tao. Basta ba't mag-eenjoy ang lahat"
"Oo nga pala, hindi pala lahat ng tao dito ay katoliko. Hindi tulad sa atin 50% ng pilipino ay katoliko. Dito ba may mahal na araw silang ipinagdiriwang?"
"Wala. Yung iba oo, kaso dito kasi malaking porsyento ng mga tao dito ay Athiest yung walang pinaniwalaan panginoon? Inererespeto kasi ng gobyerno ang paniniwala ng bawat isa dito."
"Malaki talaga ang pagkakaiba ng kultura natin dito noh? Sa atin kasi tuwing mahal na araw ang mga tao ay nagdarasal at nagpepenitensiya sa pagkamatay ng ating diyos na si Jesus Cristo at nagdiriwang naman pagka linggo sa muling pagkabuhay ng ating diyos"
"Tama ka Christian. Nakakamis talaga ang ating bansa. Kailan ka ba magsisimulang magtrabaho?"
"Sa susunod na linngo pa, bakit?"
"Sa darating na sabado kasi may pagtitopon-tipon ang mga Filipino, ipakilala sana kita sa kanila. Tiyak mag-eenjoy ka."
"Talaga? Marami talagang salamat Jason. Hulog ka sakin ng langit"
"Walang anuman, basta para sa kababayan ko, Tulong-tulong lang tayo"
"Maraming salamat sa pag-imbeta mo sa aking magkape. Kinalulugod kitang makilala."
"Walang anuman, maraming salamat din"
"Napakagaan sa loob ng malaman kong may mga pilipino din akong masasandigan dito. Sana makilala ko pa silang lahat"
Pagka-alis ni Jason, naisipan kong magligpit-ligpit muna sa aking mga kagamitan, ng may narinig ako..
(Ring.. Ring.. Ring..)
"Hello Chan? Kumusta ka na? Kumusta ang byahe mo? Kumain ka na ba?
"Hi babe, okay lang, oo kumain na ako may nakilala akong pinoy dito sa aparment na tinitirahan ko. Napakabait niya. Ipakilala ko siya pagnagkita tayo. Kumusta? Alam ba ng magulang mo na darating ako?
"Oo alam nila. Inaasahan ka nila sa linggo. Sana makapunta ka.
"Ill be there, ganyan kita kamahal, gagawin ko ang lahat upang magustuhan ako ng magulang mo."
"Mahal din kita. Salamat, ill be expecting you then"
"Okay walang anuman. Mag ingat ka diyan"
"Ikaw din, Christian"
Nakilala ko na ang mga magulang ng girlfriend ko at salamat sa diyos nagustuhan naman nila ako. Nakakuha na sila ng mga cultura sa mga dayuhan gaya ng pagsasalita nila at ang iba pa pero kahit ganun dala dala parin nila ang kaugaliang asyano. Ito ang nagustuhan ko at dapat ipagmalaki bilang asyano. Ang pagiging "hospitable" natin, maraming ibang tao sa ibang bansa ang gusto ng ganitong kaugalian mas madaling makahanap ng trabaho at magkaroon ng kaibigan. At ang "Fighting spirit" natin ay nasa to the highest level hindi tayo ganun kadali sumuko sa mga bagay bagay as what other people say "Filipino's are hardworkers". Kaya ko ipinagmalaki ng lubusan ang pagiging asyano ko dahil isa ito sa pinakamagandang lahi sa buong mundo. Amerikano, Europeyo at Australyano. Sa dinami-rami ng mga lahi sa mundo, masaya na ako na ako ay isang Asyano. Hindi man kasing puti ng mga australyano at kasing-galing mag-ingles ng mga amerikano, kontentong kuntento na ako bilang isang asyano. Masiyahin, pala-ngiti, mababait at magaganda ang trato sa kapwa ay ilan lamang sa mga katangian at kaugalian ng mga asyano na tulad ko.
BINABASA MO ANG
Pagpapahalaga bilang Asyano
Random"Masiyahin, pala-ngiti, mababait at magaganda ang trato sa kapwa ay ilan lamang sa mga katangian at kaugalian ng mga asyano na tulad ko."