Chapter 7-- Pinaka-masayang vacation

261 14 5
                                    

Chapter 7—Pinakamasayang vacation

 Kamille’s POV 

Pagkatapos naming mag-gala ni Errol kahapon, napadalas na yung pag-uusap namin sa phone. Pero syempre, hindi naman puro sweet thoughts yung pinag-uusapan namin, puro tungkol kay Shiela. I have this feeling na mukhang interested na siya kay Shiela. Pag nagkataon na tama ako, mission accomplished na! 

I'm feeling sexy and free

Like glitter's raining on me

You're like a shot of pure gold

I think I'm bout to explode

Si Errol na naman ba ‘to?

Ay, hindi. 

Incoming call..

Daddy 

“Hi Daddy!”

 [“Hi baby! Kamusta?”] Na-miss ko talaga ang boses ng dad ko.

  “Okay lang po. Kayo po? Kailan ka po uuwi? “

 [“Secret. Haha.”] Pagbibiro ni dad. Ang daya naman.

 “Naman eh. I miss you daddy!”

 [“I miss you din baby. Sige. Ingat ka lagi dyan ha. Nandito na kasi yung mga ka-meeting ko. 'Wag pasaway kay manang okay?”]

 “Yes dad! Ingat din po dyan!”

 *call ended*

 Mas lalo kong namin si daddy pagkatapos ng tawag niya. Sobrang nabitin ako, pero mas okay na rin iyun kaysa hindi siya magparamdam sa akin.

 Pagbaba ko naman, nakita ko agad si Kuya.

“Kuya! Kailan ka pa dumating? Kala ko dun ka na titira sa Condo mo eh.“ sa totoo lang, nagtatampo talaga ako.

“Syempre naman, dito ko magc-Christmas eh. Ayaw mo ba?”

 “Syempre gusto! Hahaha. Ay kuya! Nakausap ko si daddy!” tuwang tuwa kong ibinalita kay Kuya ang pagtawag ni Daddy.

 “Talaga? Ano sabi? Kailan daw siya uuwi?” Kahit si kuya eh halatang namimiss na din si dad.

 "Secret daw eh. Ang gara.”

“Hayaan mo na Kamille. Uuwi din yun.” Saka niya tinap yung ulo ko.

I'm feeling sexy and free

Like glitter's raining on me

Nung narinig ko yung ringtone ng phone ko, tinignan ko agad. Baka kasi si Daddy ulit eh. Pero, si Errol lang pala.

“Kuya wait sasagutin ko lang ‘to” pagpapaalam ko naman sa kanya

 “Sure. Go ahead.”

“Hello.”

[“Hi. Kita tayo sa park.”] Oo, tinuruan ko na siya mag-hi at hello. Nakakatuwa dahil ginagawa na niya.

“What time?”

 [“Mga 2pm uli. Sige bye.”] Ako din nag-turo sa kanya mag-goodbye.

My Love Messenger (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon