Geanno’s POV
Hi. Ako nga pala si Geanno. At nandito ako ngayon sa Zambales beach. I won’t tell you where. Baka sugurin niyo ako rito. Hehe. Kidding.
Nakahiga ako ngayon dito sa may long chair malapit sa seashore. Ang solemn ngayon. Walang maraming tao. Ang saya pakinggan ng sound ng wave ng dagat. Haaay. Fresh air. :)
(We are never getting back together – Taylor Swift)
“I remember when we broke up, the first time
Saying ‘This is it, I’ve had enough’, ‘cause like
We hadn’t seen each other in a month
When you, said you, ‘needed space’, what?”
Amp*t*k. Sabi ko ba kanina ang solemn dito? Ugh. Scratch that. Ang babaeng ‘to. Hindi man lang nahiya kumanta sa harapan ko. Kunwari pang ayaw magpaiwan kanina, nagstay rin naman. Well, she has the option to leave naman ‘diba? Sumasayaw-sayaw pa siya. ¬_¬ Tinakpan ko na lang ‘yung mga mata ko using my one arm. What the hell.
“Then you come around again and say
Baby, I miss you and I swear I’m gonna change
Trust me, remember how that lasted for a day
I say, I hate you, we break up, you call me, I love you.”
Is it just me, or nilalakasan niya talaga ‘yung boses niya? I’m sorry guys. I don’t hate this girl, really. It’s just that, ayoko sa maingay. Naiirita ako. Everyone says mayabang ako, masungit. Well, sometimes, I admit that. Pero, honestly, those negative attitudes don’t fill my whole personality. Siguro pati ang babaeng ‘to, ano nga ba ‘yung name? George?, sinabi rin sa inyo na masama ako noh? Hah. Looks can really be deceiving. Mukha raw talaga kase akong mayabang and snob. Talk about first impressions. Ang harsh. ¬_¬ Try niyo muna kase akong kilalanin, then judge me. :)
“Oooooh, we called it off again last night
But oooooh, this time I’m telling you, I’m telling you
We are never ever ever ever getting back together
We are never ever ever ever getting back together”
“Hoy, tumigil ka nga diyan. Ang panget ng boses mo.” – ako.
“Tse. Mind your own business!” – George.
“Tell me, how could I possibly mind my own business kung ginugulo mo ‘ko rito?”
Ggh! Kinuha ko na lang ‘yung headset ko at nilagay ko sa tenga ko. ‘Di talaga siya nahihiya. Pinagtitinginan na nga siya ng two guys na medyo malapit sa pwesto na’min. Nagswi-swimming sila. May mga ibang girls din na nakatingin na sa’min. Sila naman ay nakaupo lang maybe 15 meters away from us. Hay, nako. Para siyang nagco-concert, sumasayaw-sayaw pa. Baliw talaga! Pero dahil nabanggit ko sa inyo ‘yung first impression, sasabihin ko sa inyo ‘yung first impression ko sa babaeng ‘to para naman kahit papa’no may ma-i-contribute ako sa kwentong ‘to. LOL. Siya ‘yung bida ata rito di’ba? Hah. Mali ata ‘yung napili ng author. Eng-eng masyado ng bida. Hahaha. Kidding sa mga fans niya diyan. Kung meron man. Hahahahha.
Nung nakita ko siyang pumasok sa bahay ni Lola Mercy, which is my Lola, nagbabasketball ako nun, nagulat ako. Akala ko kapamilya namin, ‘yon pala stranger. Dire-diretso ba naman pumasok eh. Aso lang? ‘Di marunong kumatok. Hahahaha. De joke lang. Seryoso, at first I found her attractive, kaso she’s not my type. ‘Yung pagpapayong pa lang niya, paglalakad, facial expressions, alam ko maarte na. Sorry, I’m such a critic. Pati ‘yung mata niya, parang cat’s eyes. Ang sungit tignan. Mukhang ‘di niya ako napansin nun. Dire-diretso lang siya sa front door eh. Dahil medyo malayo na ako sa kaniya no’n, nagbasketball na lang ulet ako. After a while, hindi ko sinasadyang matamaan siya ng bola. Siyempre nagsorry ako sa kaniya. Kaso, nagulat ulet ako. Eh pa’no ba naman, the way she talked, parang ang bait. Parang si Janella Salvador. Hoy, don’t call me gay. Napapanood lang ako minsan sa ‘Be careful with my heart’ dahil sa mga pinsan kong babae sa mother side. Basta! Gano’n magsalita si.. si.. George. Tama! George daw ang pangalan eh, sabi ni Xynon, ‘yung isa ko pang pinsan. So, ayun. Weird niya, bigla ba namang umalis agad. Eh plano ko nang umuwi nun. Tapos naiwan pa niya ‘yung payong niya. Hinabol ko naman siya para maibigay sa kaniya at uuwi na rin ako. Tapos, itanong ba naman sa’kin kung sinusundan ko siya. Hahahhaahaha. Sarcasm ¬_¬ So, gusto niyang palabasin na may gusto ko sa kaniya? Asa. Una sa lahat, ayoko sa mga maaarte. I prefer the simple ones. Ang mas nakakatawa, I caught her staring at me. LOL. Sino ngayon ang stunned sa aming dalawa. *Smirk
BINABASA MO ANG
Something Undeniable
Novela JuvenilMasungit/mayabang ‘yong lalaki; malambing ‘yong babae. Pero sa huli, matututunan pa rin nilang mahalin ang isa’t isa, even with the flaws in. Yep, you’ve read it right. Cliché ang story na ‘to. Don’t say you haven’t been warned.