idk, idc im making drama

28 2 0
                                    

Grade seven ako ngayon, ikaw din. Nasa Cubao ka, ako nasa Antipolo.

Magbestfriends tayo from fetus palang tayo. Joke lang. From grade one. Friendsary natin: June 8 or 9, 2009. Mga unang tatlong araw, kinausap mo na ako.

Kahit papano, nagka-memories tayo.

Kahit na naghiwalay na tayo nung grade three.

Lumipat kami ng school kasi nahihirapan kaming gumising ng maaga, e yung lilipatan namin panghapon ang grade three.

Naaalala ko pa na medyo wala akong paki nun (ano bang malay ko, di ba?), pero nalungkot ako.

Simula nun, madalang na tayo magchat, lalo na nung nag-grade four ako. Pero di pa tayo dyan.

Grade three. Namiss kita syempre.

Alalang-alala ko pa yung nadapa ka, grade two tayo nun, ang sungit sungit mo kaya. Nagkasugat ka sa tuhod.
Tinanong kita kung okay ka lang, haha, tangang tanong, no? Tas sabi mo mukha ba akong okay?! Lakas ng boses mo nun, haha. Tas may isang kwarto dun malapit sa gate tsaka sa Principal's office.
Ang dilim dun tas white board ang gamit nila tas yung mga upuan bakal na armchair---di pang taon natin.
Dun ka namin ginamot ng kuya ko. Tinanong kita kung may alcohol ka tsaka bulak, pero sabi mo wala! e, di sana gamit ko na ngayon? Taray mo, grabe.
Ang naaalala ko nalang sa susunod na nangyari yung nagsabi kami sa guard ng school na nadapa ka tas bingyan kami ng cotton tsaka alcohol, ang galing no, di kami tinulungan, pinanood nga ata kami e. :3 Tas yun, ginamot ka namin. Wala na akong maalala.

Eto pa, yung grade two din tayo.
Siguro nga di tayo masyado naging malapit nung grade one pero alam ko, bestfriend na kita nun. Lagi tayong kumakanta ng 'Time of my Life', grabe ha, inalala ko pa yan with the help of my brother, sabi ko sa kanya nung isang araw (oct. 12, '15 ng gabi bago kami matulog), sabi ko Lah, malapit na birthday ni Yshi! Gagawan ko sya ng sulat blahblahblah. Ay! May lagi kaming kinakanta nun e, basta, naaalala ko may 'feeling' na word sa title e. Ay, parang di pala, basta, may ka-title syang kanta sa mga kanta ni David Cook e. Tas napaisip si kuya, nakadaan ang ilang minuto tas naalala nya na, Time of my life? sabi nya. Ay, oo nga! Time of my life pala. Feeling amputa, hahaha. Ang layo pala ng sinasabi ko.

Yun, tas kahapon? Oct. 14, bago kami pumasok ng school nag-7-11 muna kami, tas what a coincidence! Time of my life ang pinapatugtog. Hahaha, ang galing! Nagkatinginan pa nga kami ni kuya e, tas bago kami lumabas ng 7-11, natapos na yung kanta tas tawa kami ng tawa ni kuya.

Oct. 12 palang, nagawan na kita ng sulat, maikli lang pero sumakit kaya kamay ko, isang punong front page lang ng page ng notebook, wala nang nakalagay sa likod. (pic sa taas)
Tas sinend ko sayo kahapon sa messenger. Sabi ko pa, gagawan kita ng isa pa. Kanina mo lang nakita, tas sagot mo? 'Salamat.' yan na yan yung sagot mo, tangina lang, sabay na ng pagda-drama ko maya-maya lang.

Ang haba-haba ng tinype ko, yung reply mo ang iikli. :3 Tas bigla ka pang nag-offline. (Ice, if you're reading this, yep, ikaw ang kachat ko ngayon tsaka ito yung sinasabi ko na nagdadrama ako sa wattpad, hahaha kahit na alam kong di ka mapupunta dito sa mundo ng wattpad haha. Ice is my other bestfriend's boyfie)

Nakakaasar lang talaga, yshi kasi parang minsan lang ako naging mabuti sa paningin mo, puro sermon ka kasi tsaka sermon, tas sermon, tas, ay, ano nga ba? Oo, yun, sermon. Minsan na lang tayo mag iloveyou-han.

Minsan pa yung paga-iloveyou-han natin, pakyu, pakyutu, ganyan-ganyan, hahaha. May mga heart emoticon pa nga e, tsaka yung cactus, tsaka yung kiss emoticon. :3 Sweet yun para satin hahahaha.

Tas pagkatapos ng 'Salamat' mo sa bati ko sabi ko sayo, ganyan ka pa rin, pagdating sakin wala kang gana. Sabi mo, ewan, di ko din alam kung bakit. Tss, lagi naman. tas yun sabi ko, okay lang, sge, bye. tas kala ko mahaba yubg itatype mo, tas kala ko magsosorbut I was wrong. sabi mo, ge, bye. Tngna. after 5-10 minutes nagreply ako.
'ano yshi, ako nalang lagi? lagi nalang ako yung nauunang magsorry, alam mo yon? nagmumukha akong kawawang aso sayo yshi. parang di bestfriend ang turing mo sakin pagnagkakatampuhan tayo. ako lagi yung mauunang magchat, magsorry, ako lagi nagdadrama, alam ko namang di ka mdramang tao yshi e, pero , di ka ba nasasaktan man lang kahit 0.01%? grabe ka naman, ni minsan di ko maisip o maimagine man lang na kaya mong sabihin mo nang personalan ang 'ikaw ang pinaka-bestfriend ko'. nakakainis na yshi, tas lagi nalang ako sinesermonan mo, pwede namang makipagusap ng maayos e. tsss, nakakasawa na maging wala lang sa paningin mo. di mo alam kung gano ako kakulang pag di kita nakakachat kahit saglit. buti nga nandyan pa rin si stephanie sa mga panahong nagkakatampuhan tayo e. pero kahit ganun? hinding hindi kita pinagpalit yshi, di naman ako makasarili pagdating sa kaibigan e, ang sakin lang, pahalagahan mo rin ako bilang bestfriend mo.'

'tas minsan sisingit pa si alexa pag gusto o kailangan kitang kausapin'

'minsan ko lang naman maramdaman na parang wala lang ako pero ang lungkot kaya.'

and your reply...

'Hindi ganun. Si alexa? Siya kasi yung kaibigan ko na palaging nanjan para sakin, tuwing may problema ako. Tuwing may kaaway ako. Tuwing umiiyak ako. Nanjan siya parati sa tabi ko kahit anong mangyari. Eh ikaw? Marami ka ng ngang problema, tapos dadagdag pa ko.'

'Kung wala ka lang para sakin, sesermonan ba kita? Ipaparealize ko ba sayo yang mga ginawa mong katangahan kay ano?'

Me: ang layo naman ng sagot mo.

You: Pano mo nasabi?

Me: yung unang msg mo, ang layo.

yung tungkol kay alexa, pati yung madami na nga akong problema tas dadagdag ka pa. ang layo.

hayyy, ayokong magdrama. pwede mo naman akong ipagpalit e, yung pagiging number one ko? pwedeng pwede. wag mo lang akong kakalimutan bilang bestfriend. kahit ako pa yung nasa pinakababa, sana wag mokong kalimutan bilang bestfriend.

offline ka na.

~okay, pag may new drama na ulit. -signing off, em. 8:25 pm.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Aalis ka rin naman, ba't 'di pa ngayon? [bestfriends drama story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon