A/N: Here's the Chapter 32! Hope you'll like it! Enjoy reading!
Quote of the day:
• Life is like a piano. Black keys represents sadness. White keys represents Joy. As you go through life remember that black keys make some music too.
*********
(Play the BGM at the top)
Aeign Zackrey's POV:
We're here at the cemetery. Today is... Czian's funeral. Father blessed her coffin after the mass. I took off my shades and wiped my tears. It hurts so bad. I can't let her go. Damn, I'm not yet ready to... set her free.
Maya-maya pa ay unti-unti ng lumulubog ang kahon sa harapan namin pababa sa lupa. Isa-isa na silang lumapit at naghulog ng bulaklak sa kanya.
"Zack, i-it's your turn." Pearl whispered while controlling her tears.
"I... I can't do it. I don't want to say goodbye. I'm weak." I said.
"Zack, sige na." Jewel said at sinamahan ako sa harap. As I placed my eyes on her coffin breaks my heart into thousand pieces. Oh God, hindi ko kayang makita siya. Nasasaktan ako. Hindi ko kaya unti-unti siyang binabaon.
Hinulog ko ang bulaklak sa kahong kinalalagyan niya habang binabaon sa lupa. I talked to her as much as I can. All phrases that I want her to hear from me, I... I said them all. Kahit hirap na 'ko basta masabi ko lang lahat sa kanya... lahat-lahat ng mga salita na pwede kong gamitin para sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal, sinabi ko.
Gusto ko silang pigilan sa pagbaon sayo... Czian. Pero hindi pwede. Gusto kong yakapin ka pa kahit huling beses nalang. Kahit ngayon nalang... pero hindi na pwede. Ang damot ng panahon para sati'ng dalawa. Ang dami ko pang gustong gawin na kasama ka. Sobrang dami pa pero hindi na kailanman matutupad dahil wala kana. Czian, sobrang mahal kita.
"Mauna nakami, Zack. Sumunod kana." Dad said but I didn't responded.
Naglakad ako sa kinaroroonan ng litrato niya. Kinuha ko ang portrait at hinalikan 'yon at niyakap. Ilang araw ka pa lang wala, miss na miss na kita. Paano pa ngayon Czian? Paano pa kaya ngayong hindi kana babalik? Naglakad ako palayo sa libingan niya at unti-unting pumatak ang ulan. Nanatili akong nakatayo sa gitna ng ulan habang haplos-haplos ko ang portrait na hawak ko. Napaluhod ako habang umiiyak.
"Masaya ka na ba Czian? Masaya ka na ba ngayong nakikita mo 'kong nasasaktan? Umiiyak? Ha? Masaya ka na ba?" Kinausap ko nalang ang imaheng hawak ko kahit alam kong hindi yon sasagot sakin.
"Masaya ka na ba ngayong nakikita mo 'kong nagdurusa sa pagkawala mo? Masaya ka ba sa kinaroroonan mo ngayon? Czian... ako kasi hindi ako masaya eh. At hinding-hindi na 'ko magiging masaya." Sabi ko at isinuklay ang kamay ko sa buhok ko, "Isama mo nalang ako diyan... diyan sa lugar kung nasaan ka ngayon. Please. Isama mo nalang ako para di na 'ko makaramdam ng ganito."
"Zack..." tumingala ako at nakita ko siya. Nakikita ko siyang umiiyak habang nakangiti sakin. Nakikita kong malungkot ang mga mata niya.
"Czian, andito kana naman. Pero ayaw mo namang bumalik sakin. Bakit ba pinapahirapan mo 'ko ha?" Tanong ko sa kanya.
"Tahan na. Ssshhh, I'm so sorry." Lumuhod din siya sa tapat ko at niyakap ako. Niyakap niya 'ko ng sobrang higput at ramdam ko 'yon.
"Czian, sobrang nasasaktan na 'ko ngayon. Natatakot ako.... na baka hindi na 'ko makabalik sa kung ano ako ngayong wala kana. Minamahal kita talaga."

BINABASA MO ANG
Memories of the Past (One Liter of Tears)
Teen FictionHow would he bring back all their memories of the past if he's the reason why she forgot everything? Does he deserve a second chance to make all his doings and decisions right? Would she give another chance? Would she accept his love again? Let's re...