Chapter 12

9.9K 358 62
                                    

Chapter 12


Mina

Ang hirap talagang Paalisin nitong babaeng dragon na may lahing linta! Idinaan ko na sa pakiusapan, wa epek. Feeling pa nya na dyosa sya at nakikiusap sa kanya ang isang mortal. Idinaan ko na din sa sindakan, muntik lang kaming magpang-abot. Hindi lang nagpapahalata si Juaquin pero mukhang iritado na din sya. Hinahayaan na lang nya si dragona for the sake of world peace.

We ended up having dinner at Yvette's favorite restaurant, at libre pa nya ang lahat. Pinalabas kasi namin na nawala ang wallet at cellphone ni Rafael/Juaquin para kunwaring hindi sya pwedng magdrive. She tried to get rid of me, kung hindi lang talaga ako babalatan ng buhay ni Kat, kanina ko pa iniwan itong dalawang ito. Pero hindi ko naman magagawa yon sa bff ko. Kaya kahit kung ano anong insulto at panglalait ang naririnig ko, stay put pa din ako. Kung sya may lahing linta, ako naman may lahing tuko! Hindi nya ako basta-basta mapapaalis!

Alam ko naman na kayang i-handle ni Juaquin si Yvette. Madali din syang mag-adopt sa sitwasyon. At kahit na hindi sya pamilyar sa ibang mga sinasabi namin, in some ways, naiintindihin nya din ito. Malalim ang pagkatao ni Juaquin, matindi din ang pasensya at pagkaunawa. No wonder kahit na gaano kagwapo si bossing ay hindi umeepek kay Kat ang karisma nya. Juaquin is way more than Rafael. The problem is.... Hindi sya taga dito. Ancient nga e, from far far away.

Habang nag-intay kami ng order namin ay napansin kong pasulyap sulyap si Yvtte kay Juaquin. I can see that she's having doubts about her fiance. Kung tutuusin kahit na mahina ang utak ng isang tao, mapapansin talaga ang pagkakaiba nilang dalawa sa pag-uugali. The thing is, hindi din naman nya masasabi na hindi si Rafael ang katabi nya. Walang kakambal si Rafael o kahit kapatid si Rafael. Siguro sa ngayon ay mas lalo ng na-t-twist ang matagal ng twisted nyang utak because there's no way to explain his sudden change of attitude. Hindi din naman namin masyadong naipaliwanag kay Juaquin kung paano kumilos si Rafael dahil hindi naman namin inaasahan ang ganitong pagkakataon.

Kailangang makahanap na talaga ako ng paraan kung paano ko maitatakas dito si Juaquin. Ito namang si Juaquin, sa sobrang pagka-gentleman, hindi makuhang soplakin at iwanan si Yvette sa tabi!

"Yvette..." Sabi ko, but she cut me off

"That is ma'am Yvette for you." Umiral na na naman ang pagka-high and mighty ni senyorita! At ako naman nag-rorosey cheeks na naman ako sa inis! Tinaasan ko sya ng kilay.

"Teacher ka ba? Bakit kita kailangang tawaging ma'am?" Paismid na sinabi ko. She will never get my respect on the way that she's acting.

"Pilosopo ka talaga ano?!"

"Yvette." Pagsasaway ni Juaquin. She suddenly smiled sweetly at me at nung hindi na nakatingin si Juaquin at pinandilatan na naman nya ako ng mata.

"Pagkakain natin ihatid mo na kami sa office, sabi naman kasi namin sa inyo na marami kaming dapat pagusapan. Sa halip na magtrabaho kami ay kung saan saan mo kami dinala."

"And what made you think  na isasama ka namin pagkatapos ng dinner? It's already past office hours. Umuwi ka mag-isa mo at may lakad pa kaming dalawa."

A ganon?! Uutakan pa ako nitong babaeng dragon na may lahing linta?!

"Tama si Mina, kailangan naming bumalik sa opisina." Sabi ni Juaquin kay Yvette.

She looks at Juaquin incredulously.  "I really don't get you. Bakit kailangan mong magpadikta sa kutong lupa na yan?" Pigil na pigil akong ihilamos sa kanya yung umuusok sa soup sa harapan nya! Kung kutong lupa ako, sya lamang lupa!

"May itinatago ka ba sa kin, Rafael?" nawala ang pagkatweetums nya at lumabas ang pagkaimpakta nya. Feeling ko nga biglang may naglabasang kaliskis sa katawan nya.

Full MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon