Love does exist (One Shot)

215 3 2
                                    

Karen's POV

Ang akala ko noon, walang nagmamahal sakin. Ang akala ko, wala nang papansin sakin. Akala ko lang pala yon.

Ako si Karen Montenegro,16 years old. May lalakeng ayaw akong pansinin noon, in short, crush ko siya. Wala siyang pakealam sa mundo, parang laging galit sa mundo. Parang selfish siya. Nagpapapansin ako minsan sa kanya pero hindi effective. Magaling siyang mag basketball. Ngunit ang problema lang kasi sa kanya, yung ugali niya. Kaya nung time na yon, tinigil ko na ang nararamdaman ko para sa kanya.

May bestfriend akong lalake. Parang kapatid ko na kasi siya. Palagi kaming magkasama simula nung mga bata kami. Mga magulang kasi namin ay mag bestfriend kaya nagkakilala kami nung bata pa lang. Siya si Thunder. Ang one and only bestfriend ko.

Tinulungan nga niya ako noon nung magpapapansin sana ako sa crush ko. Pero nung time na yon, nakita ko ang crush ko na may kausap siyang iba. Noon ko lang nakita na masayang-masaya siya noon. Dun ako nasaktan. Ang akala ko, crush lang yung nararamdaman ko sa kanya, pero yun pala LOVE na ang tawag do'n. Nagseselos ako pero anong karapatan ko?

Doon din ako kinomfort ng bestfriend ko. Pero nagulat ako sa sunod niyang sinabi:
"Hayaan mo sana akong mahalin kita." - Thunder
"Pero magbestfriend tayo."
"Oo, magbestfriend tayo pero para sakin, more than bestfriend na ang nararamdamaan ko sayo. Torpe ako noon, pero nung nakita kita na nasasaktan at umiiyak dahil lang sa lalakeng yon, may lakas ng loob akong sabihin yon sayo dahil ayaw kitang masaktan at nahihirapan dahil lang sa lalakeng yon. Sana maintindihan mo ako. Mahal na mahal kita, Karen."- Thunder.
"Sana hindi mali ang desisyon na pumayag ako."
"Tinatanggap mo na?" Ngiting-ngiti niyang sabi.
"Gusto mong bawiin ko?" Pagbibiro ko sa kanya.
"Huwag na ah! Mahihirapan na naman akong mag explain. Hahaha!!" -Thunder.

Habang tumatagal, parang unti unti na akong nahuhulog sa kanya. Palagi kaming magkasama sa school, hatid-sundo niya ako, palagi niya akong pinapasaya. Hindi ko pa inaamin noon na nagkakagusto na ako sa kanya kasi di ako sure sa nararamdaman ko.

Ngunit, tinanong ko ang mga magulang ko. Ang sabi nila, sign na daw yun na naiinlove ka na sa isang tao.

Yun naman pala. Mahal ko na pala siya. Gusto ko na sanang sabihin sa kanya kaso natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit.

Nung time din na yon, doon na nagparamdam sa akin yung dati kong crush. Nag confess siya sakin na may gusto na daw siya sakin. Nagulat ako. Ang akala ko, wala siyang nararamdaman sakin noon. Inassure ko kung tama yung sinasabi niya. Seryoso daw siya.

Bakit kung kailan may mahal ka nang iba tsaka pa magpaparamdam yung first love mo? Nahihirapan tuloy ako ngayon. Nagulat ako sa sumunod niyang sinabi:
"Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo." -Crush
"Pero--"
"Wala nang pero-pero. Basta liligawan kita." Ngiting-ngiti niyang sabi.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung paano ko sasabihin kay Thunder na manliligaw sa akin yung crush ko.  Sinabi ko rin lang kay Thunder na nanliligaw na yung crush ko (noon).

Tumodo yung pagbabantay ni Thunder sa akin. Muntik na ngang mag-away yug dalawa eh.

June 2015, dun ko na sinagot si Thunder. Siya ang napili ko kasi siya ang mas matimbang. Sinabi ko na rin sa crush ko (noon) na si Thunder yung sinagot ko. Na dissappoint siya kasi nahuli na siya.
"Sana ako na lang ang naunang nagparamdam sayo eh hindi sana ganito ang magyayari. Nahuli na pala ako. May nakatira na pala diyan sa puso mo." Sabi niya.
"Kung hindi ako, marami pa naman diyan. Hindi lang naman kasi ako ang babae dito sa mundo. May makikilala ka pang mas better pa diyan kesa sakin." Sabi ko.
"Pero pag sinaktanka nung lalakeng yon, susuntukin ko yon at aagawin kita sakanya. Haha" pagbibiro niya.
"Hinding hindi ko siya sasaktan. Lalampasan namin lahatng pagsubok na darating sa buhay namin." -Thunder.

Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot si Thunder sa likuran ko at inakbayan ako.
"Dapat lang!" Sabi ng crush ko(noon) kay Thunder.
"Aalis na kami ng 'labs' ko" pamamaalam ni Thunder sa crush ko (noon).

Hindi ako makapaniwala na ang lalakeng kasa-kasama ko dati nung bata pa ako, siya pala ang magiging boyfriend ko, siya ang magiging mahal ko.. Siya ang magiging sandalan ko kung may problema ako. Sana hindi na lang ako naghanap ng iba. Nandyan na pala sa tabi ko ang 'DESTINY' ko eh.

I love him, now and forever.

----------------------------------------------------------

Hi! This is my first story. Uy! Ngayon lang to. Haha. Ge.. See yah! :*:*:*

Love Does Exist (One Shot)Where stories live. Discover now