When Love Says Goodbye (OneShot)

32 1 0
                                    

Written By: CoffeePrincess / msmikhamyx

Madalas may mga problema tayong kinakaharap, minsan parang gusto na natin sumuko pero dun tayo nagkakamali dapat nating itong harapin at lagi lang natin isipin na may bukas pa.Life is a choice.

Ito ang kwento ng isang babae na parang pinagbagsakan ng langit at lupa ngunit nagawa pa ring bumangon at nalagpasan ang kanyang mga problema.

************** 

Maaga akong nag-asawa. Age eighteen ay nagsama na kami ng boyfriend kong si Nico dahil nagdalang-tao na ako. Ayaw sana ng parents ko na magsama kami, ayaw pa rin nila na mag-asawa ako dahilsobrang mga bata pa raw kami ni Nico.

Kaso, itinakwil na si Nico ng parents niya at kamag-anak at wala siyang ibang matakbuhan kundi ako. Tinanggap siya ng buong angkan ko. Huminto kami sa pag-aaral hanggang sa makapanganak ako.

Naging mabait si Nico sa mga unang buwan ng pagsasama namin. Nang isilang ko na ang anak namin ay suwerteng nakatanggap siya ng trabaho sa Landmark department store.

Naramdaman kong naging inspirado si Nico dahil sa anak naming si Peter John ( pinagsamang pangalan ng tatay ko at daddy ni Nico ).

Naging responsableng asawa at daddy si Nico kahit hindi kami nagpapakasal. Laging buo ang ibinibigay niyang suweldo sa akin. Laging on time siya umuwi. Maayos na rin ang pakikisama niya sa mga kuya at ate ko at sa parents ko. Tiniis man siya ng mga magulang niya dahil sa pagkakamaling nagawa namin, nakatagpo naman siya ng bagong pamilya sa piling ng pamilya ko.

Nag-plano kami ni Nico na mag-ipon. At magpa-pakasal. Kaya nung five months na ang baby ko ay naghanap na rin ako ng trabaho. At natanggap ako bilang kahera sa SM Sta.Mesa.

Naging busy kaming pareho ni Nico. Sa umaga ay nagmamadali kami sa pagpasok sa trabaho, sa gabi naman, pareho na kaming pagod kaya wala na kaming panahon makapag-usap ng mas matagal. Magkaiba rin ang day-off namin, Miyerkules ako, siya naman Sabado. Mahirap rin. Minsan  napapaiyak ako. T____________________T

Masyado pa kasi akong bata para sa ganoong klase ng buhay na pinasok ko. Pero inisip ko na rin na para sa kinabukasan rin namin yon.

Isang gabi, tumunog ang cellphone ni Nico. Pinakialaman ko yon na tulad naman ng lagi kong ginagawa.

Pero shocked ako sa nabasa kong message.

Nico sleep na  ba u? ok, sweet dreams baby. Aga u pasok bukas para usap tayoif tuloy manood sine paglabas trabaho,ok? I love you…..”

Ginising ko agad si Nico at inaway. Pinaamin ko siya na girlfriend niya ang babaeng nag-text na iyon na ang pangalan sa phonebook ay Grace Baby. Nag deny si Nico pero maliwanag ang text. Sabi ni Nico, bakla daw si Grace Baby na may gusto sa kanya.

In-encourage ko na iwasan niya ang baklang iyon, kaya nga magpapalipat na raw siya ng section. Sa children’s wear siya at magpapalipat na raw siya sa men’s shoes section.

Pero araw-araw kahit busy ako sa trabaho, si Nico ang iniisip ko at ang Grace Baby na yun. Baka matuksosi Nico. Napaiyak ako ng palihim sa restroom kapag naiisip ko ang problemang iyon. Ganito pala ang may asawa, laging may pagluha.

Nalipat na ng section si Nico at naging panatag na ang loob ko. Pero nahahalata ko si Nico, laging naka-silent ang cellphone niya at nahuhuli ko siyang pasimpleng nagbabasa ng messages at patagong nagre-reply.

Hinuli ko siya. Pinakialaman ko ang cellphone niya at nadiskubre kong si Grace Baby pa rin ang nagte-text sa kanya. At marami pa akong nadiskubre. May relasyon na pala sila ng Grace Baby na yun.

 Napakaliwanag ng mga ebidensya sa inbox niya na sila ay magkasintahan.

