Written By: CoffeePrincess / msmikhamyx
Kadalasan nararanasan natin na masaktan kapag iniwan tayo na taong mahal natin at mahalaga sa buhay natin pero sa kabila nito ay may darating sa buhay natin na mas karapat-dapat at mas hihigit pa sa taong nang-iwan sa atin.
Kwento ito ng isang lalaki na nagmahal ng tapat ngunit hindi naging maganda ang ibinalik sa kanya dahil sa mga humadlang sa relasyon nila. Pero hindi dito nagtapos ang lahat dahil sa kabila nito ay may nakatadhana palang dumating para sa kanya.
************
Nagta-trabaho ako noon sa isang computer rental shop. Sa tapat ng isang college school. Yun ang unang trabaho ko three months pagkatapos kong maka-graduate ng college. Graduate ako ng kursong HRM pero wala pa akong mapasukang matino-tinong trabaho.
May regular customer kami, si KC, twenty nine years old, maganda, sexy at mapera. May business kasi, ‘yung may school paraphernalia tulad ng flashcards, pictures ng ng mga heroes and heroines, mga placards at visual aids.
Lagi akong binibiro ni KC na dapat may girlfriend na ako, para mas lagi raw akong inspirado. Lagi rin niya akong dinadalhan ng hamburger, at nililibre ng shake o kaya halo-halo sa restaurant na katabi ng pinagta-trabahuhan ko.
Napapansin ko ring naging affectionate sa akin si KC. Kapag may pawis ang noo ko, pinupunasan niya ito ng panyo niya. Kapag narinig niyang hindi pa ako pina-suweldo ay nag-o-offer siya ng pera, o kaya puwede raw akong kumuha ng mga paninda sa tindahan niya. May dalawang tindahan rin kasi siya. Hindi ko naman sinasamantala ang mga ino-offer niya.
Nag-isip-isip ako. May gusto ba sa akin si KC?
Nalaman kong walang boyfriend si KC, matagal ng walang boyfriend. At minsan lang nagka-boyfriend pero nagkahiwalay sila.
Naisip kong kung may gusto sa akin si KC, bakit ko pakakawalan ang pagkakataon na iyon?
BINABASA MO ANG
Shattered Dreams (OneShot)
Teen FictionRelate to sa mga iniwan ng mga mahal nila ng dahil sa parents. Kung mahal mo talaga ang isang tao hindi ka papayag na malayo ka sa kanya dapat mo siyang ipaglaban :) ( Konting tips lang hehe )