Para po!

18 1 0
                                    

          Sumakay ka ng jeepney papasok ng school. Ang lame ng paligid. Typical na lang para sayo ang mga nangyayari. Walang bago. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon may makakasabay ka na magpapaliwanag ng umaga mo. Ang gwapo/ganda niya, ang linis niya at desenteng tingnan. Sa isang sikat na university  siya nag aaral, kitang kita sa lace ng I.D niya at logo ng polo niya.


          Woh! Sana sa tabi ko siya umupo, ito ang mga katagang nasabi ng iyong isipan. Unti-unti na siyang umakyat ng jeepney. Naging slow-mo ang paligid. Ultimo ang pagtalsik ng laway ng kaharap mo, slow-motion din. Yes! Ang swerte mo! Natupad ang iyong munting hiling. Bigla ka na lang na conscious sa kilos mo, sa galaw mo at sa ayos ng uniporme mong mukha ng sumabak sa mahabang labanan. Pinag papawisan ka ng malamig. Kinikilig ka pero hindi maaring mailabas dahil baka mahalata niya.


          Nagbayad ka, "Paabot po ng bayad" niliitan mo lang ang pag abot para siya ang kumuha. Nag tugma ang inyong mga kamay. Ang lambot ng kamay niya. Ang kinis ng balat niya. Yung mukha niya mas matanglaw sa malapit. Na-iinlove ka na. Feeling mo na para kayong nasa isang teleserye. Nagbayad siya. Hindi mo narinig kung saan siya bababa dahil busy ka sa pag papantasya mo sa kanya.


          "PARA PO!", bigla kang natauhan. Bumalik sa realidad. Unti-unti na siyang lumalayo sayo. Hindi mo na alam kung kailan ulit kayo magkakasabay. Nakatambay parin sa ilong mo ang kanyang pabango. Nakalarawan na sa iyong isipan ang kanyang mukha.  Sayang hindi mo nakita yung pangalan niya sa ID niya para ma search mo man lang sa fb. Ganyan talaga ang love. Lahat may katapusan. Mayroong hangganan. Darating ng hindi mo inaasahan at aalis ng biglaan.


Paramdam ng katotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon