Grupo, tropa, classmate, co-worker o kakilala mo lang. Diyan naman nagsisimula diba? Sa simpleng kulitan, asaran, simpleng sulyap at titig.
Ayan tayo eh! Minsan sumosobra na, foul na. Hindi mo namamalayan unti-unti ka ng na-fall. Na-fall ka sa kaibigan mo na wala kang kasiguraduhan kung sasaluhin ka niya o hahayaan ka lang niyang mahulog habang siya ay walang malisya at kamalay-malay sa mga bagay-bagay at pangyayari na binubuo mo lamang sa malikot at malawak mong imahinasyon.
Masakit ba? Oo, malamang masakit. Tao ka! May pakiramdam ka. Sa ganitong takbo ng pangyayari ikaw rin ang talo kasi imbis na masayang mag-kaibigan kayo nilagyan mo ng titulo na isa siyang ka-IBIGAN mo.
BINABASA MO ANG
Paramdam ng katotohanan
RandomMga bagay na hindi natin inaakalang mangyayari. Pagkakataon na nasayang, napaglipasan ng oras at hindi napagtuunan ng atensyon. Mga senaryong nag papabalik ng mga ala-ala ng lumipas. Hindi man sinasadya pero pinagtatagpo ng pag kakataon. I...