Isa ako sa mga babaeng mahilig maghabol. Hahabulin yung mga lalakeng wala namang ginawa kungdi saktan lang ako. Mayroon kasing parte sa puso ko na baka marealize nila na worthy ako.
Bakit ba kasi paasa ang mga lalake? Lalandiin ka, papaasahin, bibigyan ka ng motibo pero kapag umamin ka na may gusto ka sa kanila, saka sila paunti-unting lalayo saiyo or worst – mawala na lang na parang bula.
Sa tatlong lalaki na hinabol ko, sya lang yung hindi ko sinuko. Paano ba naman kasi, mawawala sya tapos babalik ulit. Ang gulo nya rin eh, hindi ko sya maintindihan. Minsan iniisip ko na lang na baka kaya hindi nya ako maiwan-iwan kasi hindi nya ako kayang matiis, baka nagkikimkim lang sya ng nararamdaman para saakin.
Iniisip ko parin hanggang ngayon kung bakit nya ako iniwan. Masaya naman kami sa huli naming pagkikita. Siguro nga this is what you called a bitter sweet ending. Akala mo nagsisimula pa lang kayo pero huli na pala iyon, akala mo na ang saya-saya nyo na pero ikaw lang pala iyon, akala mo may 'something' na pero imahinsyaon mo lang pala lahat ng ito. Tapos na, wala na. Pero bakit ganoon? Ginawa ko naman lahat ng ginusto nya. Kung ano ang hiningi nya binigay ko, kung ano ang ayaw nya; hindi ko ginawa. Tapos nagawa nya parin akong iwan, iniwan ako ng walang pasabe; ng walang dahilan. He took advantage of me.
Pinanghawakan ko lahat ng pangakong binitawan nya, pinaghawakan ko lahat ng plano na gagawin naming dalawa. Pero nabigo na naman ako, nasaktan na naman ako. Hanggang dito na nga lang ba talaga ako? Ang masaktan; ang maiwan; ang umasa; at ang lumuha.
Pilitin ko mang alisin at itapon ang nararamdaman ko para sa kanya hindi ko magawa. Nagbabakasakali kasi akong baka bumalik na naman sya. Kumbaga, may nakareserve parin na lugar sa puso ko kapag dumating syang muli.
Isang buwan na ang nakalipas pero tandang-tanda ko pa rin ang lahat. Tandang-tanda ko pa ang mga yakap mong pakiramdam kong puno ng pagmamahal. Hanggang ngayon, ikaw parin ang laman ng ang aking puso at isipan. Siguro nga hanggang dito na lang talaga ako. mamahalin ka sa malayo, kung saan hindi ko tanaw ang likod mo.
BINABASA MO ANG
Trip To Baguio
RomancePaano kapag yung taong magmamahal sayo ng buong-buo ay katabi mo lang pala sa bus?