 Inaway ko si Nico. Nagde-deny pa rin siya, na natukso lang siya. Naging madalas ang pagtatalo namin ni Nico, hanggang isang araw, ako mismo ang nakakita sa kanila ni Grace Baby. Sweet silang kumakain sa Pizza Hut at nagsusubuan pa sila.

Hindi bakla si Grace Baby, tunay siyang babae. Nag-eskandalo ako at sinabunutan si Grace Baby. Sobrang insecure ako dahil ang ganda-ganda niya.

Umuwi akong iyak ng iyak, pero si Nico, hindi umuwi ng gabing iyon. Imposibleng sa kanila siya umuwi, alam kong hindi doon.

Pwedeng sa bahay nila Grace Baby, dahil napag-alaman kong marami palang bakanteng kuwarto ang mga paupahan nila, pwedeng doon niya pinatuloy si Nico.

Naging malamig na ang pagsasama namin. Kung kalian lumalaki na ang baby namin. Pakiramdam ko, ipinapasan na sa akin ang  pinakamabigat na krus na hindi pa pinapasan nino man sa mundong ito. Ang sakit-sakit pala talaga na saktan ka ng pinakamamahal mo.

Hiniling ko sa diyos na mawala na ang pag-ibig ko kay Nico. At hindi ko sukat akalain na mawawala nga. At dahil doon, naging malamig na rin ang pakikitungo ko sa kanya.

Matabang na matabang na ang pakikitungo ko sa kanya sa bahay.

Kaya namagitan na sa amin ang mga magulang ko.

Kinausap kami na kung hindi na namin mahal ang isa’t-isa at kung talagang si Grace Baby ang mahal ni Nico, palayain ko na sya, tutal hindi pa naman daw kami kasal. At talagang mga bata pa raw kami, magbabago pa raw ang mga damdamin namin.

Napakasakit sa akin isipin na magkakahiwalay kami ni Nico, sa kailaliman pala ng puso ko ay may natitira pang pagmamahal.

Pero nang aminin ni Nico sa akin na nagdadalang-tao na si Grace Baby, ay nakalimutan ko nang masaktan. Gusto ko na siyang palayain agad. At ginawa ko nga.

Puro luha ang mga unang araw, lingo at buwan  ng paghihiwalay namin ni Nico. Ni hindi nga siya nangako na susuportahan niya ang anak namin.

Talagang walang kuwenta ang lalakeng yun! Kaya nga sabi ng mga magulang ko, tumigil na raw ako sa kaluluha kay Nico. Bumangon na raw ako. Mag move-on.

Tama ang mga magulang ko, hindi ko dapat ubusin ang luha ko sa isang walang kuwentang lalake. Pinilit kong kalimutan si Nico, huwag panghinayangan na nawala siya sa buhay naming mag-ina. Mag-isa  kong pinalaki ang anak namin, sa tulong ng mga magulang at kapatid ko.

Ang anak ko ang naging inspirasyon ko para lalo akong magsikap.

Wala na akong pakialam kay Nico, pero may nakakarating sa akin na balita na nagsisisi si Nico na nagpakasal siya kay Grace Baby, ang pangit daw ng ugali nito, selosa at eskandalosa. Medyo natuwa ako sa nabalitaan ko, kasi habang nagdurusa siya, ako naman ay nakabangon na. Buti nga sayo, Nico!

Two years old na ang anak ko nang makilala ko si Hertz, ka-trabaho ko rin sa SM. Nag-umpisa kami bilang magkaibigan at naging sobrang close. Alam niya ang pagkatao ko, at ang nakaraan ko. Tito Hertz na ang tawag ng anak ko sa kanya.

Niligawan niya ako at inalok ng kasal. Hindi ako makapaniwala. Pero sa umpisa pa lang ay parang may kakaibang damdamin na ako sa kanya, pero hindi ko ipinahalata dahil nga sa nakaraan ko.

Tinanggap siya ng mga magulang at kapatid ko. Pinahinto ako ni Hertz sa trabaho dahil pinag-aral niya uli ako sa college. Third year college na ako ngayon at nagwo-working student para huwag naman gaanong mahirapan ang asawa ko sa pagpapa-aral sa akin .

Sa ngayon happily married ako. May nakapagbalita naman ng tungkol kay Nico, na hiwalay na raw sila ni Grace Baby at napariwara na raw ang buhay nito, napasama na sa masamang barkada. So what? Paki ko sa kanya? Nagpaalam na ang pag-ibig ko sa kanya, matagal na. Si Hertz ngayon ang pag-ibig ko na dapat kong harapin buong buhay ko.

FINALE

When Love Says Goodbye (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon