A/N
Hi guys! Eto na! Eto na talaga yung simula ng lahat! Maraming nangyari kay Alie at sa mga kaibigan niya three years ago. She met his unrequited love na si Lloyd na di niya talaga akalain na magkakaron siya ng ganong feelings para sa lalaking yon.
Eh after three years?
Ano na kayang balita sa kanila?
Kay Jerome at Lacey?
Sa dalawang manliligaw ni Alie?
Kay Caleb at Raian?
Sa career ni Alie?Well eto na! Di ko na kayo bibitinin!
--------
Chapter 19: Three Years AfterMarami na ang nagbago sa akin three years after akong grumaduate. Tulad na lang nila kuya at Popsie, di na sila umalis pa ng bansa para magtrabaho. Wala na naman daw kasing pag-aaralin pa dahil graduate na ako at may trabaho na din ako, well di lang trabaho, mga trabaho!
Si kuya, Area Manager ng isang resto. Ang laki ng sweldo niya dun kaya kahit papano, nakakapundar na siya at may sarili na din siyang bahay at kotse. Pero dito pa din siya umuuwi. Binili niya lang yun para pag kinasal na daw siya. Eh paano, di pa nga siya nagkaka girlfriend ulit? Well, advanced mag-isip.
Si Popsie at si Momsie, may sari sari store na sila. Don sa labas ng subdivision namin. Lahat ng napundar kasi ni Popsie at naipon ni Momsie ginamit nila sa pagpapatayo ng tindahan.
Ako? Well, may sarili na rin kaming office nila Lacey at Jerome. Nakapasa kaming tatlo sa board exam kaya ayun, nagtuloy tuloy ang grasya. Marami na kaming client at marami ang nagpapa design sa amin. May mga taga real estates, hotel, at bahay ng mayayaman at artista. Eto nga may pupuntahan kaming meeting ngayon.
May bago kaming client, and bagong kasal sila. Actually mejo matanda na itong client namin, pinay na nagpakasal sa isang briton. Dito nila gustong manirahan para malapit sa pamilya ng babae. Mayaman naman sila pareho, kaya yung mga iniisip niyo jan ah! Walang umahon at inahon. Parehas silang ahon, okay? Kaya ito, nagpapa design sila ng bahay sa amin.
"Jerome, bilisan mo nga baka ma-late na tayo!" Ang sabi ni Lacey sa nag d-drive na si Jerome.
Eto kami ngayon, buo again. Magkakaibigan. Hindi na nga pala pinagpatuloy ni Jerome ang panliligaw kay Lacey at si Lacey naman never pang nagpaligaw ulit sa kahit sinong lalaki. At si Jerome wala pa rin kaming nababalitaan na may nililigawan siya.
"Ano ka ba? Mabilis na nga to eh! Gano kabilis ba gusto mo? Gusto mo ba ma overspeed tayo para mahuli tayo? Edi male-late talaga tayo!" Sagot ni Jerome.
Ano ba yan ang aga-aga nag-aaway na naman tong dalawang to. Yun pa pala, after nung college kami, ganito na sila ngayon, di buo ang araw na nagbabangayan! I let out a sigh, gosh, di ba nila alam ang mga salitang make love not war?

BINABASA MO ANG
Hey Mister, It's a Love Letter!
RomanceA simple and carefree girl named Alie who started writing poems, compiled it and discovered by a publisher that lead her to her fame, because of an unrequited love. Because her name and her book made history, what would happen if the guy finds out t...